CHAPTER 18

79 1 0
                                    

CHAPTER 18:

-xxx- 

"Ano bang pinaggagawa mo?"gulat na tanong ko sa kaniya pero mukha naman siyang pipi dahil hindi niya ako pinansin.


Patuloy niya pa rin akong hinihila kahit hindi niya alam kung saan ang daanan habang si Dave naman sa likuran ay naka sunod lang sa amin habang bitbit ang ulam namin. 

Kasiya naman siguro ulam namin hindi ba? Eh kasi naman may plus one kami dahil sa taong ito. May nakita naman kaming isang sari-sari store kaya huminto ako at hinigit ang kamay ko kay Kyler. Sumunod din naman si Dave.


"Pabili po!"tawag ko sa nagtitinda sa sari-sari.

"Ano sa'yo, ineng?"bungad ng isang matandang babae sa akin.

"Anim na pancit canton po, 'yung chili-mansi po sana. Salamat po."saad ko.

"Kunin ko lang, ineng."saad naman ni lola sa akin.

Bumalik naman si lola na may bitbit na anim na pancit canton. "Ito na ineng."

"Salamat po."saad ko.

"Teka lang ineng, sino sa dalawang 'yan ang boyfriend mo?"nguso ni lola sa likuran ko.

Napalingon naman ako sa likuran ko. "Hala, wala po lola!"iling-iling na tugon ko.

"Piliin mo kung sino talaga tinitibok ng puso mo."ngiting saad ni lola at naglaho.


Luh, asan na 'yun. Hinila ko nalang ang dalawang kanina pa nagbabangayan sa likuran ko. Kaya siguro napansin sila ni lola kasi ang iingay eh. Pabalik na kami sa bahay nila Synthia.


"Dito lang kami, umuwi kana."tinulak-tulak pa ni Dave si Kyler.


Tinignan naman ako ni Kyler na parang ayaw niya pa umuwi. Bumuntong-hininga nalang ako at hinawakan si Kyler.


"Pakainin muna natin 'to."saad ko at hinigit si Kyler.


Nakita ko naman si Dave na hindi makapaniwala sa narinig niya kaya wala naman din siyang nagawa. Tignan ko naman si Kyler habang naka pasok na kami pero naka ngiti siya, ngiting nang-aasar. Kaya naman huminto naman ako at tinaasan siya ng kilay.


"Napadami kana."nang-aasar na ngiti niya.


He's pretaining sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya kaya naman agad ko itong binitawan. Langya naman siya eh. 


"Pumasok ka na nga."inis na saad ko.

"Nahiya ka pa eh."saad niya sa nakakaasar na boses.


Hindi ko nalang siya pinansin at dumeretso na papasok sa loob ng bahay nina Synthia. Nakita ko naman sila naka-upo sa hapag kainan habang hinihintay kami. May mga utensils na din na nadoon pero ulam na talaga ang kulang.


"Bakit antagal niyo?"ngusong saad ni Synthia

"Baka naman kung saan-saan kayo nagsusuot ni lover boy ha!"biro ni Zeus.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon