CHAPTER 45

39 1 0
                                    

CHAPTER 45:

-xxx-

Naka-uwi naman ako sa bahay ng wala sa sarili. Inalalayan naman ako ni Mama ng makapasok ako sa bahay.

"Nalaman ko lahat ng nangyari sa inyo ni Kyler. Sinabi ng Papa mo."panimula ni Mama at niyakap ako.

Doon ko ibinuhos lahat ng iyak at luha na itinipon ko noong sumakay ako. Iyak at hikbi ang ginawa ko sa balikat ni Mama.

"Shh. Nandito lang ako, anak."pakalma ni Mama sa akin.

"Ma, mali ba naging desisyon ko?"tanong ko ng humiwalay na kami sa yakap.

Huminga ng malalim si Mama at hinaplos ang buhok ko na animo'y pinapatahan ako.

"Walang mali, anak. Walang mal isa ginawa mo. Iisipin pa nga ay tinulungan mo siyang makamit ang parangap niya. Masakit man na gawin ngunit alam mo sa sarili mo na tama ang ginawa mo..."saad ni Mama sa akin.

"Eh kasi Mama parang ang sama-sama ko sa ginawa ko kay Kyler. Mahal ko po siya pero ayoko po na isakripisyo niya ang pangarap niya ng dahil lang sa akin."malungkot na saad ko.

"You're selfless, anak. Mas inuna mo pa isipin ang parangap niya kaysa sa relasyon niyo. Ang pag-ibig ay nandiyan lang iyan ngunit ang parangarap ay talagang maglalaho na iyan pagdating ng araw. Kaya mas mainam na unahin muna ang pangarap kaysa pagmamahal ngunit kung kaya niyo naman pagsabayin ay talagang mas okay iyon. Sa sitwasyon niyo ay talagang kailagan may isang tao mag sakripisyo."saad ni Mama.

Niyakap ko siya ulit at umkiyak ako ng umiyak hanggang sa wala ng luha na lalabas sa mga mata ko.

"Iiyak mo lang iyan anak. Minsan sa buhay hindi natin kailangan ng mga salita upang tayo ay kumalma, mas kakailanganin na ilabas natin ang nararamdaman natin. Hindi natin kailangan man sarilihin ang mga problema. Nandito ako, si Synthia na kaibigan mo, at ang Papa mo. Nandito lang kami para sa'yo."saad uli ni Mama.

"Babalikan mo naman siguro si Kyler, hindi ba? Kaya't pagbutin mo ang sarili mo. Dahil dadating ang araw na magkikita uli kayo."dugtong pa nito.

"Aasahan ko na sa oras na magbalikan kami ay wala ng hadlang at wala ng problema."taas-noong saad ko.

"O'siya! Magpahinga ka muna."saad ni Mama at tumayo na.

Tumayo na din ako at pumasok sa loob ng kwarto ko. Kita ko sa dingding ang picture ni Kyler. Dali-dali akong lumapit dito at kinuha ito. Malungkot naman akong napangiti habang naka tingin dito.

"I'm sorry. Kailangan muna kitang itago muna para naman hindi ako maghinayang sa ginawa ko sa'yo."salita ko sa poster na hawak ko.

"Mahal na mahal kita. Babalik ako."dugtong ko.

May mga luhang tumulo sa mata ko kaya naman napa-upo ako sa higaan ko. Hindi ko talaga kaya itong pinagagawa ko. Hindi ko kayang iwanan siya. Hindi ko kaya.

Noong kumalma na ako ay kumuha ako ng isang kahon at doon linagay ang mga gamit na ibinigay ni Kyler at ng Hori7on. Kailangan ko muna silang iwanan ngayon dahil panganib kung patuloy pa rin akong dikit ng dikit sa kanila.

Kinuha ko naman ang cellphone ko ng kanina pa vibrate ito ng vibrate nakita ko naman ang daming tawag at text mula sa Hori7on pati na kay Manernim at kay Synthia. Pero lahat ng iyon ay hindi ko binuksan o nireplyan. 30 messages from Kyler. Binasa ko naman ang ilan sa mga message niya.

From: Kyler

Amara, answer the phone please.

Hindi ako naniniwala.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon