CHAPTER 35

62 1 0
                                    

CHAPTER 35:

-xxx-

Isang panibagong araw na naman ang dumating. Masaya na kinakabahan ako para mamayang gabi dahil ngayong gabi gaganapin ang dinner date kumbaga ng magulang ko at ni Kyler. 

Nandito na pala ako sa second location kung saan sila mag sho-shooting sa MV comeback nila. Habang hinihintay ko sila matapos ay nakinuod lang ako sa dito sa labas. May sabi-sabi na baka sa concert nila ay dadating ang daepyonim nila o ang CEO ng DJM Entertainmen. Ang Entertaintment sa Korea kung saan sila naka base.

Napangiti naman ako ng hindi namalayan dahil makikita ko talaga sa kanila na talagang pinaghandaan nila ito. Bawat sayaw at arte sa kamera ay talagang mahahanga ka sa kanila. 

"They're good."saad ng katabi ko.

Tumingin naman ako sa kaniya. Akala ko naman sino ang nagsalita. Isang korean staff pala.

"A-Ah, y-es."na-uutal na saad ko kasi sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang isasagot.

"Actually, I admired daepyonim on picking them. They deserved their spot."saad nito sa akin at nakangiti pa habang nakatingin sa Hori7on.

Lalo naman akong napangiti. "You're right. I'll hope the universe will know them."saad ko.

"By the way, what's your name? I mean I know you're the Personal Assistant of them but I don't know your name."kamot-ulong saad niya habang nakatingin sa akin. 

Mahina naman akong natawa. "Amara. Amara Abalos the best PA of Hori7on."sagot ko at ngumiti.

"KYLER! YOU'RE NOT LISTENING!"sigaw ng isang director.

Agad naman kaming napalingon sa nangyari sa harapan. Nakita namin na pinapagalitan si Kyler. Habang nanggigil ang director kay Kyler dahil sa mali, si Kyler naman ay masama ang timpla ng mukha. Tinignan ko naman si Vinci pero napakilbit-balikat lang siya. 

Mabuti naman at sumunod na si Kyler sa director. Nakasimangot naman ako. Ganyan naman kasi talaga si Kyler eh. Minsan hindi mo na alam kung saan talaga siya pinaglihi. Mas masahol pa sa babae kung ma-bad mood. 

*****

Matapos ang napahabang oras ay natapos na din ang kanilang second shooting at last na nila next week dahil nag call-off muna ng break ang director. Stress na stress na sa kaniya. Kanina pa kasi siya laging nagkakamali. Pinagalitan na siya ni Vinci at Managernim at pina-sorry sa Director. Ginawa naman niya pero labas naman sa ilong. Napa-iling naman ako.

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad papunta bahay namin. Since malapit lang naman sa bahay namin ang second location kung saan sila nag shooting. 

"Kung alam mo lang kung gaano ka stress ang direktor sa'yo."biro ko sa kaniya.

"Nakakainis kasi eh."inis na tugon niya.

Napakunot ang noo ko na humarap sa kaniya habang naglalakad. "Bakit naman?"

"I saw you talking to a korean staff. Bakit ipagpalit mo na ako sa totoong koreano?"inis na saad nito.

Napahinto naman ako at tumawa ng malakas na pati mga aso ay nagtatahol na sa amin.

"Nawala ka sa mood kasi nagseselos ka?"pigil tawang tanong ko.

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Ano naman ngayon?"

"Bakit ka naman magseselos 'dun?"tanong ko.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon