CHAPTER 31

71 1 0
                                    

CHAPTER 31:

-xxx-

Nakauwi na si Kyler habang si Mama naman ay kakadating lang. Nagulat nga siya ng makita akong mugto ang mga mata naka-upo sa salas. Kakatapos ko lang mag public statement pero hindi pa rin ako mapakali sa mga comments nila.


"Bakit umiiyak ang baby ko?"malambing na tono ng boses ni Mama habang yakap ako.

"Ma, viral na anak mo sa social media."malungkot na saad ko habang nakayakap kay Mama.

"Ano bang nangyari?"takang tanong ni Mama.


Nakalimutan ko hindi pala mahilig sa social media si Mama kaya hindi niya siguro alam na pinagpyestahan ako.


"Kim confessed to me at nalaman ito ng management niya dito sa Pilipinas. Kumain kami ng before kasi nanglibre siya, iyon pong bago palang ako pumirma ng contract sa kanila tapos kalat na siya sa social media, sinasabi nila malandi daw ako."sumbong ko habang humihikba.

Bumitiw naman si Mama sa yakap. "Sinabi nila 'yun?!"gulat na galit na tugon niya habang nakaharap sa akin.


Mahina naman akong tumango. Bumuga ng hangin si Mama at marahang hinaplos ang ulo ko.


"Huwag mo nalang silang pansinin kasi kahit anong gawin mo at pilit mo sabihin na hindi totoo may mga tao talagang ayaw maniwala. Kahit wala kang ginawa ay maghahanap pa rin 'yan sila na ikakasira mo. May mga taong ganiyan, anak. Kaya tandaan mo, gawin mo ang gusto mong gawin na kung saan ay masaya ka at 'wag pagtuunin ng pansin ang mga taong gusto kang hilahin pababa."saad ni Mama habang malungkot na nakatingin sa akin.

"Ma, mind if you'll tell me what happened between you and Papa?"tanong ko sa kaniya.

Umayos naman siya ng upo at bumuga ng hangin. "Hindi pa ngayon, anak."

"Ma, malaki na ako. Lagi mo lang sinasabi sa akin ay iniwan tayo ni Papa ng pinagbubuntis mo pa ako at sumama sa babae niya."malungkot na saad ko.

Buga ulit siya ng hangin at saka tumayo. "Magpahinga ka na, anak."

Lumingon ulit siya sa akin. "Malapit mo ng makita, Papa mo."mahinang saad nito at tuluyang umalis.


Tinawag ko siya pero hindi na niya ako nilingunan. Alam ko mabigat ang naramdaman ni Mamam ngayon ngunit sa pagkakataong ito gusto ko sana malinawan kung ano talagang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Bumuga nalang ulit ako ng hangin bago ko tinignan at binasa ang post ko.


Magandang Gabi sa inyong lahat. Ako nga po pala ang PA ng HORI7ON na nagviral. Gusto ko po sanang bigyang linaw ang kumakalat na issue at mga litrato. Iyon po ay totoo ngunit hindi lang po si Kim ang kasabay ko kumain kundi lahat po ng HORI7ON members pati na ang Manager nila. Nauna lang si Kim doon kaya kami lang dalawa ang nakunan. Sa mga taong lubos na pinagbabash ang HORI7ON ay sana naman po 'wag ninyo pagsalitaan ng kung ano-ano ang HORI7ON. Nawa'y mag-unawaan at magintidihan tayong lahat. Let us all listen to each side. Salamat po.


Madaming reactions at comments agad ang natamo ko sa post ko may iba ay sumang-ayon at naniniwala sa akin. May iba naman na pinipilit na siraan ako. Pinatay ko nalang ang cellphone ko at bumalik sa kwarto ko para magpahinga.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon