CHAPTER 50

27 1 0
                                    

CHAPTER 50:

-xxx-

Mabuti naman at maaga ako nagising at hindi pa ako late. Kaya dali-dali naman ako lumabas sa bahay. Since, wala si Mama kaya naman ako ang mag-isa na nakatira dito sa loob ng bahay namin. Noong una ay hindi ako sanay ngunit kalaunan naman ay nasanay din naman ako mag-isa.

Mabuti naman at naka sakay agad ako ng taxi papunta sa kompanya. Tumakbo naman ako ng makapasok ako sa loob ng kompanya dahil may ipapasa pa ako sa boss namin. Habang tagaktak ang pawis ko ay ganoon din kahina ng pataas ng elevator kung saan madami kaming nakasakay. Hindi nga ako late ngunit dahil sa traffic kanina ay na late na ako.

Tumakbo naman ako papasok sa opisna ng boss namin habang bitbit pa ang bag at folder na hawak ko.


"Good morning, Boss."bati ko habang hinihingal.

Tumingin siya sa relo niya. "You're 5 minutes late."

"I'm sorry po traffic lang."napakamot naman ako sa ulo ko.

Ini-abot ko naman ang folder na hawak ko. "Ito na po ang pinagawa niyo. Ni-revise ko po siya at enenhance po at sure po ako na sa budget plan na iyan ay hindi po tayo mag gegenerate ng losses."


Napatango naman siya habang binabasa ang ini-abot ko sa kaniya. Mabuti naman at wala siyang reklamo. Napahagod naman ako sa puso ko dahil hanggang ngayon ay hinihingal pa rin ako.


"Okay. This is acceptable. Go back to your work."saad nito at inilapag sa mesa niya ang folder ko.


Nagpaalam naman ako at umalis na sa loob ng opisina niya at umupo na sa table ko. Uminom naman ako ng tubig na nasa mesa ko. Nagsilapitan naman ang dalawa sa table ko.


"Bakit late ka?"tanong ni Synthis sa akin.

"Maaga naman talaga ako kaso traffic pa at mas nakaka-inis. Ako pa na late mahal pa ng gastos ko pamasahe."inis na saad ko.

"Bakit hindi ka nalang magsasakyan? Mayaman naman na kayo."saad ni Tris.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hindi ako mayaman. Magulang ko lang. At isa pa, gusto ko maranasan ang ganitong klase. Batak kaya ako pagdating sa pagcommute."

"Nga pala, mabuti naman at hindi ka pinagalitan ni Boss."saad ni Synthia.

"Ayun nga, napagalitan ako."malungkot na saad ko.

"Alam mo ba, na bad mood 'yan dahil nangunguna na naman ang Team 2 kaysa sa atin."panimula ni Trish.

"Oo at isa pa. Binigyan na sila ng budget habang tayo wala pa."dagdag naman ni Synthia.

"Back to your work!"inis na saad ng Team Leader namin kaya nagsi-alisan naman ang dalawa sa harapan ko.


BInalik ko nalang ang tingin ko sa mga nakahelira na mga papeles sa harapan ko kaya naman napabuga ako ng hangin. Back to work na!

Habang ginagawa ko ang trabaho ko ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya napatingin naman ako. Si Mama ang nagtext kaya binasa ko ito agad.


From: Mama

Nakapag apply ng leave kana ba for this Saturday? Alalahanin mo isang linggo tayo dito sa Korea. Sana naman ay siputin mo ako sa kasal namin ng Appa mo.

By Your SideWhere stories live. Discover now