CHAPTER 4

91 1 0
                                    

CHAPTER 4:

-xxx-

"Ang tagal mo naman. Nakatapos na silang kumanta ng tatlong kanta."bungad sa akin ni Synthia.

Hindi ko nalang siya pinansin at umupo na sa bakanteng upuan sa tabi niya. Hindi naman niya ako kinulit. Naiinis ako. Naiinis ako kay Kyler. Gusto ko siyang intindihin na baka wala lang sa mood o kaya pagod. Pero naman eh, parang isang 'thank you' lang wala akong tanggap. Ni hindi nga ako tinignan ng maayos, masama nga ang tingin eh.

"Sorry po kung hindi kami kasama sa performance kanina, may nangyari lang po."

Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Kim at katabi niya sina Marcus at Kyler. Nakabalik na pala sila. Nakatingin lang ako kay Kyler. Madapa ka sana. Inirapan ko siya kahit hindi niya ako makita. 

"OMG! My 2K hearts!"

"2K with their maknae!"

"Gwapo talaga nila! Lalo na si Kyler!"

Sinamaan ko ng tingin ang mga nasalikuran ko. Huy, akin si Kyler mylabs kahit sinaktan niya ako. Bumalik naman ang tingin ko sa stage habang naka nguso. Ang 2K na pinagsasabi nila ay si Kyler at Kim.

"Dae, nakatingin sa'yo si Kim ba 'yan? 'Yung CR boy."siniko ako ni Synthia kaya tumingin naman ako kay Kim at tama siya. Nakatingin nga sa akin habang nakangiti. 

"Hala! Kumaway siya dito!"

"OMG! Ready na akong pumasa sa finals."

"Ako ang kinawayan niya!"

Napatulala naman ako ng makitang kumaway sa akin si Kim. Oo, sa akin kasi kilala niya ako. Enchoserang mga baabeng 'to. Nahiya naman ako kaya si Marcus nalang ang tinignan ko na nagsasalita. 

"I started to like him na. Might as well maging fan na nila ako."kilig na saad ni Synthia.

Napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. "Sino diyan?"

"'Yung Kim. Don't worry sa'yo na sa'yo ang Kyler mo."tili niya.

Napa-irap nalang ako habang napa-iling. Lumabas na din ang ibang members. Nag usap-usap lang sila at kumakanta din. Matapos ang dalawang oras ay natapos na din ang event kaya naman nagsitayuan at uwian na ang ibang studyante.

"Are you Amara Abalos?"

Napalingon naman ako nagsalita. Isang event organizer ata. Studyante siya dito pero hindi ko siya kilala. Tumango naman ako bilang tugon sa tanong niya.

"Ate, hinanap ka ng Producer sa Hori7on. Samahan niyo po ako at ihahatid po kita."saad niya.

Wala naman akong nagawa kundi sumunod lang. Bakit kaya ako pinatawag? May nagawa ba akong mali? Si Synthia naman ay umalis dahil mag restroom muna siya. Baka i-text ko nalang 'yun. Nakapasok naman kami sa isang malaking storage room pero ngayon ay ginawang dressing room ng Hori7on.

Nandito ang mga members ng Hori7on kasama ang dalawa na mukhang Koreano. Ito ata ang Producer na kasama nila at isa Manager nila. Nandito din ang dean ng department ko at si Prof Alvarez.

"Good Evening po."bati ko habang nag bow sa kanila.

"Oh! Amara."tawag ni Kim habang kumakaway sa akin at ningitian ko nalang ito.

"Are you Amara Abalos?"tanong ng isang Koreano sa akin.

"Yes, I am."ngiting tugon ko.

"I am Lee Joon-Woo and I am their producer. This is Kang Minjun, their Manager."saad ng Producer.

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon