CHAPTER 10

80 1 0
                                    

CHAPTER 10:

-xxx-

Nadatnan ko naman si Mama sa sala nanuod ng TV kaya nagmano naman ako sa kaniya.


"Musta ang unang araw sa trabaho?"tanong sa akin ni Mama at pinatay ang TV.

"Mama!"nakangusong saad ko at yumakap kay Mama.

"Bakit?"nagtakang tanong niya.

"Wala naman."saad ko habang sinuksok ang ulo sa leeg niya.

Niyakap naman niya ako pabalik. "May problema ba?"malambing saad niya.

"Pagod lang ako, Ma."saad ko at humiwalay sa yakap.

"Oh bakit may mga luha sa pisnge mo?"tanong niya.

Pinahid ko naman ito agad. "Wala 'to ma, dala lang sa pagod."saad ko.


Nagpaalam naman na ako kay Mama dahil papasok na ako sa kwarto para magpahinga. Pagpasok ko palang sa kwarto ay nakita ko naman ang poster ni Kyler sa dingding. Sinamaan ko naman ito ng tingin. 


"Ayoko na. Hindi mo na ako fan simula ngayon."


Lumapit naman ako sa poster at kinuha ito. Inilukot ko naman ito at inilagay sa gilid ng table ko.


"Naiinis na talaga ako sa'yo. Kung hindi lang kita idol baka kanina pa kita na batukan."inis na sambit ko sa sarili.


Padabog naman akong umupo sa higaan ko at kinuha ang cellphone ko. Nag-surf naman ako sa IG baka kasi may mga ganap o ano. Inistory naman ng official page ng Hori7on ang kaganapan kanina sa photoshoot at interview. Sunod story ko naman nakita ay story ni Kim.


"Hala!"


Napatayo ako ng wala sa oras. Pano ba naman kasi ang inistory ba naman ni Kim ay picture namin dalawa sa training room at doon sa dorm nila. Naka close friends lang naman pero pano kung makita ng manangement nila 'to? Patay na ako nito. Hindi naman ako mapakali ay dali-dali ko naman tinext si Kim.


To: Kim

Huy! Sira ka talaga, inistory mo talaga 'yun? Pano kung makita ng management 'to? Jusko, baka sunod nito wala na akong trabaho.


Dali-dali naman itong nagreply sa akin.


From: Kim

Chill. Close friends lang 'yun. Close friends ko lang naman ay mga pamilya ko.


Ni-replyan ko naman ito.


To: Kim

Ibig sabihin, pamilya lang makakita sa story mo?


Nabunotan naman ako ng tinik. Pero napalitan naman ito agad ng kilig. Kinilig ako kasi bakit niya ba naman inistory 'yung picture namin. Beket ba Kim? Nakangiti naman ako ngayon. Ang bilis ko ata magpalit ng mood. Bipolar te?

By Your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon