tattoo 9

1K 2 0
                                    


Napabalikwas ng bangon si Vernon!

Panaginip lang pala. Ang lakas ng tibok ng puso niya.

Kahit panaginip lang yon, parang totoong totoo ang pakiramdam niya. Hinawakan pa niya ang dibdib, kung saan akala niya ay tatagos ang balang tatama sa kanya.

Napalingon siya sa babaeng katabi, ang babae sa kanyang panaginip, si Julia!

Naalala niya ang tamis na pinagsaluhan nila kagabi. Unti unting kumalma ang kanyang pakiramdam.

Maamo ang mukha ni Julia, naisip niyang hindi kayang gawin ng babae ang nasa kanyang panaginip.

Tiningnan niya ang oras, madaling araw na pala. Dapat ay naihatid na niya ang dalaga sa bahay nito. Baka nag aalala na ang mga magulang ni Julia. Hindi pa sila na-late ng uwi tuwing susunduin niya ang kasintahan. Kahit alam niyang boto sa kanya ang pamilya ng babae, ayaw niyang sirain ang tiwala ng mga ito.

Bahagya niyang tinapik ang katipan para gisingin ito. Alam niyang napagod ang dalaga sa naganap sa kanila kagabi, pero kailangan na nilang makauwi.

Inulit niya ang pagtapik pero talagang ayaw pang bumangon ni Julia. Umungol lang ito ng mahina at pumihit patalikod sa kanya.

Nalantad sa kanya ang maputing likuran ni Julia, na kanina ay nababalutan ng kumot. Pinagmasdan niya ang magandang likod ng kasintahan, hanggang madako ang tingin niya sa balikat nito.

Hindi siya makapaniwala sa nakita!

Sobrang kilabot ang naramdaman ni Vernon sa nakita. Ito kaya ang ibig ipahiwatig ng kanyang panaginip. Ayaw niyang tanggapin pero nasa kanyang harapan ang katibayan.

May tattoo si Julia, isang hugis pusong tattoo sa kanang balikat!

Eksakto sa deskripsyon ng witness na si Jeff.

Si Julia pa yata ang hinahanap nilang killer, ang Lipstick Killer!

Hindi, nagkataon lang ito. Hindi nga kayang pumatay ng lamok ng dalaga, tao pa kaya.

Pagtatanggol ni Vernon sa babaeng minamahal. Parang sasabog ang ulo niya sa natuklasan.

Pilit niyang kinalma ang sarili at pangibabawin ang pagiging alagad ng batas. Hindi sapat ang tattoo. Kailangan pa niyang maghanap ng ibang ebidensya na makapagpapatibay sa kanyang hinala.

Pinabayaan muna niyang matulog ang babae. Ngayon lang niya napansin ang pagkakahawig nga ni Julia sa salaysay ng witness nila.

Mga 5'2"-5'3" ang height ng babae, maputi, sexy. Medyo mahaba na ang buhok pero naalala niya nung una niya itong makita, maiksi pa buhok ng babae.

Napagtuunan niya ng pansin ang shoulder bag ni Julia. Marahan niya itong binuksan at inumpisahang tingnan ang laman noon.

Pambabaeng gamit ang laman ng bag pero kinuha ang atensyon niya ng dalawang klase lipstick na naroroon.

Binuksan niya ang isa, light pink ang kulay na madalas gamit ni Julia.

Muling nagtaasan ang balahibo niya ng buksan ang pangalawa. Kulay bright red na hindi pa niya nakitang naging kulay ng labi ng dalaga.

Ganito ang kulay na iniiwang marka sa biktima ng kriminal!

Wala pang kumpirmasyon pero mukhang ang kasintahan pa niya ang salarin.

Nahahati ang damdamin niya sa dalaga, totoo kayang mahal sya nito o pinaibig lang para malayo ang hinala niya na may kinalaman ito sa kaso.

Ibinababa na niya ang bag ng may makapa siya sa bulsa nito. Kinuha niya ang nakapang maliit na bagay at tuluyan siyang nanghina.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now