Lihim ng pamilya 11

887 1 0
                                    

Ang Pagtatagpo

Habang nasa kwarto ni Trishi si Laura ay nakita niya ang isang kwintas at isang pares ng damit pangbaby. Nung una ay hinayaan nalang muna niya. Ngunit habang tumatagal na nakikita niya ay nacucurious siya sa bagay na iyun. Parang kahawig ng kwintas at damit ng anak nila na si Jann Khyrstein.

Gusto tanungin ni Laura kung anu ang mga bagay na iyun at kanino ngunit hindi niya alam kung panu sisimulan kausapin si Trisha tungkol dun. Hanggang sa hindi na niya napigilan ang sarili niya at tinanong niya ang bagay na nasa kama niya.

"Trish, sa iyo ba yan nasa kama mo. Parang ngaun ko lang nakita at luma na." Ang tanong ni Laura sabay turo niya sa kwintas.

"Yan ba, mommy. Huwag po kayo mabibigla sa sasabihin ko. Yan damit pangbaby at yung kwintas po na nakikita niyo ay ang suot suot ko daw nung natagpuan ako ni Papa sa isang basurahan." Ang paliwanag ni Trisha.

Nagulat naman si Laura sa narinig niya. Hindi siya makapaniwala na itinapon siya sa basurahan at mas nagulat siya dahil ampon lang siya.

"Anak, ampon ka lang ng mga magulang mo?" Ang tanong ni Laura.

"Opo, mommy. Ampon lang ako. Pero kahit papano hindi nila ipinaramdaman na hindi nila ako tunay na anak." Ang paliwanag niya.

Natuwa naman si Laura na malaman niya iyun.

"Wala ka bang balak hanapin ang mga tunay mong magulang at tanungin sila bakit ka nila tinapon sa basurahan. Sisisihin mo ba sila kung makita mo sila?" Ang tanong ni Laura.

"Sa totoo lang po, nung nalaman ko ang totoo kung pagkatao ay may part sa sarili ko na hanapin sila at may part din na hindi na sila hanapin. Gusto ko din sila sisihin dahil masakit din na malaman na itinapon ako sa basurahan. Hindi ko sila mapapatawad." Ang sagot ni Trisha na may halong galit.

Nalungkot naman at naramdaman ni Laura na may halong galit sa sagot ni Trisha.

"Alam ko masakit, anak. Kahit ako nasaktan sa narinig ko. Ngunit naiisip mo ba na baka may ibang nangyari bakit ka natagpuan sa basurahan. Halimbawa nakidnap ka at nung nalaman nila na iba ang nakidnap nila at mistaken identity ay itinapon ka nalang nila sa basurahan." Ang pahayag ni Laura.

Natigilan si Trisha sa sinabi ni Laura. Dito niya naisip na baka totoo ang sinabi niya.

"Mom, sana totoo po yang sinabi ninyo. Na hindi ako sinasadya na matagpuan sa basurahan. Masakit po kasi malaman kung sinadya akong itapon dun." Ang sabi ni Trisha at naiyak.

Nang mapansin ni Laura na naiiyak si Trisha ay nilapitan niya ito at niyakap.

"Mommy, bakit niyo pala natanong ang bagay na iyan." Ang tanong ni Trisha ng kumalma na siya.

Bago sumagot si Laura ay umupo muna siya at kinuha ang kwintas.

"Naalala ko lang kasi ang anak namin ni Caleb." Ang sagot ni Laura.

Nang marinig ni Trisha iyun ay nagulat siya dahil may anak pala sila ni Caleb ngunit hindi naman niya nakikita. Umupo siya para pakinggan ang kwento ni Laura.

"Alam mo ba bago kame bumalik ni Caleb sa bahay ni Seniora Pacifica nun ay may anak na kame ni Caleb. Hindi lang namin sinabi sa kanila iyun. Ngunit isang araw bigla nalang may pumasok sa inuupahan namin apartment at biglang kinidnap ang anak namin. Ilang taon din kame naghanap sa kanya. Natigil lang ang paghahanap namin sa anak namin nung may nangyaring masama sa amin ni Caleb sa loob ng bahay ni Seniora Pacifica. Kung hindi siya nawala sa amin ni Caleb nun ay hindi kame babalik sa bahay. Natanong ko to dahil may suot din siyang kwintas nun." Ang kwento ni Laura.

Hindi naman muna napansin ni Laura ang kwintas na hawak niya dahil nakafocus siya kay Trisha.

"Sorry, mommy. Hindi ko alam na nagkaanak pala kayo ni daddy Caleb. Hindi kasi sinabi ni Alec na may anak pala kayo."

Shush Series (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon