Lihim ng pamilya 12

1.4K 2 1
                                    

Ang Pagbabago

Dinala nga ni Alec si Sandra sa isang hotel. Hindi naman tumanggi si Sandra sa alok ni Alec dahil matagal na niyang gusto ang binata. Kaya hindi siya nagdalawang isip na sumama sa kanya agad.

Matagal na din niya na gusto may mangyari sa kanila ng binata. Eto na ang chance niya. Ibibigay niya lahat sa kanya ngaun.

Masaya si Sandra dahil sa makakamtan na niya ang gusto niya, ang mapasakanya si Alec. Nagpasalamat siya dahil sa ginawa ni Trisha sa kanya, kung hindi niya ginawa iyun ay wala talaga siyang mapapala kay Alec kahit maghubad eto sa harapan niya.

Bago naman sila pumunta sa hotel at habang nasa sasakyan silang dalawa ay nagselfie na muna si Sandra at nagsend kay Trisha ng picture nilang dalawa. Gusto niya pagselosin si Trisha at eto ngaun ang pagkakataon niya.

Kasama ng picture na sinend niya kay Trisha ay nag iwan siya ng isang mensahe.

"Eto lang naman ang lalaking sinayang mo, Trisha. Pakakasalan ko siya at mamahalin hindi gaya ng ginagawa mo. Malandi ka at napakasama mo dahil iniwan mo siya." Ang saad ni Sandra sa kanyang chat para kay Trisha.

Samantala, habang kausap ni Trisha ang mommy niya ay nakareceive eto ng isang mensahe sa kanyang tweet account na galing kay Sandra. Nang buksan niya eto ay nakita niya na galing kay Sandra iyun. Agad naman niya binuksan ang litrato at hindi na siya nagulat sa nilalaman.

Napansin niya din sa sarili na hindi na siya nasasaktan nang makita ang litrato nina Alec at Sandra na magkasama at mabasa pa ang mensahi ni Sandra. Nakamove on na siya agad at alam niya na kuya niya si Alec.

"Masaya ako para sa iyo, Sandra ngaun nakuha mo na gusto mo. At sana huwag mo siya saktan at protektahan mo siya. Pero bago ka magjudge, alamin mo muna ang totoo kwento at anu nga ba talaga ang totoong nangyari, hindi ka lang basta basta maniwala sa sinasabi nila, I know, you believe what they said on TV. May dahilan kase ako bakit ako tumakas kinagabihan bago ang kasal namin ni Alec. May nalaman ako the night before our wedding . And sooner, you will know it. Kung gusto mo siya pakasal go for it. Hindi kita pipigilan. At sana hindi ka magsisi sa huli, alam ko gusto mo siya pakasalan. Mag ingat ka na lang. Alam ko kahit magpaliwanag ako hindi ka maniniwala sa paliwanag ko, kaya bahala ka na diyan. Pero pagsasabihan kita, mapapahamak ka sa gagawin mo. Hindi mo pa alam ang tunay na ugali ng buong pamilya Claveria. I know, its useless but sooner or later you will definitely regret what will you do now. And you will understand, why i did those things." Ang sagot at paliwanag ni Trisha at blinock ang number ni Sandra.

masaya pa rin ang araw niya kahit nagtext pa sa kanya si Sandra.

Gusto naman sana sabihin ni Trisha ang totoo sa kanya na kapatid niya si ALec at ang totoong nangyari ngunit naisip niya na hindi siya maniniwala sa sasabihin niya. Kaya kahit alam niya sa huli na mapapahamak siya ay hinayaan nalng niya ang kaaway niya.

"Bahala ka sa buhay mo, Sandra. Kung mapahamak ka man o mamatay. Wala ako pakialam sa iyo." Ang nasa isip ni Trisha.

Nagulat naman si Sandra sa nabasa mula kay Trisha. Gusto naman sana niya itext ulit si Trisha at tanungin ang totoong nangyari ngunit napansin niya na nakablock na siya kaya nainis siya. Hinayaan at hindi nalang niya eto pinansin dahil kapiling na niya si Alec sa oras na iyun.

Hindi naman napansin ni Alec ang reaktion ni Sandra.

Kahit na naiinis si Sandra dahil napansin niya na walang epekto kay Trisha ang pinakita niya ay pilit niya pinapakalma ang sarili. Tinuon nalang niya ang kanyang pansin kay Alec.

ilang sandali pa ay nakarating na sila sa isnag hotel at nagbooked agad si Alec ng kwarto for a night.

Pagdating na pagdating nilang dalawa sa kwarto sa hotel ay agad niyakap ni Sandra si Alec at agad niya hinalikan eto. Napansin ni Alec ang excitement ni Sandra. Hindi na nagulat si Alec dito dahil matagal na niyang alam na may gusto sa kanya ang dalaga.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now