Matinding Pagnanasa

4.1K 4 0
                                    


May isang pamilya ang masayang namumuhay sa isang syudad. Si Nicanor, 50 years old, ang padre de pamilya, ay isang construction worker. Si Margarita naman, 40 years old, ay ang maybahay ni Nicanor.

Isang lalaki lang anak ng mag asawa at siya ay si Rosendo, 18 years old. Bata pa lamang si Rosendo ay isinasama na siya ng kanyang tatay sa trabaho, siya ang pintor.

Hindi nagtratrabaho si Nicanor ng malayo sa kanyang asawa. Ayaw niyang malayo sa kanyang pamilya. Kaya naman naisipan niyang gumawa ng sariling tindahan ng mga furniture na gawa sa mga punong kahoy.

Magaling at pulido gumawa si Nicanor ng mga upuan, lamesa at iba pa kaya marami siyang customer. Si Rosendo naman ay tumutulong sa kanyang tatay. Siya ang naglalako mg mga paninda nilang upuan.

Isang araw, nagkaroon ng patimpalak sa paggawa ng upuan at lamesa. Dahil sa papremyo, naengganyong sumali ang mag-ama.

Nicanor: Anak, gusto mong sumali?

Rosendo: Sige, tay. Gusto ko ring lumayo muna rito at makapagpahinga kahit minsan.

Nicanor: O siya, ipalista mo na ang pangalan natin.

Si Rosendo ay dali-daling pumunta sa pinuno ng kanilang lugar at nagpalista.

Carlita: Rosendo, saan ang punta mo?

Si Carlita, 17 years old, ay ang kasintahan ni Rosendo.

Rosendo: Magpapalista kami ni tatay dahil sasali kami sa patimpalak.

Carlita: Ahh, ganoon ba? O sige sasamahan na kita.

Pagbalik ni Rosendo,

Nicanor: Anak, may plano na ako.

Rosendo: Ang bilis mo namang mag-isip tay.

Nicanor: Alam mo, nak, kung gusto mong manalo, dapat ang isip mo ay isip ng isang kampyon.

Carlita: Ang husay talaga ng tatay mo. Napakagaling niyo po, tito Canor.

Nicanor: Salamat, hija.

Rosendo: Tama kayo, tay. Kaso di ko naman kayo matutulungan jan, ako na lang bahala sa pagpipintura.

Sinubukan ng mag-ama ang naisip ni Nicanor na design ng kanilang gagawin. Naging matagumpay naman ang kanilang ginawa.

Nang dumating na ang araw ng patimpalak, ang mga kalahok ay inihanda na ang ka ilang mga gagamitin sa paggawa ng upuan at lamesa.

Mayroon lamang silang dalawang isa't kalahating oras para gawin ang upuan at lamesa.

Tagapagsalita: Mag-umpisa na!

Nag-umpisa nang gumawa ng upuan at lamesa ang mga kalahok. Maagang natapos ni Nicanor ang kanyang ginawa kaya napinturahan agad ito ni Rosendo. Sila ang kauna unahang nakatapos.

Nang matapos na ang oras ng paggawa, nilapitan ng mga judges ang mga gawa ng mga kalahok.

Tagapagsalita: Ang nanalo ng pitong libong piso, ng isang motor, at tour sa isang magandang isla ay sina, Nicanor at Rosendo.

Tuwang tuwa ang mag ama nang marinig nila ang pangalan nila. Agad agad silang umakyat at inabot ang pitong libong piso at ang susi ng motor. Inabot rin sa kanya ang ticket papuntang isla.

Umuwi ang mag-ama sakay ng motor na napanalunan nila.

Margarita: Hoy, saan niyo nakuha yan?

Rosendo: Nay, nanalo kami ni tatay sa patimpalak. Ito ang premyo.

Margarita: Totoo ba iyan, Canor?

Nicanor: Oo, Marga. Hindi namin pinaalam sayo na sumali kami para masurpresa ka.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now