Triplets Finalé

1.2K 2 0
                                    


Muling nag-bluescreen ang utak ko. Joke lang ba ito. Hindi ganoon ka-tanga si Carmi para magpa-buntis at lumayo sa lalaking naka-buntis sa kanya. Tumawa lang ako. Hindi sigurado kung ano ang dahilan ng aking pag-tawa. Hindi alam kung nakaka-tawa nga ba o dina-daan ko lang sa ganito ang problemang kahit kailan ay hindi ko man lang inisip na mangyayari sa amin ni Carmi.

Dian: Huwag kang magagalit, baby. Please.

Tumingin ako sa lumuluhang si Dian. Alam niya ba ang plano ni Carmi? Plinano nga ba ito ni Carmi? Na-alala ko ang sinabi ni Derek noon. Na ang gustong-gusto ni Carmi ay sa kanyang bunganga ako nagpapa-putok. Pero nang mag-sama kami ng halos isang buwan ay puro sa kanyang puke ang nais niyang pag-labasan ko ng aking tamod.

Tama nga si Derek, ang dense ko sa mga babae. Tanga talaga. Hindi man lang inisip ang mga pag-babago sa mga ugali at gawi ni Carmi. Kahit gaano ito kaliit.

Sa mga nangyayari'y napag-tanto kong naka-plano nga lahat ito. Ang isang buwan na mag-isa si Carmi sa bahay ay naging dalawang buwan. Bakit hindi na umuwi ang mommy ni Carmi? Bakit wala sila sa graduation ng nag-iisa nilang anak?

Ngayon ko lang napag-tagpi-tagpi. Nag-migrate na pala ang pamilya ni Carmi. Siya na lang nag nahuli upang tapusin ang kanyang kolehiyo dito at susunod na lamang siya. Kaya pala every two days ang sex namin. Gusto niyang healthy ang tamod ko. May pahinga upang makabawi sa isang araw na sex.

Me: Bakit hindi nyo na lang ako kina-usap, baby?

Dian: I want to pero natatakot si Carmi. Baka daw umayaw ka.

Me: It's my prerogative naman di ba? Ang umayaw o pumayag. Bakit kayo lang ang may karapatang mag-desisyon?

Dian: I'm sorry, baby. Seriously, I am. Pero iyak ng iyak si Carmi. Alam niyang lalayo na siya sa iyo. Dati pa siyang may gusto sa iyo. Dati ka na niyang mahal. Ayaw niya lang ipilit ang sarili niya sa iyo. Kaya nang maging kayo ni Adelai ay nag-ayos na siya ng sarili niya. Hinihintay ang pagkakataong maging kayo sana. Pero …

Me: Pero, ano?

Dian: Naging tayo.

Me: Kasalanan mo pala eh.

Hindi ko kayang kalabanin sa joke si Derek. Ang galing niyang mag-isip ng bawat sasabihin at higit sa lahat, magaling siyang tumayming. Ako? Palpak lagi sa timing.

Halos sumabog sa pag-iyak si Dian sa aking sinabi. Nag-bibiro lang ako pero dinamdam niya ang aking sinabi.

Me: I'm sorry, baby. Joke lang yun. Hindi ko sinasadya.

Parang batang umi-iyak ang aking kapatid. Nasasaktan ako dahil totohanang iyak ang ginagawa ni Dian. Ang pag-hikbi. Ang pag-sinok. Pati ang pag-lobo ng sipon sa ilong.

Hinigpitan ko ang pag-yakap kay Dian dahil nag-pupumiglas itong maka-layo sa akin. Putang-inang sense of humor ko, dispalinghado talaga.

Me: Baby, nag-bibiro lang ako. Huwag mong dibdibin ang sinabi ko. Please?

Marami nang naka-tingin sa amin dahil sa pag-atungal ni Dian. Panay ang hagod ko sa kanyang likod upang mapa-tahan lamang siya. Kung magagawa ko nga lamang siyang halikan sa labi'y ginawa ko na. Pero nasa pang-publikong lugar kami. Baka maging center of attraction kami sa gagawin kong pag-halik sa kanyang labi at baka bukas ay nagte-trending na kami sa aming gagawing pag-hahalikan sa airport.

Marahan ko siyang hinila upang maka-tago kami sa mapanuring mga mata ng Marites sa airport.

Pina-bayaan ko siyang umiyak sa aking dibdib. Naka-yakap lang ako sa kanya at hina-himas ang kanyang likuran. Ilang sandali'y narinig ko na ang papugto-pugtong salita ni Dian.

Shush Series (Book 2) Where stories live. Discover now