Chapter 44

22 1 0
                                    

Lovelyn Valdez Pov:

"Lyn? Is this real? You're here?" Di makapaniwalang tanong ni Lilian.

Napangiti ako at niyakap ito kaso di ko na nahigpitan kasi baka maipit ang tiyan ko.

"Teka teka sino ang kasama mo? Alam ba ito ni Jerick?"

Umiling ako.

"Hindi alam ni Jerick?!"

"Huwag kang mag-alala, isang araw lang naman ako dito tsaka kasama ko si kuya Jaren"Tukoy ko sa nagbabantay saakin.

"Seryuso?"

"Oo, alam naman nina mommy na pupunta ako dito. Hindi ko kayang palagpasin ang celebration ng birthday & promotion ng bestfriend ko noh!"

"Gurl, sobrang na-appreciate ko"

Muli ako nitong niyakap.

"Halata na ang tiyan mo ah!"

"Almost 5 months" Aniko.

"Dahil sa sxy ka, para ka lang busog haha!"

Sabi nila maliit daw akong mag buntis pero tama lang naman daw sa katawan ko.

"Tara na pasok ka na, ng makapagpahinga ka na muna"

Napangiti ako at pumasok na nga sa loob.

"Anong gender?'

"Di pa ako nakakapag-ultrasounds eh weeks palang si baby ng magawa ko iyon"

"Di ka sinasamahan ni Jerick?"

"Ang totoo, gusto ko kasi surprise yung gender ng baby ko. Kasi kahit ano naman gender nya mamahalin ko parin sya ng sobra"

"Hayst! O cge ikaw ang bahala pero mas mabuting malaman mo narin ng makapag prepare ka na ng mga gamit ng baby"

Napaisip ako.

May point sya.

"Oo nga pala nasaan si Jaren?"

"Umuwi sa pamilya nya sa Probinsya"

"Buti naman pinayagan ka ng parents mong mag byahe kahit na buntis ka"

"Di nila matiis kakulitan ko eh haha, pero don't worry Lilian maingat naman ako."

"Oo na! Oh sya gurl, ikaw ng bahala dito ah! Kailangan ko ng pumasok sa trabaho baka bawiin pa promotion ko"

Napangiti ako.

"Sige, congrats again. You deserve it"

"Thank you gurl!"

Muli akong napangiti.

"What time out mo ngayon?" Tanong ko.

"Half day lang ako gurl, may celebration lang kasi sa Kompanya kaya di ako makatanggi"

"Puntahan kita mamaya....."

"Huwag na gurl" Makahulugan na ani nito.

"Alam ko pero ok lang naman"

"Basta huwag mo na akong sunduin, dito nalang tayo magkita"

Alam kong nag-aalala lamang sya sa feelings ko.

"Oh sige na"

"Good"

"Sige na mauna ka na baka malate ka pa"

"Una na ako gurl, bye baby.. see you later"

Hinalikan ako nito sa pisngi tsaka nagmamadaling lumabas.

Napabuntong hininga ako.

"Baby, Di na siguro tayo makakabalik dito noh?"

Nag decide na kasi ako na huwag ng bumalik dito sa Pilipinas matapos ang araw naito.

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now