Chapter 13

24 0 0
                                    

Zinnia Yuri Pov:

"Babe! Kailangan ba talagang nakasuot ako ng bonnet, eye glasses, at mask?"

Reklamo ng kasama ko kaya pasimple akong napatawa.

"Oum" Tipid na sagot ko.

"Pero babe ang init" Reklamo muli nito.

Ito talagang kasama ko panay ang reklamo!

"Kaysa naman dumugin tayo ng mga DESPERATE FANS mo diba?" May pagka sarkastiko na aniko.

Totoo naman kasi talaga eh 3 araw na mula nang i- announce ni CK ang pag bibitiw nya sa showbiz pero ang mga fans nya tudo drama at pa awa effect parin para bumalik sya.

"Babe! retired na nga ako eh"

"Tsh! Ikaw retired na eh ang pag hanga ata nila pang forever na!" Irap ko.

"Selos ka lang eh! Oy ang babe ko selos"

"Tigil tigilan mo ako CK lalabas ka dito sa mall na may pasa sa mukha" Pagbabanta ko.

Iniwan ko na ito at nauna nang sumakay sa escalator kasi naman ang tagal mag lakad puro reklamo pa.

Pasimple akong napahimas sa pisngi ko kasi umiinit.

Mayamaya lang ng tumakbo ito papunta sa tabi ko at ipinulupot ang isang braso sa beywang ko.

Napangiti nalang ako.

°°°°°FAST FORWARD°°°°°

"Babe ang ganda dito!"

"Babe ang cute picture an mo ako!"

"OH MY G! Babe look oh hahaha ang daming laruan dito!"

"Hala babe ohh!"

Hila dito, hila doon ang gawa ko kay CK hehe.

Super saya!

"Babe gutom na ako" Kinalabit ko si CK at tinignan ng nakanguso.

"Let's go, kain tayo"

Mas lalo akong napangiti tsaka nauna ng pumasok sa isang restaurant.

Napanguso ako dahil pinagtitinginan kami ng mga naririto.

Siguro dahil sa balot na balot itong kasama ko.

Oo nga paano sya makakakain kung balot na balot sya?

"CK take out nalng tayo wag na dine in di ka makakakain eh" Bulong ko sa tenga ni CK.

Kinailangan nya pang mag bend ng bahagya kasi mas matangkad sya sakin.

"Ang sweet talaga ng babe ko" Bulong nito pabalik saakin.

Mahina ko itong tinampal sa braso na ikinatawa nito.

Lumapit na si CK sa counter at kinausap yung isa sa mga staff while ako ay nandito lamang sa puwesto ko habang inaantay si CK.

"Gurl kita mo yang naka bonnet, mask at shades?"

Nakuha ang atensyon ko ng usapan ng dalawang babae sa may gilid ko di kalayuan.

"Oo bakit?"

"Feeling ko familiar eh!"

"Talaga sino?"

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa narinig.

"Parang si.. pero impossible eh"

"OMG! Si ano ba Iniisip mo?"

Napakagat ako sa labi dahil nagbulungan pa yung dalawa.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagpakabusy kunyari.

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now