Chapter 19

21 1 0
                                    

Zinnia Yuri Pov:

Ano kayang meron kina Axel at Mira?

Eh kasi kahapon lagi na silang magkasama at parang ang sweet sweet pa nila sa isa't Isa.

YES malaking YES! Hinatid ni Axel si Mira kahapon then ayun nag bago ihip ng hangin.

Sila na kaya?

"Babe? Ang lalim ata ng iniisip mo?"

Napalingon ako kay CK na kakatapos lang maligo.

"Iniisip ko lang, sina Axel na ba at Mira?"

"Bakit selos ka?"

Inirapan ko agad si CK.

"Anong selos ka diyan? Bakit naman ako mag seselos?"

"Sa kaibigan mo kaku kasi mahahati na atensyon sayo at sa boyfriend nya"

Halos lumuwa ang mga mata ko sa narinig..

"BOYFRIEND? Si AXEL? BOYFRIEND NI MIRA AS IN! SI MIRA GIRLFRIEND NI AXEL? BALIW KA BA DIBA GIRLFRIEND NI AXEL KAPATID NI JONA?!" Sigaw ko na umalingawngaw sa buong paligid.

Nakatakip na ngayon sa mga tenga si CK.

"Relax babe, sila nang bahala diyan. Sabi ko na eh rumors lang iyon!"

"Hays! Ewan ko sainyong mga lalaki! Ang hilig nyong mangabit!"

"Anong sabi mo Zinnia Yuri Miracle?!"

Galit na naman sya.

"Joke lang" Ngumiti ako at nag puppy eyes.

"Di mo ako madadaan diyan babae! Nangangabit daw! wala akong kabit noh! Sinong nagbigay sayo ng pahintulot na pag bintangan ako ah?!"

Napatakip ako sa bibig para pigilan na mapabungisngis.

"Ang OA mo naman babe. Nagbibiro lang ako kanina eh."

"Anong biro? May biro ba na nakakasakit?"

Lumapit na ako sa kanyang kinatatayuan at piningot ang kanyang ilong.

"Ang OA. OA. mo talaga Charles Kyden Schevalier!"

"Hindi eh sinaktan mo ako. Saka huwag mong sabihin na nagseselos ka kanina hindi dahil sa mahahati time sayo ng kaibigan mo! Baka kasi yang si Andrei ang......"

"Hep! Hep! Hep! Ang utak mo CK ah!"

"Bakit hindi ba?"

"Kaibigan mo pinagseselosan mo?! Alam mo sa lahat ng mga baliw Ikaw ang pinakabaliw!" Irap ko.

"Kiss mo nalang ako para mawala na pag o-overthink ko" Ngumuso na ito at pumikit.

Para di na lumala pa lumapit nalang ako at ginawa ang gusto nya.

Kung naka bubuntis lang ang halik sa labi baka matagal na akong nabuntis at marami nang anak ngayon.

Sobrang addicted nito sa kiss lalaking ito.

Time skipped °°°°

Nagkakasiyahan kami sa kitchen ng sunod sunod na may tumawag sa cellphone ni CK.

"Baka importante babe" Aniko.

"Mamaya na yan babe" Aniya.

Napangiti nalang ako.

"Babe halika dito sa likod ko dali"

"Bakit?" Takhang tanong ko.

"Pasan ka sakin"

"Mabibigatan ka nyan"

"Hindi naman, para ka lang naman kasing feather sa gaan mo eh"

"Grabi ka saakin marami akong kumain noh!" Irap ko.

"Alam ko sadyang sxy lang ang girlfriend ko" Nagawa pa nitong kumindat.

"Baliw ka talaga!"

Umangkas nalang ako sa kanyang likuran.

Kaya karga karga nya ako habang nagluluto sya dito sa kusina.

Napalingon ako sa cellphone nya sa mesa na patuloy parin sa pag ring.

"Sagutin mo na muna yan Babe" Ani ko at bumaba sa kanyang likuran.

Halata ang inis sa mukha ni CK ng sagutin ang tumatawag saka nagpatuloy sa pagluluto habang may kausap sa kabilang line.

Ako naman ay kinuha ko muna ang cellphone ko.

Pero meron akong napansin na viral news sa NF ko.

[ Nasa limang kababaihan na ngayon ang nag suicide: Ang pagbibitiw daw ng sikat na artistang si Mr. Charles Kyden Schevalier ang dahilan? ]

Nanginginig ang mga kamay ko sa nabasa na news.

Marami pang mga interviews and other articles patungkol kay CK.

[ Wala ng silbi mga buhay namin kung di din naman namin makikita si Charles sa TV! ]

[ Charles! Bumalik ka na sa showbiz maawa ka samin wala na kaming inspirasyon! ]

[ Kyden miss na namin ang KYNA tandem please bumalik ka na naghihintay si Jona! ]

[ Sayang ka naman Charles, kung ano man ang dahilan mo sa pagbibitiw siguro naman may Iba pang paraan na dapat mong piliin kaysa ang bumitiw ]

[ Please comeback Charles Kyden Schevalier]

[ Maawa ka naman sa mga nagpapakamatay dahil di ka na nakikita sa TV baka dumating ang araw na wala nang mga babaeng matira dito sa Mundo ]

[ Charles balik na please! Inaantay ka namin. Huwag mo kaming biguin! ]

[ Ako magpapakamatay din kapag di pa sya bumalik sa showbiz! ]

Napakarami pang mga nag painterviews.

Napalingon ako kay CK.

Nakatulala lang din ito sa screen ng kanyang cellphone.

/ Grabi naman na magawa nilang mag suicide para lang sa kagustuhan na bumalik si CK sa pagka-artista!/

Nanginginig ang mga paa kong napahakbang palapit kay CK.

Wala akong ibang nagawa kundi yakapin ito.

Ganoon nalang ang lungkot ko ng marinig ang paghikbi nito habang nakasubsob sa leeg ko.

/Alam kong sisisihin nya na naman ang sarili nya sa nangyari/

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now