Chapter 22

20 1 0
                                    

Zinnia Yuri Miracle Pov:

"Babe, patingin nga? Masakit ba ito? Bakit di mo sakin sinabi na natalisod ka kanina?"

Di na ako nag-abalang sumagot.

Hinilot-hilot nito ang paa ko. Minsan nga napapangiwi pa ako dahil kumikirot.

"Babe?" Pagkuha nito ng atensyon ko.

"Nasaan na si Jona? Baka hinahanap ka na" Aniko.

"Babe bakit mo ba binabago ang usapan?"

"Bakit mo ginawa yung kanina?  Sigurado ako na gagawan na naman nila iyon nang isyu" Nakayukong aniko.

"Alangan namang hayaan kita na buhatin ng lalaki naiyon?! I'm your boyfriend for pete's sake Yuri!"

Napaiwas ako ng tingin.

"Wala akong pake kung anong sabihin nila! Eh totoo naman diba? I'm your boyfriend! Kahit gawan pa nila ng anumang kuwento hindi mababago na kasintahan naman talaga kita!"

Napabuntong hininga ako.

"Maraming nagpakam4tay na mga baliw mong fans nung umalis ka sa showbiz diba? Pano nalang kaya kapag nalaman nilang may totoong girlfriend ka na at hindi iyon si Jona?"

Tila ba nawalan ng tinig ang boses nito dahil parang may sasabihin ito pero di na natuloy.

"A..ang complicated diba?" Napangiti ako ng mapait.

"Then Marry me, pagkinasal na tayo wala na silang magagawa pa"

Pilit akong ngumiti.

"Pakakasalan naman talaga kita after graduation natin diba" Tugon ko.

Hinila ako nito at pina-upo sa kandungan nya.

"Hindi na ako makapaghintay babe. Just two weeks from now graduation na natin."

"Oum" Pagtango ko.

"Pero babe, pwede ba kitang yayain magpakasal sa mismong araw ng graduation natin?"

Salubong ang mga kilay kong tinapunan ito ng tingin.

"Gusto ko sa maraming tao kita alokin ng kasal tapos sa memorable na Araw. Pero dapat mag yes ka ah! Tapos gusto ko maganap agad ang kasal natin para wala nang maka-agaw sayo saakin"

Tinampal ko ang braso nito ng mahina tsaka pinisil ang napakatangos nitong ilong.

"Ang demanding mo ano?!" Pinanggigilan ko ang ilong nya

"Syempre ipinagdadamot kita sa Iba. Ako lang dapat papasukin mo diyan sa puso mo? Clear ba tayo?"

"Aba! Ang demanding mo talaga! Eh diyan sa puso mo anong status ko?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Hulaan mo" Nakangising aniya kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Huwag mo akong kausapin!" Pagtataray ko.

"Ok"

Mas lalong tumaas ang isang kilay ko dahil sa response nito.

"Eh di huwag! Diyan ka na sa Jona mo!" Sabay tulak ko dito at tumayo ako.

Napangiwi ako dahil sa sakit ng paa ko.

"Wait babe!"

Hinila nya ako kaya napaupo muli ako sa kandungan nya.

"Bitawan mo ako!!" Sigaw ko ng binuhat nya ako at inihiga sa kama.

"Ang selosa talaga ng girlfriend ko" Nakangising aniya.

"Sinong may sabing nagseselos ako? Pake ko ba kung mas inuna mo iyon kaysa saakin. May pa buhat ka pa in bridal style di naman bagay!" Pagsusungit ko pero mas lalo lamang lumawak ang ngisi nito.

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now