Chapter 21

22 1 0
                                    

Zinnia Yuri Miracle Pov:

Nandito ako sa mall, namimili nang mga gamit ko.

Malapit na graduation namin. Syempre dapat kong paghandaan.

I'm so thankful dahil napagtagumpayan na namin ang thesis defense kaya wala na akong ibang isipin pa tungkol sa academic.

Iniwan ako ni Almira kanina kaya mag-isa nalang ako ngayon. Panu ba naman may date na naman ata sila ni Axel.

Yung issue about sa kapatid ni Jona at ni Axel. Pinaliwanag na ni Axel ang lahat na hindi totoo ang lahat nang iyon kaya napakarami nang bashers ni Jamaica, kapatid ni Jona.

Nadadamay na nga rin si Jona pero as leading lady sya ni CK tudo tanggol naman boyfriend ko sa kanya.

Sana all nalang nuh? Pinagtatanggol.

Napatingin ako sa penguin stuffed toy.

Ang cute cute nya!

Pinisil pisil ko iyon at pinaglaruan.

/Kung nandito lang sana si CK/

Ayuko pang umuwi sa penthouse namin kaya gusto ko munang malibang dito kahit mag-isa lang ako.

Nakita ko kanina sa school sina CK at Jona.

Ang sweet nila as usual.

Ako? Wala nasa malayo lang. Isang nobody's girl na nakatitig sa kanila habang sila ay nagsasaya.

Tama na nga ang drama!

Ako ang dahilan kaya bumalik si CK sa Showbiz. Pero yun din ang dahilan kaya ako ngayon nasasaktan.

Ayuko namang maging selfish eh.
Ayuko na laging isipin ang sarili ko kahit pa alam kong nasasaktan na ang Mahal ko.

Masaya si CK sa pagiging artista, ramdam ko iyon. Kaya kahit sabihin nya na kaya nyang i-give-up ang lahat para saakin di ko sya kayang pahintulutan. Dahil alam kong masaya sya sa career nya, hindi ko kayang ipagdamot iyon sa kanya.

Kinuha ko nalang ang stuff toy. Meron na akong big teddy bear sa penthouse na regalo sakin ni CK pero gusto ko parin nito para may mapaglibangan ako.

Napalingon ako sa hawak hawak kong grocery cart.

Ang dami ko na palang pinamili hahaha!

Papunta ako ngayon sa fruits store nang biglang may mabangga ang hawak kong cart.

Nanlaki ang mga mata ko at agad dinaluhan yung isang babae na natumba.

Merong scarf na nakabalot sa ulo nito tsaka naka shades din sya.

"Sorry Miss___ *Boggs*"

Napahawak ako sa balakang ko nang madulas din ako kaya napaupo ako sa floor.

Hindi pa nakatatayo yung babaeng nabangga ko na nakatingin na din saakin na pawang nagulat din.

Pinilit kong tumayo pero napangiwi ako dahil sa sakit ng paa ko.

Parang may nabaling buto.

Naka heels ako pero kita ko na may damage na sa takong ko na halatang natisod ako kanina.

Kahit sobrang sakit ay pinilit kong makalapit sa babae pero naunahan ako nang isang lalaking nakasuot din na shades, naka bonnet, mask at black jacket..

He's so familiar.

"Are you ok?" Tanong agad nito sa babae at inalalayang tumayo.

Napalingon sila sakin parehas.

"Yuri?"

Mas napahawak ako ng mahigpit sa suot kong skirt.

Sabi ko na eh... Sobrang familiar.

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now