Chapter 38

13 1 0
                                    

Lovelyn Valdez Pov:

Napuno ng katahimikan ang pagitan namin..

Palingon lingon ako kay CK.

/Ayos lang ba sya?/

Napalingon ako sa hawak kong panyo.

Ilang minuto akong nakatitig doon.

Nagulat nalang ako ng biglang huminto ang sasakyan kaya halos sumubsob pa ako buti may seatbelt.

Napalingon ako kay CK ng marinig ang mahinang mura nito.

Lumabas ito saglit sa sasakyan na parang may tiningnan.

Hanggang sa bumalik ito na parang problemado.

"M..may problema ba?" Tanong ko.

Tumingin ito sa orasan.

"Na flat-an tayo ng gulong" Malamig na ani nito.

"A-ano?"

"May tinawagan na ako" Malamig parin ang boses nito.

"S..saan ka pupunta?" Tanong ko ng muli itong bumaba

"I'll buy foods, I'm hungry" Tipid na sagot nito at iniwan na ako.

Tumingin ako sa labas ng bintana.

/Di ko alam kung nasaan kami./

Ilang minuto pa ang lumipas pero di pa bumabalik si CK kaya naisipan ko na lumabas ng sasakyan.

Sinalubong ako ng kakaibang lamig kaya napayakap ako sa sarili ko.

Mas sanay ata ako sa aircon kaysa sa normal air eh.

Naglakad lakad muna ako para sana hanapin si CK kaso di ko alam kung saan sya pumunta.

Napangiti ako ng mapansin na di kalayuan ay meron palang malapit na dagat.

Tatawid na sana ako pero...

°BEEPPP!!!!!!!!!°°

"Ahhh!!!" Tili ko pero biglang merong humila saakin.

Muntikan na akong mahagip ng napakabilis na dumaan na truck buti may humila saakin.

Napahawak ako sa puso ko at napayakap sa taong humila saakin.

Sobrang nangangatog ang mga tuhod ko.

Napaiyak na ako dahil sa sobrang takot.

"What are you doing!? Saan ka ba kasi pupunta?!"

Kahit pinapagalitan na ako ay di ako bumibitaw sa pagkakayakap.

"Sorry" Tanging lumabas sa bibig ko.

Mas lalong humigpit ang pagyakap ko.

Parang nawalan ako kanina ng hangin. Sobra sobra ang takot na naramdaman ko.

"Patingin nga, nasaktan ka ba?"

Inilayo ako nito para suriin, napayuko ako dahil di ko kayang salubungin ang mga titig nya.

"Bakit ka ba kasi bumaba?" Panenermon nito.

"G.. gusto s..sana kitang sundan.. pero di kita nakita, may nakita akong dagat sa ibaba nitong k..kalsada, p..pupuntahan ko sana"Nakayukong aniko.

"Eh di sana hinintay mo nalang ako!"

"Sorry"

"Pumasok ka sa loob, alam kong gutom ka na"

Napatango ako saka bumalik muli sa loob ng sasakyan.

"Here" abot nito saakin ng burger.

"S.. salamat"

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now