Chapter 23

21 1 0
                                    

Zinnia Yuri Miracle Pov:

"Babe! Sama ka sakin mamaya sa taping ah!"

Napangiti ako at napatango.

"Sige ba" Tugon ko.

"Ikaw ang titingnan ko habang nagdadrama para effective ang drama ko" Kindat nito.

"Lagi namang effective drama mo kaya nga maraming nanghuhumaling sayo eh!" Aniko.

"Iba parin pag kasama ko ang girlfriend ko noh!"

"Girlfriend na ang alam ng mga fans nyo, pinsan mo" Aniko.

"Babe galit ka parin saakin?"

Lumapit sya saakin at niyakap ako mula sa likuran.

"Hindi" Tugon ko.

"Galit ka eh"

"Hindi nga. Diba nagpaliwanag ka na saakin?" Aniko.

"Oo. Alam mo naman na gusto lang kitang protektahan diba?"

"Oo na po!" Tugon ko.

"Tsaka babe di na natin kailangan na magtago satuwing magkikita tayo..."

"Kasi nga ang alam nila mag pinsan tayo" Dugtong ko.

"Ganoon na nga! Pero dapat lagi mo parin akong ikikiss kapag walang nakakakitang tao. Ok ba iyon babe?"

"Kiss mo mukha mo" Irap ko.

"Babe kasi eh.. please kiss mo ako ngayon"

"Ayuko nga! Bilisan mo na late na tayo tsaka baka inaantay na ako ni Mira"

"Ay babe di pala makakapasok si Mira. Kasama nya si Axel may pupuntahan sila"

"Ano? Bakit di nag paalam saakin?" Salubong ang mga kilay na tanong ko.

"Kasi nga alam nyang di mo papayagan kaya si Axel nagsabi saakin"

"Humanda talaga sakin Axel naiyon! Argh!" Naiinis na aniko.

"Relax babe, ako maghahatid sayo"

"Hindi pwede!" Agad na asik ko.

"Babe wala narin namang issue kapag nakita pa nila tayo kasi diba nga pinsan kita?"

Napairap ako nang tuluyan.

"Sige na hintayin kita sa labas" Aniko at lumabas na nang kwarto.

Matapos kasi nang Araw naiyon di na ako tinantanan ng mga media at paparazzi.

°Kung totoo daw ba?
•Eh di sabi ko oo para di kami mapahamak.
°Kung iisa lang daw kami nang tinutuluyan?
•Ang sabi ko minsan lang ako bumisita sa penthouse ni CK para naman walang issue

°Kung ako daw ba yung kasama ni CK nung pumunta sila sa penthouse ni CK?
•Eh di oo ang sagot ko, bumisita lang.
°Bakit daw ngayon lang ako pinakilala ni CK bilang pinsan sa madla?
•Sabi ko wala akong balak magpakilala at private akong tao kaso nangyari na ang nangyari dahil sa pag-iwas sa issue
°Bakit daw di ako pinapansin ni CK sa school?
•Sabi ko ayaw ko nang issue.
°Kung gusto ko daw bang mag artista?
•Sabi ko di ako interesado.

Napakarami pang mga tanong nung araw naiyon pero si CK na ang sumagot at siya narin ang nag utos sa mga reporters na lubayan na ako at huwag nang kulitin pa.

At isa pa! Simula nung araw naiyon. Napakarami nang mga nag chachat saakin para makipag FC. Napakarami na ding lumalapit sakin sa school para magpakilala at makipag close.

Tsh! Nawala na katahimikan ko mapaschool o kung saan man.Buti malapit na kami mag graduation at buti minsan lang ako lumabas.

Ang gulo pala talaga nang Mundo ni CK! Ang daming gustong makapasok, gusto pa akong gamitin para mapalapit sa kanya. Kaya ang iba nakikipagplastikan lang sakin basta mapalapit sa idol nila.

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now