Chapter 20

23 1 0
                                    

Zinnia Yuri Pov:

°°°°°ONE MONTH LATER °°°°°

"Ackkkk!!! KYNA!!! KYNA!!"
"I LOVE YOU KYNA!!!"
"Fafa CHARLES!!"
"WELCOME BACK!!!"
"Ackkkk!!!!!"

YEAH! KYNA TANDEM IS BACK!

3 weeks na nang makabalik si CK sa Showbiz. Actually! Ako nga nagpilit sa kanya na bumalik. Kasi kahit sabihin nya na di sya naaapektuhan sa mga nangyayari, nararamdaman ko eh.

Nalalapit na ang defense namin kaya focus ako sa thesis namin.

Gaya din ng dati minsan ko nalang ulit makasama si CK kasi nagdagsaan ang mga projects na ibinibigay sa kanya.

Nakapagpaliwanag na si CK sa media. Sinabi nya na meron syang inaasikaso na pang personal na mga bagay kaya nag decide sya umalis nalang sa showbiz. Pero na realize nya na importante din sa kanya ang mga fans nya.

Sino ba kasing baliw na fans ang magpapakam4tay kapag umalis sa showbiz ang idol nila.

Syempre marami!

"KYNA! Wohooh!!!"

Umalis nalang ako sa gymnasium kasi puro lang naman KYNA naririnig ko eh.

"FRENNY!!!"

Napangiti ako ng makasalubong si Mira.

Hinila agad ako nito.

"Ok ka lang ba frenny?"

Syempre OO ang isasagot ko kahit na hindi.

"Hindi naman eh. Wag ka ngang sinungaling!"

"Alam mo naman pala eh" Walang ganang tugon ko.

"Miss mo na sya noh?"

Napatango ako.

"Huwag kang mag-alala babawi din iyon sayo"

Ngumiti nalang ako ng tipid.

"Pero ano.. handa ka na ba sa mga susunod pang mangyayari?"

Malumbay akong napalingon kay Almira.

Tinaas baba ko lamang ang aking balikat.

"Hay naku! Sigurado akong nag eenjoy na ngayon ang kapatid ng feelingera!" Irap nito.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"AHH!!! Nandito na sila!!"
"Ackkkk!!!"

Malungkot akong napalingon sa direksyon.

Oo nga pala. Bibisita dito ang KYNA.

Dinumog agad ng lahat ang black Van na paparating.

"Cafeteria tayo" Malumbay na aniko kay Almira.

Kahit gaano ko ka miss si CK ayuko na makipagsisikan tapos papanoorin kung gaano sila ka sweet. Masasaktan lang ako.

Upgraded ata ang KYNA ngayon eh kasi kababalik lang ni CK more on sweet moments sila.

°°Cafeteria°°

Kami lang ang tao dito ni Almira pano ba naman nandoon sa gymnasium lahat para salubungin ang KYNA.

Kanina nga lang na mga throwback pictures/ videos ang pinanonood nila para na silang nangingisay sa kilig ito pa kayang mismong sila na ang pupunta.

Para naman di nila classmates sila eh.

Busy akong kumain ng spaghetti.

"Hindi mo man lang ba sya sisilipin Frenny?"

Napatigil ako sa pagsubo at napalingon kay Mira.

The famous actor is my secret boyfriendWhere stories live. Discover now