Kabanata 27

139 11 1
                                    

Kabanata 27

Tampo ng pagpipiglas ang reaksyon ni Rosie habang hinihintay ni Echarri ang kaniyang pagsakay sa loob ng kotse.

"Ano'ng ginagawa rito pagkatapos mo na ipamukha sa akin ang pagiging mukhang pera?" irap na pahayag ng dalaga.

Sinubukan ni Echarri ang hawakan ang kamay ni Rosie subalit humakbang ang dalaga palayo.

"Rosie naman..."

Hinarang ng binata ang kaniyang katawan upang patigilan ang dalaga. "I apologize to you and the words came out from my mouth, you know, it wasn't deliberate. I was hurt when you left. When you said I was just a bet. When you told me you don't like me anymore," Echarri spoke of his unsettled feelings.

Tumingin si Rosie sa kaniyang kaliwa dahil alam niya ang pagkakasala na ginawa sa binata.

"Dapat magalit ako dahil hindi mo sinabi sa akin ang pang aalipusta sa 'yo ni Monica at sa iba ko pa malalaman. Sa pananakot niya sa 'yo gamit kami ng kapatid mo. Gusto kong magalit dahil hindi mo ako binigyan ng pagkakataon na samahan at tulungan ka. Dapat galit ako, Rosie, pero hindi. Dahil nangingibabaw ang tuwa ko sa malaking pag asa na bumalik ka sa akin."

Walang imik si Rosie hanggang sa kunin ni Echarri ang dalawa niyang kamay upang ilapat sa magkabilang pisngi ni Echarri.

"Sampalin mo 'ko para mabawasan ang galit mo sa akin. Bugbugin mo 'ko kung gusto mo. Saktan mo lang ako, wala kang reklamo na matatanggap sa akin."

Echarri is moving the hands of Rosie to slap his cheeks. The strong mask of Rosie wears off when she sheds tears.

Nabigla si Echarri nang makita ang dalaga na lumuluha. Wala siyang maisip kundi punasan ang pisngi ng dalaga at sakupin siya ng yakap.

"I'm sorry. I'm sorry. It's my fault, sorry for making you cry. I'm sorry, Rosie. Please don't cry..." pakiusap ni Echarri habang nakikita nito ang pagtaas-baba ng balikat ni Rosie dahil sa pagtangis.

Nahirapan ang binata na patahanin at amuhin ang dalaga. Matagal bago niya napapayag si Rosie na sumakay sa sasakyan.

Halos ubos na ang isang box ng tissue paper sa kapupunas ng dalaga sa mata pati na kaniyang ilong bago harapin si Echarri.

"Paano mo nalaman ang lahat?" usisa ni Rosie sa paos na boses.

Tumagilid ang binata paharap sa dalaga. "Dad showed me a piece of paper with the name of Robby. And before I ran out of the house, Dad told me that other than your brother, I was also a bait used by Monica to lure you."

"Si Chairman?"

"Dad even asked me to get you back."

Natuwa ang damdamin ni Rosie sa isiping si Chairman ay gusto siyang pabalikin. Hindi na rin kataka-taka pa na kaniyang nalaman ang rason sa pag alis ng dalaga.

Walang lumalampas na impormasyon basta si Chairman Avanzado.

"Ngayong alam mo na, ngayong ginalit pa natin si Monica lalo, asahan natin na tototohanin niya ang banta niya laban sa 'yo."

Si Echarri lamang ang ikinababahala ng dalaga, si Robby naman ay tuluyang naisali ang pangalan sa final list kaya panatag na ang kaniyang loob para sa kapatid.

"Hayaan mo siya kung 'yon ang gusto niya. Ikaw ang importante sa ngayon." Sinakop ni Echarri ang kamay ni Rosie. "Saka na natin siya isipin. Kailangan ko munang marinig sa 'yo mismo na gusto mo pa rin ako. Na kahit may pera man o wala, gusto mo 'ko."

Sa palagay ni Rosie ay hindi na niya kailangan ng marami pang salita. Unti-unti niya na lamang nilapit ang kaniyang mukha upang dampian ng halik ang labi ng binata.

The Scent of You [Under Revision]On viuen les histories. Descobreix ara