Kabanata 9

153 17 2
                                    

Kabanata 9

VIP treatment ang grupo pagdating sa nasabing bar. Inakay ni Zayn ang tatlo pang kasama sa pinakamahal na pwesto, ang personal space ni Zayn sa loob.

Dito ay mayroon itong malaking telebisyon. Tatlong magkakatabing shelves na tanging pinamamahayan ng mga mamahaling alak.

The room is tint and soundproof, but you will be able to see what's happening outside. The wide crystal chandelier is beaming with red and soft pink-light. It's a beautiful place, really.

"Welcome to my safe haven..." Pumalakpak si Zayn at malugod na pinapasok sa loob ang namamanghang sina Rosie at Fran. "Echarri's been here before... um... please sit down," alok niya.

Nagkatinginan ang dalawang dalaga, hinayang na hinayang silang umupo dahil baka marumihan at magkalamat ang nagkikintabang upuan na gawa pa sa salamin.

"Come on, girls, you don't have to hesitate. He will ask me to pay a grand sum of money for this anyway." Echarri shared.

Iba talaga ang mayayaman, isang gabi na gastos lang dito ay katumbas na ng tuition ni Robby. 'Yon ang naglalaro sa isip ni Rosie nang sikuhin siya ni Fran.

Patago si Fran na ngumuso sa tabi ni Echarri. "Tabihan mo. Ako kay Zayn," bulong nito.

Mahina pa siyang tinulak ni Fran kaya hindi na siya tumanggi pa. Mahinhin niya na hinihila ang upuan hanggang sa tumayo at nagkusa si Echarri na tulungan siya.

"Hey, I could tell you dolled up— you look great." Echarri stated right after Rosie sat down.

Hindi niya mapigilan ang ngiti sa labi, hinawakan pa ang magkabilang pisngi dahil naramdaman niya ang init sa katawan kahit malamig naman sa loob.

Echarri clears his throat with a sip of water. Nilipat niya ang atensyon kay Zayn. "You better give us the best bottle, Zayn."

Humalukipkip si Zayn at ngumisi. "I'll let you taste one of the most expensive cocktails in the world." Lumakad ito at may pag-i-ingat na binuksan ang isa sa mga shelf. Pagbalik niya'y yakap na nito ang sinasabing mamahalin na bote. "Listen, guys, let me introduce to you this Winston Cocktail; it's only exclusive in Las Vegas, yet I was able to get a hold on to it."

The girls gulped. Itsura pa lang ng cocktail na 'yon para na silang hihimatayin. At sa hula nila, presyo pa lang niyon ay nakakalasing na.

"Sigurado kang worth it ibabayad ko sa 'yo?" Echarri asked once again.

"You, of all people doesn't have the right to ask me that, dude. Sa dami ng authentic at rare booze na pinainom ko sa 'yo? Oh, come on, get out of here, man!" angil ni Zayn sa natatawang kaibigan.

Totoo naman, Zayn only serves the best out of the best booze in the country. Katunayan no'n ang kakulangan ng space sa bar. Kung hindi man puno ay considered reserved ang naturang bar.

Si Zayn na rin ang nagsisilbing bartender nila. Isa-isa nitong binigyan ang mga kasama ng martini glass na kinuha pa mula sa freezer.

"Lime and salt are on the side, girls. Kayo na ang bahala depende sa preference n'yo," bilin nito nang malagyan ang bawat martini glass.

Nasa dalawang dalaga ang tingin ni Echarri at Zayn. Hinihintay ng mga ito ang magiging reaksyon ng dalawa.

Fran, as the adventurous one, is first to pick up the glass of cocktail. She had two sips and countless nods. "Ang sarap!" she exclaimed, finishing it with one go.

Pumalakpak habang umiiling si Zayn. "As expected, it was sweet and fruity, right?" Tuon ang pansin kay Fran na kaagad tumango. "But this drink could also make a hole in your liver... kaya dahan-dahan lang."

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now