Kabanata 30 (Wakas)

259 13 2
                                    

Huling Kabanata

Ang masaya sanang selebrasyon ng barkada sa TIYZ ay humantong sa ospital kung saan itinakbo si Chairman Avanzado.

Panay ang dasal ni Rosie sa sandaling umapak ang kanilang mga paa sa loob, hinihiling na sana ay walang masamang nangyari sa ama ng nobyo.

"Where is Dad, Zayn?" nanghihina na tanong ni Echarri kay Zayn na katatapos lamang kausapin ang nurse.

Tinapik ni Hudson ang balikat ng kaibigan. "Chairman got this. You got this," pampalakas loob niya.

"Tama si Hudson. Si Chairman pa ba?" dagdag ni Rosie habang hawak ang nanginginig na kamay ng nobyo.

Si Axel ay nasa likuran ni Echarri upang alalayan siya kung sakali man na mawalan ng lakas ang kaibigan. Katabi nito si Fran na kanina pa palinga-linga sa paligid.

Nagpatiuna si Zayn upang puntahan ang ward na sinabi ng nurse. Sobrang hirap para kay Echarri na ihakbang ang kaniyang mga paa.

Kung ano na lamang kasi ang pumapasok sa kaniyang isip. Isa ro'n ang pagiging suwail na anak nito. Bumalik sa isip niya ang sinabi ng ama noon.

"I have given you enough chances, Echarri. Your old man is not getting any younger. I could die in my sleep anytime; I could get into an accident and lose my life. Life is unsure, if I always let you with your antics, how could you survive when I'm gone?"

Sagot pa nga niya ay malakas pa sa kalabaw ang ama. Ngunit bakit naman nito sineryoso na masangkot sa isang aksidente?

Nararapat lang na makita ng Chairman ang pagbabago ng kaniyang anak, ngayon pa na natupad na ang pangarap nito para sa anak; ang mapatino ng isang babae, sa katauhan ni Rosie.

Napasinghap ang lahat sa hangin nang makita ang katawang sinakluban na ng puting kumot.

"D-Dad?" Echarri is on the verge of breaking. "W-Wake up, Dad. W-Why are you laying there?" He broke down on the floor. "Daddy, wake up!"

"Nandito lang ako, Echarri. Hindi kita iiwan." Rosie held him tighter. Kahit siya man ay gusto nang magwala sa sakit na nadarama.

Hindi na rin napigilan ng iba pa ang lumuha. Kanina lamang ay kausap pa nila ang Chairman. Sino ang mag aakala na sa isang iglap ay sa ospital ang sunod nilang kikitain ang Chairman?

Life is surely unsure...

Napuno ng iyakan ang buong ward. Si Axel ay napaupo na rin sa sahig. Si Hudson na matapang ay pumatak din ang luha. Si Zayn at Fran ay magkayakap nang hindi yata nila napapansin.

Naistorbo lamang sila sa pagdating ng may edad na babae kasama ang isang estudyante batay sa suot nito.

"Kilala n'yo ba ang asawa ko?" tanong no'n sa kanila.

Pinilit ni Echarri ang tumayo. Inalalayan din ang nobya. Pinunasan ng binata ang kaniyang mukha at pinagmasdan ang ginang.

"H-how do you know my father?"

Sa pagkakatanda ng binata ay pumanaw ang kaniyang ina no'ng isilang siya. Nilihim ba ng kaniyang ama relasyon nito sa kaniya?

"Father ba kamo? Walang nabanggit ang asawa ko na mayroon siyang anak sa labas," sagot ng ginang, kunot na ang noo. "Isa pa ay bakit n'yo iniiyakan ang asawa ko? Ganiyan lang naman siya matulog, nakatalukbong." Tapos tinanggal ng ginang ang kumot sa mukha ng sinasabi na asawa.

Bumilog ang pisngi ni Axel upang magpigil ng tawa maski si Fran ay nagtakip ng buong mukha. Hudson scratched his eyebrow, his upper lip lifted. Zayn sniffing, putting his finger on his nose.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now