Kabanata 4

194 19 2
                                    

Kabanata 4

Dumagsa ang tawag sa opisina ng mga nagbabalak magbranch out ng Avanzado Mall. Fully booked and busy sina Echarri at Rosie upang umattend ng meeting.

"You can sign the contract if you are decided to partner with us." Nilatag ni Echarri ang kontrata at ballpen sa kaharap.

Ito ang huling pipirma ng kontrata ngayong araw kung sakali man nagustuhan niya ang presentation ng dalawa.

Kiniskis muna ng kausap nila ang palad bago hawakan ang ballpen upang ilapat ang kaniyang pirma sa kontrata.

Kinuha naman kaagad iyon ni Rosie upang ilapit sa amo na siya ring kailangan pumirma sa dulo. "We will send you a copy of the contract. And once we receive your payment, we can start building your own branch."

Tumayo silang tatlo at nakipagkamay sa bawat isa. Nang makaalis ang kausap ay doon lang din sila nawalan ng isipin.

"How many people did we meet and how many signed?" tanong ni Echarri.

"10 out of 12, Sir," sagot ni Rosie.

Ala siyete na ng gabi ngunit wala pang kinain ang mga ito magmula kaninang umaga. Hindi na kataka-taka ang hurumentado sa tiyan ni Rosie na narinig ng kaniyang amo.

"Let's eat," aya ni Echarri rito.

Tinago ni Rosie ang mga papel bago tumayo't sundan ang amo. Fast foods na lang ang naabutan nilang bukas sa oras na 'yon kaya naman pinatos na lang nila kaysa wala.

Isang bucket na fried chicken, isang family pan spaghetti at palabok ang hinain sa mesa.

"Go ahead dig in. Ladies will always be first." Ngumiti si Echarri na dahilan ng pagkapawi ng pagod ni Rosie.

Yumuko siya para magpasalamat bago magsandok ng palabok sa paper plate at kumuha ng fried chicken.

"Get the thigh part," nakanguso na turo ni Echarri kapagkuwan, eh, tumawa nang makita ang kaniyang kunot na noo. "Oh— sorry. I thought maybe thigh is also your favorite part of the chicken."

Naiilang na tumawa si Rosie. She gets what he is trying to say. Sa hindi mabilang na nakadate niyang babae malamang hita ng manok ang pinipili ng mga iyon. Siya lang siguro ang naiiba dahil drumstick ang kinuha nito.

"May scheduled meeting pa ba tayo bukas?"

"Meeting na lang po sa marketing team 'tsaka isang potential branch owner sa hapon sa Batangas, Sir." Agad siyang nakasagot salamat sa matalas nitong memorya.

Habang sumusubo ng palabok, naiispatan nito si Echarri na tinatanggal ang balat ng manok. Kaso akma niyang ibibigay sana 'yon kay Rosie pero iniwas ng huli ang kaniyang plato.

Napamulagat si Echarri sa ginawang iyon ni Rosie.

"Oh, don't get me wrong. Baka akala mo tinatapon ko sa plato mo 'to. I thought you'd also like the skin that's why I'm giving it to you."

Iwinagayway ni Rosie ang mga kamay, "nako Sir, wala po akong masama na iniisip. Um, kaya ko naman po balatan 'tong fried chicken ko. 'Wag n'yo po ako alalahanin, Sir."

"O-kay?" patanong na sagot ng kaniyang amo at kinain na lang ang inaalok na balat ng pritong manok.

Kanina pa napapansin ni Echarri ang kaibahan ni Rosie sa mga exes nito. Mga bagay na nakasanayan nitong gawin para sa mga ex ay 'di yata tumatalab kay Rosie.

She doesn't wanna ask for some help unless the situation permits. Katulad na lang no'ng hinatid niya ito dahil sa malakas na buhos ng ulan, pinilit pa niya ito sa lagay na 'yon.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now