Kabanata 16

132 20 3
                                    

Kabanata 16

Rosie's huge indifference towards her boss is steady for the following days. Even Fran can't believe her eyes, her friend takes it to a whole new level, for real.

Isang oras bago mag uwian ay mayroong dumating na 'di inaasahang mga bisita. Tumayo si Fran nang mamataan si Zayn. Kasama nito sina Axel at Hudson.

Nakangiti siyang lumapit sa tatlo ngunit napawi 'yon kaagad dahil sa paglitaw ng isang bruha (ayon kay Fran) mula sa kanilang likuran.

"Is Echarri in his office?" Mataray na tanong ng bruha na kumuha sa atensyon ni Rosie.

Bahagya siyang inirapan ni Fran at bagkus ay tumingin lang sa tatlong binata. "Hello, guys! Si Sir ba hanap n'yo?" tanong nito.

Hindi makatingin sa mata ni Fran si Zayn, napapa haplos lang iyon sa sariling batok. Tila 'di pa digested sa sistema ang pag amin sa kaniya ni Fran.

"Yep. Alangan naman ikaw ang pinunta namin? Joke!" Si Axel na tawang-tawa sa sariling biro na nakatanggap ng ngiwi mula kay Fran.

Si Hudson ay nasa tabi ni Zayn, lumilibot ang mata sa kabuuan ng opisina. At tumigil sa oras na nagtagpo ang kanilang mata ni Rosie. Mula no'n ay hindi na maalis sa dalaga ang tingin ni Hudson.

Lumabas sa kaniyang cubicle si Rosie at humarang sa daraanan ni Monica 'pagkat akma iyon di-diretso sa loob ng silid ng amo nang walang paalam.

"Please wait while I inform Mr. Avanzado that you are here, Miss La Torre," she spoke, unintimidated.

"You again?" pangmamata ni Monica sa kaharap. "I have all the right to visit my boyfriend. So, get your ugly ass out of my way." Bahagyang umatras si Rosie sa ginawang pagtulak ni Monica sa kaniyang balikat.

Kaso pinagsawalang-bahala niya lang 'yon, pinigilan pa si Fran nang akma siyang lalapit sa kanila.

"I appreciate it if you don't get physical, Ma'am," she warned her. "Lalo po kung naiintindihan mo na ang scope ng trabaho ko bilang sekretarya ni Sir Avanzado. At isa na po ro'n ang sabihan siya kung mayroon man siyang dumating na bisita nang walang pasabi... katulad mo po." Sa mata ni Monica ang kaniyang tingin habang sinasabi iyon.

Fran on the side is teary-eyed while clasping her hand. Proud na proud ito sa kaibigan. Kaya nang humakbang si Zayn upang lumapit sa dalawa'y hinuli kaagad niya ang kamay no'n. Nakatsansing pa ito nang walang kahirap-hirap.

Si Axel ay nilabas ang cellphone upang kunan ng bidyo ang nangyayaring sabong sa pagitan ni Rosie at Monica.

Si Hudson naman ay tahimik lamang na nagmamasid ngunit sa itsura ay handa itong sumaklolo sa oras na makitang maagrabyado ang dalagang nakapukaw ng kaniyang atensyon.

Tumaas ang kilay ni Monica. Hindi makapaniwala na kaya siyang pag salitaan nang ganoon. "What a freak..." aniya at tinaas ang kaniyang kamay sa ere.

However, Rosie will never let her do the same thing twice. Hindi na nito hahayaan na masampal ulit. Sinalo niya ang dumadapo na kamay ni Monica at pinilipit pa 'yon kaya naman sobra kung dumaing ang huli.

"Lift your hand on me again and I will make sure to break your bones, Miss La Torre. Pangako 'yan." Maangas na wika ni Rosie, 'di na iniisip kung ano'ng kapalit ng pagtatanggol nito sa sarili laban sa anak ng Mayor.

Lumapit na ang lahat sa tabi ng dalawa sa takot na baka saan pa humantong ang bangayan ng dalawa. Pumagitna si Zayn sinusubukan na pakalmahin ang namumula sa galit na Monica.

"We're not here to pick a fight, Mon. Stop this, come on," turan ni Zayn.

Ngunit umangil ang kausap. "Hell, Zayn! Bakit ako ang pinagsasabihan mo? Hindi mo ba narinig ang banta ng freak na 'yan?!" sigaw nito na nakatawag pansin pala kay Echarri.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now