Kabanata 19

154 18 4
                                    

Kabanata 19

Parang bata kung pumuslit si Rosie kada tanghalian upang kasabay kumain ang amo. Kawawang Fran na iniiwan mag isa nang walang paalam.

Fran's not a loner so she asked Zayn to accompany her to lunch. Baka sakali lang naman 'yon ngunit swerteng pumayag si Zayn.

Sa TIYZ tumuloy ang dalawa, sa haven ni Zayn.

Kapalmuks pa si Fran na utusan si Zayn na ipagluto siya ng pagkain. May pagka-uto uto ang huli dahil tumalima kaagad sa utos.

"Sad ako these days alam mo ba 'yon?" Simangot na turan ni Fran paglapag ni Zayn sa platong naglalaman ng bagong luto na fried rice with bacon bits, meats, and veggies.

Umupo sa tapat niya si Zayn na suot pa ang apron. "Nope. Unless you tell me the reason for your sadness," sagot nito.

Fran stuffed her face with a big bite of fried rice and was about to converse when Zayn sealed her mouth with his palm.

"Do you know the saying, don't talk when your mouth is full?" he tsk-tsked over her brazenness. "Chew 32 times. Swallow. Talk. That is how you do it," he instructed her.

Tumango si Fran at saka sumunod maliban sa 32 times chew na ki-nut down nito sa sampung beses lang. Sumipsip ng kaunting tubig bago ipagpatuloy ang kwento.

"Si Rosie kasi ilang araw na siyang umaalis kada lunch time. Wala tuloy ako kasama kumain, ayoko mag isa nakakalungkot. Kaya nga 'di ba tinawagan kita," reklamo niya.

"Wala kang ibang kaibigan kaya pati ako iniistorbo mo?"

Fran shows a sheepish grin, "sa dami nila, ikaw ang most-liked kong istorbohin..."

Kinilabutan ang kaharap kaya napasandal siya sa kinauupuan. Sa bawat pagkikita nila, walang palya kung ipakita ni Fran ang pagkagusto nito kay Zayn.

Naglulumikot ang mga paa ng dalaga dahil tuwang-tuwa sa kaniyang mga banat. Masaya siyang sumubo ulit na kaniya rin kaagad binuga dahil—

"I'm bisexual." Zayn voiced out without a flinch.

Si Fran natutop ang bibig, uubo-ubo. "Baliw! Ang funny no'n! Mabilaukan pa ako sa punchline mo, eh."

"That's my secret, Fran. Bisexual ako. I'm attracted to both genders."

"As in for real?!" Pumiyok ang boses ni Fran dahil walang halong biro, walang halong kemikal ang pagkakasabi ng kausap. "You are not straight? Bakla ka? Gosh, no! You've got to be kidding me, Zayn..."

"Binalaan na kita simula pa lang. But you left me with no choice but to let the cat out of the bag."

Laylay ang mga balikat ni Fran nang marealize na nagsasabi nga siya ng katotohanan. Katotohanang 'di katanggap-tanggap. How could he be half-half?!

"Do your friends know?"

"Yeah. But I am not attracted to those nutties."

Bakit gano'n? Wala namang pitik ang kaniyang kamay? Hindi talaga halata kung paano nito dalhin ang sarili.

"You've dated an actress before... how come you're gay??"

Zayn clasped hands and put it down on the table. "Gay is not the right term, Fran, not totally. The actress? Well, she found out and left, so I want to make sure if you could compromise," he said straight.

It's a prank ba iyon para sa palingon-lingong Fran na sinusubukang hanapin ang hidden camera kung mayroon man.

Nabusog na siya sa nalaman. Sa tingin niya'y aabot hanggang kinabukasan ang dalawang kutsarang kanin na kinain.

The Scent of You [Under Revision]Where stories live. Discover now