Kabanata 14

151 20 4
                                    

Kabanata 14

The birth of another power couple. Echarri Avanzado of Avanzado Mall was spotted on a date with Monica La Torre, the daughter of the current Sinag City Mayor...

Ang laman ng balita Linggo ng umaga. Trending topic 'yon sa twitter na kasalukuyang nasa number one spot.

Nagpatawag ng emergency ang Chairman kaya't pumasok ang mga matataas na rangko maski linggo. Iyon nga walang tigil ang tunog ng telepono sa bawat sulok ng opisina.

"It's not confirmed yet. You will hear from us once we get the confirmation from Mr. Avanzado. Thank you." Rosie lost count of how many times she answered a phone call. Memorized na nga nito ang isasagot.

Paulit-ulit.

Si Fran nama'y binabagsak na ang telepono dahil rinding-rindi na siya sa unipormeng tanong ng mga media.

Napaligiran na rin ang building ng mga nakahandang outside reporters. Sa papalit-palit na babae sa buhay ng kanilang amo, ito ang pinakaunang eskandalo nito.

"Oy Rosas, kaya pa ba?" tanong ni Frances matapos ibaba ni Rosie ang telepono.

Double meaning ang ibig nitong sabihin. Kung kaya pa ba ng kaibigan, physically and emotionally. Nag aalala lamang siya sa kaibigan.

"Salamat sa concern pero wala 'to, Fran. Ang nasa isip ko lang ngayon ay pahupain ang rumor na 'to. This is considered a defamation against Sir Echarri. Sobrang obnoxious ng gumawa nito," hinaing ni Rosie, pikon na pikon sa nangyayari.

"Relax ka lang, friend!"

Pinanlisikan ni Rosie ng mata ang kaibigan. "Paano ako magrerelax kung bulok ang sistema ng journalismo sa bansa natin?" Umirap ang dalaga bago magpatuloy. "What's hard about making sure it's a fact, and not only based on rumors? That's why they have brains, hindi lang pang-display!"

Unti-unting tinago ni Fran ang ulo nito sa sariling cubicle. Feeling nito ay mas apektado pa ang kaniyang kaibigan kaysa sa kanilang amo.

Amo nilang pinanatili ng Chairman sa loob ng bahay. He was grounded, sa tanda niyang 'yon. Maigi na lang malakas ang koneksyon ng kaniyang ama kaya pinabura lahat nito ang artikulong kinasasangkutan niya.

But they only managed to suppress the impact, the fire is still raging with reporters swarming around the involved.

"Puntahan mo na lang kaya si Sir Charri kaysa naman pumuputok ang butsi mo, ano Rosas?" suhestiyon tuloy ni Fran at nang hindi rin siya nadadamay sa galit ng kaibigan.

Panay ang tunog ng telepono sa tabi ni Rosie ngunit nakatingala lang ito at malalim na nag iisip. Pagbaba ng tingin niya'y tumayo ito at marahas na binunot ang kable ng telepono mula sa saksakan.

"Kahit na ano'ng gawin kong alog sa utak ko, para talagang may mali," aniya habang lumalapit sa cubicle ni Fran. "Parang sinadya..."

Nakuha niya ang atensyon ng kaibigan. "Ano'ng basis mo?" usisa nito.

Pinagkrus ni Rosie ang balikat. "Sa dami ng naka-date ni Sir, imposibleng walang ni isa na litrato ang mga 'yon. So, why Monica? Bakit siya lang ang katangi-tanging lumabas sa publiko?" May kasiguraduhan niyang sagot.

May punto ang kaibigan ngunit... "Malay natin nagkataon lang na si Monica ang natiyempuhan?"

"Her family is influential, and she is very adamant about getting Sir Echarri back. And with her power, this is possible."

"But Rosas, it could also be one of his exes taking revenge on him."

"Sige, ipagpalagay nating tama ka. Sinong ex niya ang malakas ang loob banggain ang Avanzado? Like among them, I could only think of Monica. If you think I was biased against her, you are mistaken. I'm sure this is Monica's scheme to keep Sir Echarri to her grasp."

The Scent of You [Under Revision]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang