Chapter 14: Complicated

2 0 0
                                    

Adei's POV


Inayos ko muna ang sarili ko pati paglagay ng bag ko sa kanang braso ko. Pati ba naman bag, inaayos pa? Malamang para maayos ang itsura ko.

Pagkatapos ng ginawa kong katangahan ay kumatok na ako sa pinto nila. Bukas kasi ang gate nila LA sa garahe kaya nakapasok na ako sa kanila.

Kakatok pa sana ulit ako nang makita kong buksan iyon ni Manang Sally.

"Oh Adei!", gulat na sambit ni Manang.

"Si LA po?", ngiting tanong ko kay Manang na nagpa-ngiti naman sa kaniya.

"Nasa loob, kumakain pa. Halika, pasok ka." Pumasok naman ako kaagad. "Kumain ka na ba?", tanong muli ni Manang.

"Ah opo. Kumain na po ako." Sagot ko naman.

I eat breakfast with my crazy family. Isama mo na din si Manang. Kung ano-ano pinagsasabi eh. Tumi-tibok daw ang puso ko? Malamang buhay ako. Manang talaga.

Pero hahayaan ko na lang iyon dahil baka umaga pa. Baka mga gutom pa ang mga iyon kaya kung ano-ano na pinagsasabi.

"Ma'am si Adei ho, nandito." At napatingin silang tatlo sa amin. Sa akin actually dahil si Manang ay dumiretso na sa kusina.

"Oh Adei, good morning." Bati ni Tito, Daddy ni LA."

"Good morning din po." Sagot ko.

"Halika maupo ka muna. Sabayan mo na kami kumain." Sambit naman ni Tita.

"Naku hindi na po. Kakatapos lang po sa bahay." Nahihiyang sagot ko.

"Naku, hindi puwede. Kung gusto mo makalabas sa pamamahay na ito dapat kumain ka." At nakita kong natawa si LA. Tiningnan naman ako ni LA at ibinaling niya ang ulo niya sa katabi niyang upuan at binalik ang tingin sa akin.

Ibig sabihin ba n'on ay doon ako tatabi sa kaniya?

"Sige na, maupo ka na sa tabi ni LA." hindi na lang ako sumagot at sinunod na lang ang sinabi ni Tito na tumabi kay LA.

"Manang, padagdag nga po ng isang plato para kay Adeison." Rinig kong sabi pa ni Tito.

"So saan kayo pupunta ngayon?", tanong ni Tita, Mommy ni LA.

"Sa SM lang po." Sagot agad ni LA.

Paano nasagor ni LA iyon eh hindi ko naman nasabi kay LA kung saan kami pupunta ngayon. Sadyang nagpunta lang ako bigla dito sa bahay nila. At aayain si LA pumuntang university.

Bago kasi kami umuwi last week galing sa Restobar ay nasabi niyang gusto niyang mag-ikot-ikot sa university namin. And ito ngayon, pupunta kami.

Hindi niya nga lang alam.

"Mabuti naman at magka-close na kayo." Sabi ni Tito sa amin.

Kasabay niyon ay paglalagay ni Manang ng plato na may lamang pancake. Nginitian ko naman si Manang bilang pasasalamat. Kinuha ko iyong maple syrup at inilagay sa itaas ng pancake saka kumuha ng maliit na pancake gamit ang tinidor sabay subo.

"Mabuti at nagka-sundo agad kayo nitong si LA. Kung alam mo lang, itong si LA ay hindi nakikipag-usap sa mga hindi niya ka-close." Dagdag naman ni Tita.

Natawa naman ako doon dahil kung hindi nakikipag-usap si LA sa mga hindi niya ka-close ay suwerte pala ako na naka-close ko siya kaagad. Kinausap niya ako agad. And oh well, nagkaroon siya ng tiwala sa akin.

Mabuti na din palang ako ang unang kumausap kay LA doon sa bus dahil look at us now, we're already friends.

Well sino ba naman kasing makakatanggi sa charms ko?

You Got Me In Love Again | On-GoingWhere stories live. Discover now