Chapter 31: Cousin's Bonding

0 0 0
                                    

Adei's POV



"Adei! Pst Adei!", sabay kaway ng isang kamay ng tumatawag sa akin. Kumakaway ang isang kamay niya sa mukha ko na para bang pinapabalik niya ako sa reyalidad.

"Hoy Adei! Ano bang nangyayari sa'yo?", rinig kong tanong muli ng isang lalaki pero hindi ko siya magawang sagutin dahil para bang nasa isipan ko pa rin ang ginawang paghalik sa aking pisngi ni LA. Kahit nakaalis na siya sa aking harapan, ilang minuto na ang nakakalipas ay imbis na malungkot ako sa kaniyang pag-alis ay mukha pa rin akong siraulo na nakangiti sa harap ng bahay nila.

Oo, inaamin ko na mukha akong siraulo ngayon. At kung sino man ang makakakita sa aking nakakakita aakalain talaga na mukha akong stalker na nakasilip sa bahay. Aakalain din ng iba na isa akong baliw, siraulo o baka nga ay magnanakaw pa. O baka nga ay akyat-bahay na ready na umakyat sa gate nila para magnakaw.

Pero wala naman aking pakialam doon dahil mali ang mga iniisip nila. Sadyang masaya lang ako dahil sa ginawa ni LA. Tama bang sabihin na dahil lang doon ay kinikilig ako? Shit! Bakla na ba ako kapag inamin kong kinikilig ako? Bakit, babae lang dapat kiligin? Hindi ba puwedeng lalaki rin? But I'm sure hindi lang naman ako ang lalaking kinikilig, marami pang iba diyan at sadyang magagaling lang talaga kaming magtagk ng kahit aning nararamdaman. Iyong mga lalaki kasi ay magagaling magtago ng damdamin, just look closely for you to know how they really feel.

Pero baka exempted naman itong nararamdaman ko ngayon dahil wala naman si LA sa harapan ko. Sadyang itong lalaki lang na tumatawag sa akin ang nandito o kaya mas magandang sabihin na ginugulo itong kilig na nararamdaman ko. Tulad ng mga babaeng palaginh sinasabi panira ng moment ang isang 'to na talaga nga namang panira ng moment ang isang ito. Matingnan nga. At mabatukan na rin dahil ginugulo niya ang moment ko.

"Hoy Adei! Nagda-drugs ka ba?", tiningnan ko ng masama ang lalaking nagsabi n'on sa akin. Siya yata itong naka-drugs eh. Lakas ng tama magsabi ng nagda-drugs ako. Hindi ba puwedeng in love lang ako? Piste!

"Pinagsasabi mo? Ikaw yata ang naka-drugs sa ating dalawa eh!", bulyaw ko sa lalaking nasa aking harapan at sumisira ng moment ko. Siya lang pala, ang pinsan kong minsan mabait, kadalasang abnormal at siraulo.

"Kasi naman tol makangiti ka diyan wagas!", sabay kamot niya ng batok at mahahalata mong frustrated siya.

"Bawal na kung ngumiti ngayon?", kunwaring tanong ko. Nagpipigil ng tawa.

"Tingin mo, ano bang binabalak ko?", natatawa kong sabi.

"Ewan ko sa'yo tol. Hindi ko alam." Natatawa siya ring sagot.

"Tsk." Nasabi ko na lang sabay talikod ko sa kaniya at naglakad pauwi ng bahay.

"Aba't nilayasan ako?!", rinig kong sabi ng pinsan ko pero hindu ko siya pinansin. Nagugutom na kasi ako kaya gusto ko ng umuwi sa bahay namin.

Maya-maya ay inakbayan niya ako.

"Anong ginagawa mo doon?", tanong na naman niya.

"Magnanakaw siguro." Birong sagot ko kaya naman binatukan na naman ako. Namumuro na talaga 'tong tao na 'to. Leche.

"Adik ka talaga!"

"Mas adik ka." Sabay suntok ko sa tiyan niya ng mahina saka tumakbo patungong bahay.



❤ ❤ ❤



You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now