Chapter 40: AJ

0 0 0
                                    

L.A.'s POV



"Ano ang mga iyan Lizette?", tanong ko kay Lizette na maraming buhat-buhat na mga paper bags. Iyong iba ay mga box na nakabalot sa iba-iba ang design. Parang it is more on Valentine's ang design ng mga wrapper. Pero hindi yata ako napansin ni Lizette dahil busy siyang bigyan ng atensyon iyong mga regalo na buhat-buhat niya. Nakikita ko pa na ang laki ng ngiti niyang nakatingin sa hawak niyang mga regalo. Edi siya na ang may regalo galing sa boyfriend niya. Tss.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo na lang ako sa kusina upang magtimpla ng kape at kumuha ng tinapay at inilagay sa toaster. Alas tres na kasi ng hapon ngayon at kailangan ko na ng meryenda. Hindi ko na napansin ang oras dahil masyado akong na-busy sa panonood ng Naruto. Oo, Naruto. Wala kasi akong magawa sa kuwarto ko kanina dahil wala akong pasok ngayon sa university. Kaya imbis na magmukmok ay nanonood na lang ako ng Naruto. Nanonood naman talaga ako ng anime pero minsanan lang. Kapag trip ko or board ako. Sa katunayan nga ay nasa episode 120 na ako. Siguro ay after ko ihanda itong miryenda ko ay aakyat na ako sa taas at manonood ulit sa laptop ko.

Nagtimpla ako ng gatas habang naghihintay ng tinapay sa toaster. Nakatayo lang ako sa harap ng toaster kaya wala siyang choice kundi matapos na. After that, nilagyan ko ng strawyberry jam. Saka ako lumabas ng kusina. Pagdating ko sa sala ay hindi ko na nakita si Lizette. Siguro ay nagpunta na iyon sa kuwarto niya at naglulupasay sa kilig dahil sa pinadala ng boypren niya. Edi siya na ang kinikilig. Manigas sana siya.

"Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?!", gulat kong tanong kay Lizette nang makita ko siya sa loob ng kuwarto ko.

"Grabe ka naman makasigaw diyan LA, magkatapat lang tayo, hello?", sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko. I mean sinagot naman niya ako pero hindi sa itinanong ko sa kaniya. Ako pa ang tinanong.

"Ano ngang ginagawa mo rito sa kuwarto ko?!", kunwaring inis kong tanong kay Lizette. Kunwari lang dahil hindi naman talaga ako magagalitin o kahit mainis man lang. Hindi ko kasi ine-expose ang aking brain cells sa kahit anong stress.

Balik tayo kay Lizette, natural na nandito siya sa loob ng kuwarto ko ay para maglinis. Para saan pa nga ba? Para magnakaw? Hindi naman ganoong tao si Lizette. Matagal na sa amin si Lizette at wala naman siyang kaso ng pagnanakaw. Grabe, kaso talaga? Mambuwesit puwede pa. Araw-araw ba naman akong buwesitin dito sa bahay. Parang siya pa itong amo eh. Lakas mambuwesit. Okay lang naman iyon sa akin para nada-divert ang atensyon ko sa ibang bagay. Kung anong bagay? Change topic na lang.

Mas matanda lang sa akin si Lizette ng limang taon kaya siguro ay magkasundo kami. Sa sobrang magkasundo kami, gusto ko na lang siyang ibalibag sa pamamahay na ito. But kidding aside, siguro ay binu-buwesit lang ako nitong si Lizette dahil siguro ay napapansin niya na malungkot ako. Minsan naman ay wala sa wisyo, palaging lutang.

Sana nga ay iyon ang rason niya para buwesitin ako. Dahil kung hindi, aba maghanda-handa na siya para ibalibag ko!

"Ako pa talaga tinanong mo niyan? Siyempre kasambahay mo 'ko kaya nandito ako sa loob." Oh diba ang tino ng sagot.

"Hindi ka aayos, iuuntog kita sa pader." Pananakot ko sa kaniya.

"Ito naman hindi mabiro." Tinaasan ko siya ng kilay. "Nilagay ko lang sa kama mo ang mga regalo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mga regalo? Saan? Kanino galing?

"Anong regalo?", kunot noo kong tanong.

"Ayan oh." At tinuro niya ang mga regalo na bitbit niya kanina nang makita ko siya sa baba. Lumaki ang mata ko dahil parang mas dumami yata ang mga regalo na nasa kama ko ngayon kaysa sa mga binuhat ni Lizette kanina.

You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now