Chapter 21: Holding Hands

2 0 0
                                    

L.A.'s POV




"Am I heavy?", natanong ko na lang sabay iwas ng mga tingin ko kay Adei. Feeling ko kasi ay para akong matutunaw sa mga tinging iyong mula kay Adei. Tila ba ako ay isang ice cream na unti-unti nang natutunaw dahil sa tingin na iyon ni Adei. Idagdag mo pa na itong puso ay parang gusto nang kumawala sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok nito. Tila ba gusto ng pumunta kay Adei itong puso ko.

Teka, ano 'tong sinasabi ko? Papaano mangyayari iyon eh kung mawawala itong ouso ko ay talagang mamamatay ako. Tinanggalan ka ba naman ng puso eh. At teka bakit napunta sa pag-tanggal ng puso ang isip ko? Epekto ba 'to ng pagka-hulog ko? Naalog ba ang utak ko at kung ano-ano na ang naiisip ko? Naalog ba ng sobra ang utak ko at napunta sa puso ko na tumitibok ng mabilis ang usapan? Pero kasalanan ko ba 'yon? Eh si Adei ang may kasalanan kaya ganito na ang mga pinagsasabi ko. Kaya siya ang sisihin niyo. Isisi niyo sa mga perfect eyes niyang nakatinhin sa pretty face ko ngayon.

"Gaano mo nga eh." Sagot niya kaya natawa kaming dalawa saka niya ako dahan-dahan binaba. Tapos ang laki pa ng katawan ni Adei. Ni wala nga yata ako sa kalahati eh. Anong magagawa ko kung lamon ako ng lamon ay pa ring nangyayari. Payat pa rin.

"Thank you." Ngiting sagot ko sa kaniya at ngumiti siya pabalik. Nasabi ko na ba sa inuo na medyo singkit si Adei? Idagdag mo pa na may dimple. Dahil sa matamis siyang nakangiti habang nakatingin sa akin ay nakita ko na lumiit iyong mga mata niya. Tapos naging visible pa ang dimple niya sa kanan niyang pisngi. At ang tanawing iyon ay maganda sa paningin ko.

Sino nga ba kasing hindi macu-cutan kay Adei eh baby face? No one.

Except me 'no!

Ewan ko lang at bakit until now ay wala siyang girlfriend. Hindi niya tuloy nararanasan ang maging in love. And oh well, amg masaktan.

"Basta ikaw. Malakas ka sa'kin eh." Ngiti niyang sagot.

"Ewan ko sa'yo Adei. Gutom lang 'yan." Saad ko. Ano ba naman kasi ang sinasabi niya? Malakas daw ako sa kaniya? Paano nangyari 'yon? Papaanong naging malakas ako sa kaniya? Can someone explain this to me?

"Ui LA, okay ka lang ba? Sabi ko naman kasi sa'yo eh. Huwag ka umakyat." Sabay lapit sa amin ni Lucas kaya napatingin kaming dalawa ni Adei sa kaniya.

"Don't worry Lucas. I'm okay." Sagot ko. Si Lucas naman ay napa-hawak lang sa batok.

"Wala bang masakit sa'yo? Hindi ka ba nagka-sprain or injury? I'll take to you to the hospital right away." Sunod-sunod na sabi ni Lucas kaya natawa ako. And at the same time ay na-appreciate ko iyong pag-aalala niya for me.

"Don't think too much Lucas. I'm okay. I'm really okay." Natatawa kong sagot kay Lucas kaya iyong pag-aalala niya ay kaagad napalitam ng isang masayang ngiti.

"Malalagot kasi ako kay Nanay kapag may nangyaring masama sa'yo."

"You don't have to worry, okay?", saka ko tinuro ang sarili ko. "I'm good. Thanks to Adei." Ngiting sagot ko sabay tingin kay Adei.

"Sige. Huwag mo na lang sabihin kay Nanay iyong nangyari." Sabi ni Lucas. Tumango naman ako dahil parang nababahala siya sa nangyari sa akin. Ewan ko kung sa akin ba siya nagwo-worry o doon sa hindi ko kilala na Nanay niya.

"Oo nga pala." Sabay tingin ko kay Adei. "Adei, this is Lucas." Humarap naman ako kay Lucas. "And Lucas, this is Adei." Sambit ko sa kanilamh dalawa na kaagad naman silang nag-shake hands na dalawa.

You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now