Chapter 7: Girl Friend

1 0 0
                                    

L.A.'s POV



"Totoo ba itong nakikita ko?", Tanong ko sabay tanggal sa black shades kong suot-suot mula pa kanina. Nilagay ko naman iyon sa taas ng ulo ko. Mabuti na lang talaga at may dala akong ganoon dahil until at this hour na 4 PM ay ang init pa din. Tirik na tirik pa din ang araw. Tipong kapag tumingin ako sa kung saan ay ang silaw. Kaya mabuti na lang at ready ako. Sa Maynila din naman mainit. Mas mainit pa nga doon kaysa dito eh.

Ngayon ay nandito kami sa tapat ng isang establishment na akala ko wala dito sa probinsya at sa Maynila lang meron.

Ang Mall...

"Gulat ka no?", Tanong naman ni Adei.

"Oo." Sagot ko at narinig kong tumawa si Adei dito sa tabi ko.

Nakaka-gulat naman talaga. May Mall pala dito sa probinsya na ito? Akala ko more on mountains lang. Akala ko sa Maynila lang ang may Mall. Ang galing lang. May pasyalan na din ang mga tao bukod doon sa pinuntahan namin ni Adei kanina. I forgot the name of that, basta mataas na lugar iyon. At nasi-siguro kong kapag may oras ako, babalik ako sa lugar na iyon.

Ang mga ganoong lugar kasi ay nagpapa-kalma sa akin. Iyong nagbe-berdeheng mga puno sa mga bundok ay nakakapag-bigay sa akin ng ngiti. Isang malaking ngiti. Ang sarap kasi sa feeling n'on. Yong tipong ang ibang lugar ay hindi mo makikitaan ng ganoong scenery dahil pinatayuan na ng samu't-saring building. Isa pa, fresh air iyon. Na sobrang nakaka-gaan ng feeling dahil nakaka-langhap ka ng sariwang hangin. Hindi katulad sa siyudad na puno ng maruruming usok. Tipong mauubo ka kapag nala-langhap mo iyon. At maiisip mo na lang na huwag ng huminga.

Idagdag mo pa iyong tahimik na paligid doon. Nang dahil doon, nakalimutan kong may problema ako. Panandalian nga lang, pero talaga nga namang kumalma ang utak ko sa pag-iisip sa mga bagay-bagay. Nakalimutan ko ng panandalian ang problemang iniwan ko sa Maynila.

Well ayon naman talaga ng purpose ko kaya nag-decide akong mag-punta dito.

At dahil sa tahimik na lugar na iyon ay nakapag-isip ako. Nakapag-isip ako ng solusyon sa problema. At yon ay ang...

Makikipag-break na ako kay Noel one of these days...

Ayaw ko siyang masaktan. Ayaw ko mang iwanan siya ay dapat iyon ang gawin ko. Pero paano naman ako? Eh alam ko naman na masaya siya doon sa babae eh, doon sa bagong babae niya. So wala na akong pakinabang sa kaniya.

Kung patuloy kong iisipin ang mararamdaman ni Noel. Paano naman iyong pakiramdam ko diba? Kung mahal ko siya. Dapat mas mahal ko ang sarili ko. Dahil kung patuloy kong iisipin si Noel, lalo lang akong masasaktan.

So starting from now, dapat ko ng turuan ang sarili kong mamuhay ng wala ng Jasper. Ng wala ng good mornings to good nights. Wala ng I miss you's and I love you's mula kay Noel. Makakaya ko yon. Ako pa ba?

All I have is myself at the end of the day, afterall.

Hindi ko dapat tanungin ang sarili ko kung better person ba ako para kay Noel. O kung anong kulang ko, kung anong pagkukulang ko at nagawa niya akong gagohin, lokohin at ipagpalit. Dahil alam ko sa sarili ko na dapat hindi ko tanongin ang sarili ko para lang sa isang lalaki na isang manloloko naman.

I did everything to him. Hindi ko siya niloko kaya wala siyang masu-sumbat sa akin. At wala siyang karapatang manumbat dahil in the first place siya itong nagloko.

You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now