Chapter 1: In...Love?

6 1 0
                                    

Adei's POV



Kaka-dismissal lang namin awhile ago at nandito ako sa labas ng university namin. Naghi-hintay ng bus para makauwi. Pero wala man lang duma-daan na bus kung kailan pagod na pagod ako ngayon. Madami kasing ginawa dito sa university dahil after next month ay bakasyon na kaya minadali kaming mga students. Kaya ayon pagod at stress kami kung sa ibang students or university ay may tinatawag na hell week, sa amin ngayon ay hell month.

Tapos idagdag mo pa ngayon na imbis na makaka-uwi na ako kaya naga-antay ako ng bus pauwi eh dadaan muna ako ng department store para bumili ng mga gagamitin para sa next week na activity at project na binigay ng mga teachers. Pero dahil nasa Bayan pa 'yon, pupunta pa akong Bayan kaya hindi na muna ako makaka-uwi.

Maya-maya ay may humintong bus after many many minutes sa harap ko. Kaya bago pa ako manahan ng iba ay agad-agad na sumakay ako.

Tumabi ako sa babaeng katabi at naka-tingin sa bintana na naka-earphones. Nakita ko pa na napatingin siya sa akin at kaagad na bumalik sa pag-tingin sa labas.

Naka-black na dress na may pulang buhok. Nakita ko pa na apat ang piercing niya sa kanang tenga. Mukhang masungit ang isang ito ah?

Nang lumapit sa akin ang konduktor ay nag-bayad ako at saka pumikit.

Ayaw pa kasi ni Mommy na bilhan ako ng kotse eh nasa legal age naman na ako. At ang reason ni Mommy? Baka daw ma-aksidente ako. Accepted namang reason 'yon pero as a college student ay kailangan ko iyon. Lalo pa at ang layo ng bahay namin sa university. Para na din hindi ako lalo ma-stress kapag naghi-hintay ng bus. Katulad kanina.

Dumilat ako nang huminto ang bus. Magpapa-sakay na naman ng pasahero kahit na wala naman ng vacant seat. Hayys.

Napatingin ako sa katabing babae na tumingin sa harapan namin.

Something tells me that I should talk to her.

Pero bakit naman?

Bakit nararamdaman kong kailangan ko siyang kausapin? Sino ba siya? Hindi ko naman siya kaibigan o kahit man lang ka-close. At saka bakit ganoon ang pakiramdam ko toward this girl? Eh sa itsura palang niya eh akala mo mananaksak na eh.

Pero nakita ko na lang ang sarili ko na kuma-kaway sa tini-tiningnan niya kaya napatingin siya sa akin.

At nang tiningnan niya ako ay tila ba kinabahan ako. Kinabahan ako bigla.

Grabe itong babaeng ito. Mukhang dahil pa ata sa kaniya eh magkakaroon pa ako ng atake sa puso.

Pero dahil nakatingin siya sa akin dahil sa kamay kong siraulo eh dapat may tanungin ako sa kaniya. Tapos saktong napatingin ako sa aircon na naka-tutok sa kaniya.

"Ate okay ka lang?", Tanong ko sa kaniya. Mabuti naman at nag-function itong utak ko ngayon.

"Oo naman." Sabay tawa niya.

At dahil sa tawa niya ay napatingin ako sa kaniya.

Ang ganda niya. At ang sarap pakinggan ng tawa niya. Parang isang musika sa aking tenga.

At dahil sa tawa niya ay kinabahan ako lalo. Bakit naman ganoon?

May heart attack na ba ako at this moment? Kung meron may ay sisisihin ko itong babaeng katabi ko na bigla-biglang tumawa. Akala mo eh ikaka-cute niya iyon. Maganda kasi siya, hindi puwede ang cute kong adjective para sa kaniya.

Psh... Ano ba itong sinasabi ko? Nababaliw na ba ako?

Pero kasi bakit ba? Bakit ganito ang nararamdaman ko for her? Eh ngayon ko lang naman siya nakita?

You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now