Chapter 39: Good Memories

0 0 0
                                    

L.A.'s POV




"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko ulit sa nakatayong si Noel na nasa harapan ko. Diretso lang siyang nakatinhin sa akin. Naghahanap siya ng sagot sa itinanong ko sa kaniya.

Ano ba naman kasing ginagawa niya rito sa bahay namin? Bakit kailangan niya pang magpunta dito sa bahay?

Nakakainis naman. Silang dalawa ni Lizette ang sumira sa araw ko. Hindi lang sumira dahil sirang-sira na talaga.

"We need to talk." Seryosong sabi ni Noel kaya napa-Tss ako dahil sa inis.

"Wala na tayong pag-uusapan pa, Noel." Seryosong sabi ko sa kaniya kaya parang tumamlay ang mata niya. Nakikita ko na naman ang lungkot sa dalawa niyang mata. Bago pa ako mahawa sa kalungkutan niya ay umiwas na ako ng tingin. Ayoko nang tingnan ang malungkot niyang mga mata dahil alam kong bibigay ako sa kaniya.

"Are you still mad at me? I'm sorry, LA. But I'll court you again. Liligawan kita ulit. Okay lang sa'kin kung matagal mo 'kong sagutin. I just want to let you know na nagsisisi ako sa ginawa kong pagloloko sa'yo. Mahal na mahal kita. Kung kina-kailangan kitang ligawan araw-araw, gagawin ko. Makita mo lang kung gaano kita kamahal."

"Noel, wala ka ng dapat gawin. Tapos na tayo, okay? At ayoko ng bumalik sa'yo." Malungkot kong sabi.

"Ayaw mo ng bumalik sa'kin? Ayaw mo na ba sa'kin? Hindi... Hindi mo na ba ako mahal?", hindi ko magawang hindi siya tingnan dahil sa sobrang lungkot niyang boses. Bumalik ang tingin ko sa kaniya at parang biniyak ang puso ko nang makita ko ang luhang tumulo sa kanan niyang mata. Hindi lang basta biniyak ang puso ko kundi tinusok pa ito ng paulit-ulit ng karayom dahil ang sakit din para sa akin na makita kong umiyak si Noel sa aking harapan.

Ihahakbang ko na sana ang paa ko para lapitan siya nang bigla siyang lumapit sa akin at lumuhod. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilapit sa mukha niya kaya nabasa ang dalawang kamay ko dahil sa luha niya.

"Bakit naman ganoon, Aria? Hindi mo na ba ako mahal?", mangiyak-ngiyak na tanong ni Noel habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na masaktan dahil sa ginawa ni Noel sa harapan ko. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na bumagsak dahil ako ang nasasaktan lalo sa mga pag-iyak ni Noel habang nakahawak sa kamay ko. Habang nakaluhod sa harapan ko.

"Hindi naman kaagad nawala ang pagmamahal ko sa'yo eh." Mahinang sambit ko dahil tumulo na talaga ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Kung ganoon, bakit ganiyan ang mga sinasabi mo?"

"Kasi Noel, sinaktan mo 'ko eh." Nagtuloy-tuloy na ang luha ko. "Sobra mo akong nasaktan Noel eh. I saw you with other girl. You're kissing each other. What do you want me to react? To be happy? To celebrate? Siyempre masasaktan ako. Nakipag-halikan ba naman 'yong boyfriend ko eh. Nakita pa ng dalawang mata ko. Naulit pa. Kaya magkahaling sakit at galit ang nararamdaman ko sa'yo. Kaya huwag kang magtatanong kung bakit ganoon. You did something wrong, Noel. You hurt me." Dahan-dahan kong sabi dahil patuloy pa rin ang mata ko sa pagluha.

"I'm sorry, Aria. If only I could tell you the reason why I did that." Lumuluha man ang mata ko ay kunot-noo ko pa ring tiningnan ang nakaluhod na si Noel.

"Anong... Anong ibig mong sabihin?", mahinang tanong ko. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Pinahid niya lang ang luha niya saka tumayo at tumalikod sa akin.

You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now