Chapter 24: His Eyes

0 0 0
                                    

L.A.'s POV



Mga 4:30 PM ang oras nang makarating kami dito sa resort kanina. At ngayong 7 PM na ng gabi ay unti-unti nang natatapos ang mga niluluto naming putahe. Grabe 'no? Ang bilis ng oras kapag masaya ka. Kung kanina ay nakikita ko pa ang araw pati ang paglubog ng niya sa dagat. Ngayon naman ay nakikita ko na ang malaking buwan na nasa itaas. Tila rin masaya siya ngayong gabi dahil talaga nga namang napaka-liwanag ngayong gabi.

Akala ko nga kanina ay hindi pa kami matatapos magluto. Sa sobrang dami ba naman ng pagkain eh. Pero sa kabila ng dami ng pagkain, aba! Ang dami rin naming nagluluto. Kaming mga girls ay nagluto ng uulamin, dessert at kanin. Iyong mga boys naman ay nandoon sa gilid, nagi-ihaw. Sila na din pala ang naka-toka sa paggawa ng drinks. Ewan ko lang kung anong drinks ang gagawin nila.

At saka bagay sila doon sa ihawan na 'yon. Sarap nilang sunugin. Ems.

Natapos naman kami sa mga niluto naming putahe. Nakahanda na rin iyong paper plate, spoon and fork at mga baso na gagamitin namin for later. Sadyang naghihintay na lang kami sa mga boys sa pagtapos ng pag-iihaw.

"Tara LA, mag-swimming na muna tayo. Ang ta-tagal ng mga boys eh." At natawa ako sa sinabi ni Briana. Siguro ay asar na asar pa rin siya doon sa sinabi ni Jack. Maganda daw na ilunod? Aba! Ewan ko na lang sa kanilang dalawa. Baka sa pag-aaway nilang iyon ay sila pala ang magkatuluyan sa huli. At talagang dito pa sa resort nagka-aminan 'no? Ang sweet naman. Saksi pa ang dagat, mga bituin at buwan sa pagmamahalan kuno nila.

"Mamaya na lang. Magli-libot na muna ako dito sa resort."

"Samahan kita?"

"No need. Mag-swimming na kayo ro'n." Ngiting sabi ko saka umalis si Briana.

Ako naman ay tumayo mula sa pagkakaupo rito sa cottage at nagsimulang maglakad-lakad.

Ang sarap sa pakiramdam ko ngayon. Ang gaan. Para bang wala akong dinaramdam na kalungkutan, galit at sakit. Ngayon ay parang wala akong maramdaman ni isa man sa mga iyon. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Siguro kasi ay na-wish granted ako ngayon. Hindi ba nga gusto ko sa dagat mag-emo? Pero look at me now, hindi ako makapag-emo dahil nga parang nawala ang kahit anong emosyon na nararamdaman ko noong nakaraan. Ang gulo ko 'no?

Napahawak ako sa aking katawan nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.

Ang lamig shit.

Pero hindi ako nagpatinag. Patuloy pa rin ako sa paglalakad dito sa tabing-dagat.

At nakita ko ang ibang tao at ibang mga staff na may inaayos. Nagkakabit sila ng mga wirings, meron ding nagka-kabit ng isang disco ball sa gitna. Iyong iba naman ay inaayos ang mini-stage. Siguro ay may party mamaya.

Oo nga pala, hindi lang kami ang nandito sa resort. Kundi may ibang turista rin. May mga foreigners pa nga eh. Mas masaya kasi kapag madaming tao. Hindi ka na mabo-bore.

"Hi Ma'am." Sabay lapit sa akin ng isang babae. Hindi lang siya isang babae dahil siya iyong babaeng staff na lumapit sa amin kanina. At higit sa lahat ay siya ang nagbigay ng flower crown kanina ay hanggang ngayon ay suot-suot ko pa.

"Hello rin." Ngiting bati ko.

"Ma'am baka puwede ho kayo mamayang 9? Punta po kayo dito ng mga kainigan mo. May mini-disco po kasi dito sa resort. Party po kumbaga." At tila ba lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

You Got Me In Love Again | CompletedWhere stories live. Discover now