𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 # 𝟐𝟒: 𝐔𝐧𝐯𝐞𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐄𝐦𝐨𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬

185 7 0
                                    

𝘊𝘢𝘴𝘵𝘴:⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
𝘍𝘙𝘌𝘌𝘕 𝘚𝘈𝘙𝘖𝘊𝘏𝘈 𝘢𝘴 𝘚𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘩𝘢 𝘊𝘳𝘶𝘻 "𝘚𝘢𝘮"⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
𝘉𝘌𝘊𝘒𝘠 𝘈𝘙𝘔𝘚𝘛𝘙𝘖𝘕𝘎 𝘢𝘴 𝘔𝘰𝘯𝘪𝘤𝘢 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴-𝘑𝘢𝘷𝘪𝘦𝘳 "𝘔𝘰𝘯"⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
𝘊𝘏𝘈𝘙𝘓𝘖𝘛𝘛𝘌 𝘈𝘜𝘚𝘛𝘐𝘕 𝘢𝘴 𝘊𝘩𝘢𝘳𝘮𝘢𝘪𝘯𝘦 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴 "𝘊𝘩𝘢𝘳"⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
𝘌𝘕𝘎𝘍𝘈 𝘞𝘈𝘙𝘈𝘏𝘈 𝘢𝘴 𝘐𝘯𝘨𝘳𝘪𝘥 𝘊𝘩𝘢𝘷𝘦𝘻 "𝘐𝘨𝘨𝘺"⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣⁣
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ⁣⁣
Gulong-gulo at hindi malaman ni Mon ang gagawin, hindi niya alam kung ano ang lagay ni Iggy sa kabilang linya ngunit sigurado siya na may nangyari rito na hindi maganda, bukod kasi sa may narinig siyang banggaan ay hindi ugali ni Iggy na babaan siya ng telepono kapag kausap ito. ⁣

Sa kanyang pag-iisip ay narinig niya ang pagtunog ng kanyang telepono, nakita niya na ang kanyang kapatid na si Char ang tumatawag. Sa totoo lang ay maraming tao na ang naghahanap sa kanila ni Iggy, alam na ng lahat sa simbahan ang ginawang hindi pagsipot ni Iggy sa kanilang kasal kaya hindi na rin nagtaka ang iba kung bakit umalis na lamang siya ng walang paalam. Pinili niyang sagutin ang tawag ng kanyang kapatid dahil alam niyang ito lamang ang makatutulong at makauunawa sa sitwasyon nila ni Iggy ngayon.⁣

"𝐇𝐞𝐥𝐥𝐨 𝐌𝐨𝐧!? 𝗪𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮? 𝗪𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠? 𝗪𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐢𝐬 𝐈𝐠𝐠𝐲?" Sunod-sunod na tanong agad ang ibinigay ni Char kay Mon dahil hindi rin nito maunawaan ang nangyayari.⁣

"𝐀𝐭𝐞 𝐬𝐢 𝐈𝐠𝐠𝐲 . . . . 𝐒𝐢 𝐈𝐠𝐠𝐲 . . . ." Ito lamang ang tanging nasambit ni Mon at hindi na niya napigilan pa na muling umiyak. Hindi niya magawang ituloy ang nais niyang sabihin dahil hindi rin niya kayang isipin na may masamang nangyari kay Iggy.⁣

"𝗪𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐈𝐠𝐠𝐲?! 𝗪𝐡𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐞𝐝? 𝗪𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐚𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮? 𝐈 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐲𝐨𝐮." Sobrang pag-aalala ang naramdaman ni Char nang marinig niya ang pangalan ni Iggy, ngunit mas tumindi ang kanyang kaba sa dibdib nang marinig niyang umiiyak at humahagulgol ang kanyang kapatid sa kabilang linya.⁣

Halos paliparin ni Char ang kanyang sasakyan sa bilis ng kanyang pagmamaneho, nakarating agad siya sa lugar kung nasaan si Mon. Nakita niya na nakahinto ang sasakyan nito hindi kalayuan sa simbahan, sa tabi ng highway. Agad siyang bumaba at pinuntahan ang kapatid.⁣

"𝐌𝐨𝐧, 𝐈'𝐦 𝐡𝐞𝐫𝐞." Ito agad ang sinabi ni char at niyakap nang mahigpit ang kapatid. Umiiyak at humahagulgol pa rin ito ng kanyang madatnan.⁣

"𝐂𝐚𝐧 𝐲𝐨𝐮 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐭𝐞𝐥𝐥 𝐦𝐞 𝐰𝐡𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐞𝐝 𝐬𝐨 𝐈 𝐜𝐨𝐮𝐥𝐝 𝐡𝐞𝐥𝐩 𝐲𝐨𝐮?" Pagco-comfort ni Char sa kapatid.⁣

"𝐀𝐭𝐞 𝐬𝐢 𝐈𝐠𝐠𝐲, 𝐰𝐞—— 𝐰𝐞 𝐚𝐫𝐞 𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐭𝐚𝐥𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐡𝐨𝐧𝐞 𝐭𝐡𝐞𝐧 𝐬𝐮𝐝𝐝𝐞𝐧𝐥𝐲 𝐈 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐝 𝐬𝐨𝐦𝐞 𝐧𝐨𝐢𝐬𝐞 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞'𝐬 𝐚 𝐜𝐫𝐚𝐬𝐡, 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞𝐧 ——— 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞𝐧. . . " Pagsisimula ni Mon, na hindi magawang dugtungan pa ang kanyang nais sabihin.⁣

"𝐀𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞𝐧 𝐰𝐡𝐚𝐭 𝐌𝐨𝐧!? 𝗪𝐡𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐈𝐠𝐠𝐲!?" Punong-puno nang pag-aalala ang tinig ni char.⁣

"𝐈 𝐰𝐚𝐬 𝐚𝐬𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐠𝐠𝐲 𝐰𝐡𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐞𝐝 𝐛𝐮𝐭 𝐬𝐡𝐞 𝐝𝐢𝐝𝐧'𝐭 𝐚𝐧𝐬𝐰𝐞𝐫 𝐛𝐚𝐜𝐤, 𝐚𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐚𝐥𝐥 𝐰𝐚𝐬 𝐜𝐮𝐭 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐚𝐭. 𝐈 𝐝𝐨𝐧'𝐭 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐰𝐡𝐚𝐭 𝐫𝐞𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐞𝐝 𝐛𝐮𝐭 𝐈 𝐚𝐦 𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐬𝐨𝐦𝐞𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐝 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐞𝐧𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐈𝐠𝐠𝐲. . . . 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐏𝐡𝐢, 𝐡𝐞𝐥𝐩 𝐦𝐞 𝐟𝐢𝐧𝐝 𝐡𝐞𝐫." Paglalahad ni Mon.⁣

Biglang huminto ang lahat kay Char nang marinig niya mula kay Mon ang masamang nangyari kay Iggy, para siyang binagsakan ng mabigat na bagay sa kanyang dibdib. Hindi niya alam na may isasakit pa pala ang kanyang damdamin, nang malaman niya na ikakasal ito sa kanyang kapatid ay nadurog ang kanyang puso ngunit ngayon nang malaman niya na may nangyari rito na masama ay tila biglang gumuho ang kanyang mundo. Nabigyan man sila ng maikling panahon ay hindi pa rin iyon naging sapat dahil hindi pa rin niya nagawang sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman, hindi niya alam kung bakit tila malupit ang tadhana sa kanilang dalawa. ⁣

Hindi napansin ni Char ang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata, ang kanyang pag-iyak ay tahimik katulad ng kanyang damdamin na hindi niya nagawang aminin, bagamat tahimik ay ikinukubli naman nito ang matinding pighati at sakit ng kanyang puso na siya lamang ang nakaririnig at nakadarama. Bumalik lamang ang isip ni Char sa realidad nang madama niya ang paghawak ni Mon sa kanyang mga kamay.⁣

"𝐀𝐭𝐞 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞, 𝐡𝐞𝐥𝐩 𝐦𝐞 𝐟𝐢𝐧𝐝 𝐈𝐠𝐠𝐲." Hinawakan ni Mon ang dalawang kamay ng kanyang kapatid at nakiusap.⁣

"𝐎𝐤𝐚𝐲, 𝐥𝐞𝐭𝐬 𝐟𝐢𝐧𝐝 𝐈𝐠𝐠𝐲." Pagkasabi nito ay isinama niya si Mon sa kanyang sasakyan at inisa-isa nila ang mga hospital at police station na malapit sa lugar.⁣

Halos matatapos na ang buong araw ay hindi pa rin nakikita ng magkapatid si Iggy. Ipinagbigay alam na rin nila ang nangyari sa ama nito subalit imbis na tulungan sila ay galit lamang ang ibinigay ni Mr. Chavez, sinabi nito sa kanila na wala siyang pakialam sa kung anong nangyari kay Iggy dahil ginusto nitong suwayin siya. Hindi rin tumulong ang kanilang lolo dahil galit na galit ito sa ginawa ni Iggy na hindi pagsipot sa kasal.⁣

Pagod na sa kahahanap at kaiiyak ang dalawang magkapatid, pinili ni Mon na umuwi muna saglit sa kanyang condo upang makapagpalit nang simpleng damit dahil hanggang ngayon ay suot pa rin nito ang kanyang wedding gown, samantalang si Char naman ay tumanggi na magpahinga, ayaw nitong huminto hanggat wala siyang nakukuhang balita sa totoong nangyari kay Iggy. Napansin ni Mon ang matinding pighati sa mga mata ng kanyang kapatid, bagamat walang sinasabi at inaamin sa kanya ang dalawa alam niyang nagmamahalan ang mga ito, tulad nila ni Sam na bagamat tunay ang nararamdaman ay hindi naman sumasang-ayon na pagsamahin ng tadhana.⁣

- - - - - - - -

Unexpected Love (Freenbeck - Fanfic Story)Where stories live. Discover now