Chapter #9: Reconciliation

162 10 0
                                    

Casts:

FREEN SAROCHA as Samantha Cruz "Sam"

BECKY ARMSTRONG as Monica Flores-Javier "Mon"

CHARLOTTE AUSTIN as Charmaine Flores "Char"

ENGFA WARAHA as Ingrid Chavez "Iggy
-  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Nagising si Char na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo, hindi niya pa lubusang nadidilat ang kanyang mga mata ngunit tumayo na siya, hindi rin niya namalayan na wala siya sa sarili niyang condo. Tinungo nya ang malapit na pintuan at binuksan ito, hindi niya napansin na CR pala ang kanyang napuntahan. Pagkabukas niya rito ay bigla siyang nagulat nang makita ang isang babae at napasigaw siya.

"Aaaaaaaaaah!" Sabay na pagsigaw ng babae at ni Char at isinara niya muli ang pinto.

"Iggy!?" Ito na lamang ang nasambit nya sa kanyang isipan.

Biglang nagising ang diwa ni Char dahil sa nangyari.

"What the fuck?! Why am I with Iggy?! What are we doing here alone in a room?! And why the hell my clothes is different from my dress last night?" Ito ang sunod-sunod nya pang naging tanong sa kanyang isipan.

"Iggy! Why are you with me? Where the hell are we? And who changed my clothes for me!?" Malakas na sambit ni Char kay Iggy habang hinahanap ang kanyang mga gamit at cellphone.

"Oh, wala bang good morning muna?" Sagot ni Iggy paglabas niya ng CR.

"Good morning my lady." Nakangiting sambit ni Iggy kay Char.

"Huwag mo akong ma-good-mo-good morning dyan Iggy, just answer me." Balik ni Char sa kanya.

"Okay." Nagtaas ng kamay si Iggy bilang pagpapakita na hindi siya lalaban dito.

Nahagip ng mga mata ni Char ang kanyang cellphone sa side table ng higaan, agad niya itong kinuha at tiningnan ang kanyang call history, inisip nya na baka sa sobrang kalasingan ay tinawagan niya ito nang hindi sinasadya. Ngunit wala naman doon ang pangalan ni Iggy, paano niya ito nakasama?

Ang naalala lamang niya ay kasama niya si Sam. Sinubukan niyang i-dial ang numero nito upang itanong ang tunay na nangyari, Subalit bago pa niya makumpleto ang pagtawag ay narinig niya si Iggy.

"Are you calling Sam?" Sambit ni Iggy.

"So?" Mabilis na tugon ni Char.

"If I were you, I will not call her." Pagpapatuloy nito.

"Kung may gusto kang malaman then ask me politely." Dagdag nito.

Ngunit tinarayan lamang siya ni Char at inirapan.

"Okay fine, I will explain. She actually called me last night because you were too drunk to drive, and she needs to go home because Mon is waiting for her." Pagsisimula nang paliwanag ni Iggy.

"I brought you here in my condo since hindi ko naman alam kung saan ka nakatira at hindi ka na rin naman makausap kagabi dahil bagsak ka na. And with your dress, wala naman akong balak palitan sana yan pero sinukahan mo ako at ang sarili mo that's why I don't have a choice but to change your clothes."

Nagulat si Char sa kanyang narinig, hindi niya akalain na magagawa niyang sukahan si Iggy at ito pa mismo ang nagpalit ng kanyang damit. Bigla siyang nakadama ng matinding hiya ng mga sandaling iyon.

"Disappointed?" Pagbasag ni Iggy sa katahimikan at tinitigan nang mabuti si Char.

Nagtaka si Char sa tanong na ito ni Iggy.

"Are you disappointed because it's not Sam you spent your night with?" Simula ni Iggy.

"Do you think I didn't noticed it Char. You treat Sam differently than the rest. . . Tell me, do you like her?" Bagamat may clue na siya sa tunay na nararamdaman ni Char ay pinili pa rin ni Iggy na itanong ito sa dalaga, hindi niya alam kung upang kumpirmahin ito o upang saktan lamang nang tuluyan ang kanyang damdamin.

Unexpected Love (Freenbeck - Fanfic Story)Where stories live. Discover now