𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 # 𝟏𝟒: 𝐒𝐡𝐚𝐭𝐭𝐞𝐫𝐞𝐝 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬

121 5 0
                                    

𝘊𝘢𝘴𝘵𝘴:⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣
𝘍𝘙𝘌𝘌𝘕 𝘚𝘈𝘙𝘖𝘊𝘏𝘈 𝘢𝘴 𝘚𝘢𝘮𝘢𝘯𝘵𝘩𝘢 𝘊𝘳𝘶𝘻 "𝘚𝘢𝘮"⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣
𝘉𝘌𝘊𝘒𝘠 𝘈𝘙𝘔𝘚𝘛𝘙𝘖𝘕𝘎 𝘢𝘴 𝘔𝘰𝘯𝘪𝘤𝘢 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴-𝘑𝘢𝘷𝘪𝘦𝘳 "𝘔𝘰𝘯"⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣
𝘊𝘏𝘈𝘙𝘓𝘖𝘛𝘛𝘌 𝘈𝘜𝘚𝘛𝘐𝘕 𝘢𝘴 𝘊𝘩𝘢𝘳𝘮𝘢𝘪𝘯𝘦 𝘍𝘭𝘰𝘳𝘦𝘴 "𝘊𝘩𝘢𝘳"⁣⁣⁣⁣⁣
⁣⁣⁣⁣⁣
𝘌𝘕𝘎𝘍𝘈 𝘞𝘈𝘙𝘈𝘏𝘈 𝘢𝘴 𝘐𝘯𝘨𝘳𝘪𝘥 𝘊𝘩𝘢𝘷𝘦𝘻 "𝘐𝘨𝘨𝘺"⁣⁣⁣⁣⁣
-  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
⁣⁣⁣⁣⁣Naging malamig ang pakikitungo ni Mon kay Char matapos nitong malaman ang katotohanan, hindi niya rin kasi alam kung paano tatanggapin ang dalaga, masyadong sariwa pa ang sugat na iniwan nito at ng pamilya nya sa kanya at hindi niya alam kung kailan siya magiging handang magpatawad o kung darating ba talaga ang panahong mapapatawad niya pa ang mga ito. Ang alam lang niya ay masaya na siya sa buhay niya kapiling ang pamilya ni Sam.

Kumakain sina Mon, Nam, Yuki at Sam sa isang resto nang makita nila ang pagdating ni Char at Iggy. Kaarawan kasi ni Nam, kaya kahit ayaw man niyang makasama si Char dahil bahagi na ito ng kanilang circle of friends ay hinayaan na lamang niya na makasama ito ngayong araw. Naging tahimik at awkward ang mood ng magbabarkada dahil sa alam nila ang tensyon sa pagitan ng dalawang dalaga.

"𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐈𝐠𝐠𝐲 𝐚𝐭 𝐂𝐡𝐚𝐫 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐮𝐧𝐭𝐚 𝐤𝐚𝐲𝐨." Sambit ni Nam upang basagin ang katahimikan.

"𝐈𝐭'𝐬 𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐥𝐞𝐚𝐬𝐮𝐫𝐞 𝐭𝐨 𝐛𝐞 𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐍𝐚𝐦, 𝐚𝐧𝐲𝐰𝐚𝐲 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐛𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲!" Sagot ni Iggy sabay abot ng kanyang regalo kay Nam.

"𝐓𝐡𝐚𝐧𝐤 𝐲𝐨𝐮 𝐟𝐨𝐫 𝐢𝐧𝐯𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐮𝐬 𝐍𝐚𝐦, 𝐡𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐛𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲." Bati rin ni Char kay Nam sabay abot din ng kanyang regalo rito.

"𝐍𝐚𝐤𝐮 𝐧𝐚𝐠-𝐚𝐛𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐚 𝐩𝐚 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐠𝐢𝐟𝐭, 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐧𝐚 𝐬𝐨𝐛𝐫𝐚-𝐬𝐨𝐛𝐫𝐚 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐲𝐮𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐫𝐞𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐝 𝐦𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐮𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐄𝐧𝐠𝐥𝐚𝐝 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐫𝐮𝐧 𝐧𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐞𝐡, 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐩𝐚 𝐫𝐢𝐧." Tugon ni Nam kay Char matapos nitong iabot ang regalo.

"𝐑𝐞𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐝? 𝐒𝐚 𝐄𝐧𝐠𝐥𝐚𝐧𝐝? . . . 𝐒𝐚 𝐄𝐧𝐠𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐤𝐚 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐰𝐨𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝?" Tanong ni Yuki kay Nam.

"𝐀𝐡 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐩𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐬𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐝𝐨, 𝐧𝐚𝐠𝐩𝐚𝐬𝐚 𝐩𝐚 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐩𝐩𝐥𝐢𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐰𝐞𝐫𝐭𝐞 𝐞𝐝𝐢 𝐬𝐮𝐬𝐮𝐛𝐮𝐤𝐚𝐧." Nakangiting sagot ni Nam.

"𝐄𝐡 𝐩𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐤𝐚 𝐫𝐮𝐧? 𝐍𝐚𝐧𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭, 𝐝𝐨𝐨𝐧 𝐢𝐤𝐚𝐰 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠-𝐢𝐬𝐚, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐛𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐨-𝐡𝐨𝐦𝐞𝐬𝐢𝐜𝐤?" Tanong ni Sam.

"𝐌𝐚𝐡𝐨-𝐡𝐨𝐦𝐞𝐬𝐢𝐜𝐤 𝐬𝐲𝐞𝐦𝐩𝐫𝐞, 𝐩𝐞𝐫𝐨 𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨-𝐭𝐨𝐮𝐫 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐰 𝐚𝐤𝐨 𝐫𝐮𝐧 𝐧𝐢 𝐂𝐡𝐚𝐫 𝐚𝐭 𝐬𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐝𝐚𝐰 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐚 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐭𝐢𝐭𝐢𝐫𝐡𝐚𝐧 𝐤𝐨. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐛𝐚 𝐂𝐡𝐚𝐫?" Tugon muli ni Nam sabay balin kay Char.

Unexpected Love (Freenbeck - Fanfic Story)Where stories live. Discover now