Chapter #6: The Vacation

138 7 0
                                    

Casts:

FREEN SAROCHA as Samantha Cruz "Sam"

BECKY ARMSTRONG as Monica Flores-Javier "Mon"

CHARLOTTE AUSTIN as Charmaine Flores "Char"

ENGFA WARAHA as Ingrid Chavez "Iggy
-  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Huminto sa paglalakad si Mon at hinarap si Iggy.

"I'm sorry for what happened kanina, I didn't mean to bumped you, hindi talaga kita nakita o napansin, and  I also didn't mean to hold your hand and drag you. . . . Is just that, nairita lang talaga ako kay Sam." Sambit ni Mon.

"That's fine Mon, I don't mind. Actually I should thank you for dragging me here, nakaiwas ako sa pagsusungit ni Char." Sagot ni Iggy at pilit ngumiti upang maibsan ang kalungkutan ni Mon.

"Are you always like that with Char? Lagi ba kayong nagtatalo?" Pagtatakang tanong ni Mon.

"Actually Mon, me and Char are not really close. This is the first time we spend a long time with each other. Don't get me wrong, we are not enemies but we are also not friends. Our family have a close ties that's why we know each other, I just came here because I need to do something important." Paliwanag ni Iggy.

Nakadama ng kalungkutan si Mon sa kanyang narinig mula kay Iggy, nalulungkot siya dahil nakikita nya ang tunay na pagmamalasakit ng dalawa para sa isa't isa subalit patuloy nila itong itinatanggi.

"Tara na? Baka naiinip na sila Nam at Yuki." Dagdag ni Iggy.

Pagpasok nila sa karaoke hub . . .

"Oh, nasaan na yung sabi nyong hahanapin nyo?" Tanong ni Nam.

Kasabay ng pagtatanong nito ang pagbukas muli ng pintuan at ang magkasunod na pagpasok naman nila Sam at Char.

"Nasaan na yung foods na binili mo Sam?" Tanong ni Yuki.

"Bakit kayo ang magkasama? Nag-exchanged partners na ba kayo?" Nang-aasar na tanong ni Nam.

"Sorry hindi ako nakabili, sandali lalabas ako ulit." Sagot ni Sam.

"Ako na ang bibili Sam para mabilis." Sabi ni Yuki sabay ang malapad na pagngiti.

"Huwag na. Malapit na maggabi, siguro mabuti pa't umuwi na tayo. Sumasakit na rin kasi ang ulo ko." Singit ni Mon.

"Bakit hindi mo kasi inuman ng gamot agad?" Maririnig ang pag-aalala sa tinig ni Sam kahit na ito ay may bahid ng pagsusungit.

Tila naging hangin lamang ang sinabi ni Sam dahil sa hindi ito sinagot ni Mon, "Yuki, samahan mo naman ako bumili ng gamot at mag-CR na rin tayo." Walang emosyong sabi ni Mon sabay ang paglabas sa pinto.

"Ako? Bakit ako?!" Gulat at nagtatakang sagot ni Yuki, sabay turo sa sarili at paglingon kay Sam.

"Okay sige sabi ko nga." Dagdag ni Yuki, tumayo na rin siya at sinundan si Mon.

"Sige tapusin ko na lang itong kanta at lalabas na rin kami." Deklara ni Nam.

. . . .

Buong byahe ay hindi nagkibuan at nagpansinan ang apat.

"Grabe, parang mamamatay ako sa katahimikan natin dito sa sasakyan." Pagbasag ni Nam sa katahimikan, sabay hawak sa kanyang dibdib at umaktong hindi makahinga.

"Oo nga, napakaseryoso nyo namang apat. Hindi naman po masamang magsalita, sige kayo mapapanis yang laway nyo." Pang-aasar din ni Yuki.

"Hindi ba kayo nag-enjoy sa gala natin?" Malungkot na tanong ni Nam upang makuha ang reaksiyon ng apat.

Unexpected Love (Freenbeck - Fanfic Story)Where stories live. Discover now