CHAPTER #1: Destiny & Soulmate

828 12 0
                                    

Casts:
FREEN SAROCHA as Samantha Cruz "Sam"

BECKY ARMSTRONG as Monica Flores-Javier
"Mon"

CHARLOTTE AUSTIN as Charmaine Flores "Char"

ENGFA WARAHA as Ingrid Chavez "Iggy"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Mon's POV

Sabi nila minsan lang daw natin mahahanap yung taong nakalaan para sa atin, yung tinatawag ng karamihan na SOULMATE. Kaya kapag nakita mo na raw yun, huwag mo nang pakawalan. Pero paano mo nga ba malalaman kung yung taong natagpuan mo ay yung taong hinahanap mo talaga?

Para sa akin ang soulmate ay hindi lang romantic relationship with opposite sex. It could be in any form or with anyone for as long as the connection is there and the love is true between the two souls.

Inaamin ko, hindi ko pa naranasan ang makipagrelasyon. Yes, NBSB ako kaya kung tatanungin mo ako kung nahanap ko na ba yung soulmate ko? Siguro . . . hindi pa. Pero kapag tinatanong ako ng mga bagay na ganyan isang tao lang ang pumapasok sa isip ko . . . yung bestfriend kong si Sam, kahit na pareho kaming babae. Siya lang kasi ang tinuturing kong constant sa buhay ko.

Sam and I have been together ever since mga maliliit pa lang kami. I am an orphan. My mom and dad died in a car accident when I was a child, kasama rin sa mga nasawi ang mga magulang ni Sam. Naiwan si Sam sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola at dahil sa mabuting kalooban inampon din ako ng pamilya ni Sam, dahil wala na akong kilalang kahit isang kamag-anak namin nila mommy and daddy.

Fate led us to each other, and we only have each other. That's how deep our relationship is. Parang it is me and her against the world. We're sisters, bestfriends, or anything we want us to be. . .

"Hoy Mon! Lumilipad na naman yang isip mo." Putol ni Yuki sa pagmumuni-muni ko.

Si Yuki ay classmate at kaibigan ko rin since elementary days.

"Tinatanong lang kita kung naniniwala ka ba sa destiny at soulmate, bigla ka na lang natulala dyan." Dagdag ni Yuki.

"Sorry, eh iniisip ko rin kasi kung maniniwala ba talaga ako o hindi dyan sa destiny at soulmate na yan." Sagot ko.

"Oh siya hayaan mo na, saka na lang kita tatanungin kapag nasubukan mo nang ma-in love. Mauna na ako at may pupuntahan pa ako." Dugtong ni Yuki habang nagliligpit ng kanyang mga gamit.

"Mon! Yuki!" Kumakaway na sambit ni Sam.

"Oh nandyan na pala yung jowa mo. Ay este, bestfriend pala." nakangiting biro ni Yuki sabay sagi sa aking balikat.

"Hi Sam! Sayang kailangan ko nang umalis. Oh paano maiwan ko muna kayo ni Mon. Ikaw ng bahala sa kaibigan natin ha, bantayan mo kasi bigla-bigla na lang yan natutulala." Natatawang sabi ni Yuki at bumeso sa amin ni Sam bago umalis.

"Bye Yuki!" Tugon ni Sam sa kanya.

"Natutulala ka raw? Ano ba yun, gutom ka ba kaya ka natutulala?" Biro ni Sam.

"Hindi ah. May tinanong kasi si Yuki, at napaisip ako kaya natulala ako." Sagot ko.

"Ano ba ang tinanong niya." Curious na tanong ni Sam.

"Naniniwala raw ba ako sa destiny at soulmate. Hindi ako sigurado sa isasagot ko eh. Ikaw ba, naniniwala ka ba run? Nakilala mo na ba yung the one mo?" Balik ko sa kanya.

"Hmmm. Ewan ko." Sagot nya.

"Ewan ko?! So in love ka? Sino? Duga mo, parang di mo ata nakukwento sa akin yan." Naiintriga kong sagot.

"Ikaw." Sagot niyang muli nang nakatingin ng diretso sa akin.

Seryoso ang kanyang mukha at nakakatunaw ang kanyang pagtitig. Biglang nag-init ang aking pisngi sa kanyang sinabi, hindi ko alam kung bakit.

Naramdaman ni Sam ang pagkahiya ko, kaya binasag nya ang saglit na katahimikan na pumagitan sa amin.

"Ikaw ba hindi ka naniniwala?" Depensa nya sa sarili.

Nakahinga ako nang maluwag nang bawiin nya ang kanyang sinabi, subalit tila may kung anong kirot itong kapalit sa aking puso.

"Ewan ko sayo, tinatanong kita kung sino yung the one mo ibinabalik mo naman sa akin." Nakanguso kong pagsagot sa kanya.

"Wala nga. Alam mo tara umuwi na lang tayo nagugutom na ako." Pagsusungit nya.

"Oh basta, kapag nakilala mo na yung the one mo 'wag mong kalimutang ipakilala sa akin ha." Nakangiti at seryosong tugon ko, sabay lingkis sa kanyang braso. . .

Sabay namin binaybay ang daan patungo sa aming tahanan.
.
.
.
.
.
.
Sa bahay . . .

Sam's POV (Point Of View)

Pagpasok ko sa aking kwarto ay pabagsak akong humiga sa aking kama. Hanggang ngayon ay gumugulo sa aking isipan ang naging reaksiyon ni Mon sa naging sagot ko kanina.

Nang marinig niyang "Ikaw" ay bigla kong nadama ang kanyang pagkahiya at pagtahimik, buti na lamang at nabawi ko ang aking sinabi.

Hindi ko rin alam kung ano bang pumasok sa aking isipan at "Ikaw" ang aking isinagot sa tanong niya kung sino ang the one ko.

Maski ako ay naguguluhan sa kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko para kay Mon. Hindi ko pa naman naranasan ang pumasok sa isang romantic relationship lalo na sa relasyon ng same sex, kaya hindi ko rin masabi kung pag-ibig nga ba talaga ito o sadyang ganito magturingan ang halos magkapatid na. Ang tanging sigurado lang ako ay mahalaga si Mon sa akin. Kaya if someone will ask who is my destiny or soulmate, si Mon lang ang pumapasok sa aking isipan. Because I can see myself spending the rest of my life with her.

Alam kong mali, pero anong magagawa ko kung siya lang talaga ang naiisip at gusto kong makasama habang buhay. I coudn't imagine my life without her.

Naudlot ang aking pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag ni Mon.

"Saaam! Tara na, nakahanda na ang hapunan. Bumaba ka na." Pasigaw ngunit may lambing na sambit ni Mon.

"Okay. Sandali lang." Malakas kong tugon upang marinig niya.

Hindi ko man nasagot ng direkta ang tanong ni Mon kanina, alam ko sa kaibuturan ng aking puso na naniniwala ako sa destiny at soulmate, dahil pinagtagpo kami ng tadhana ni Mon. Nang mga panahong wala kaming makapitan sa bigat ng pagsubok ng buhay naging sandigan at lakas namin ang isa't isa. If destiny and soulmate is having rare connection and true love between two souls, then no doubt that person for me is Mon.

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto. "Ano na?! Naburo ka na diyan?" Pagulat na sambit ni Mon.

"Mon! Ano ba, bakit ka ba nanggugulat. Saka matuto ka ngang kumatok, paano kung nagbibihis ako edi nasilipan mo pa ako." Gulat at pasungit kong tugon sa kanya.

"Sus! Parang hindi naman tayo nagsasabay maligo noon." Pang-aasar na balik niya.

"Noon yun, mga bata pa tayo nun." Balik ko.

"Oo nga no? Bakit nga ba hindi na tayo nagsasabay maligo? Gusto mo bang magsabay tayong maligo mamaya?" Nakangising panunukso nya.

"No. Ayoko nga. Ang tagal mo kayang maligo." Pasungit ngunit namumula kong tugon.

"Eto naman. Edi bibilisan ko lang, kailangan ko lang naman nang maghihilod sa likod ko hindi ko kasi maabot. Ayaw mo bang hilurin ko yung likod mo sa pagligo?" Sagot nya, sabay lapit at ngiti sa akin.

Sa sobrang lapit nya ay napaatras ako sa pader. Naramdaman ko ang pag-init ng aking katawan. Itinulak ko ng mahina si Mon palayo sa akin upang maibsan ang init na aking nadama ng mga sandaling iyon.

"Hay nako Mon. Gutom lang yan, tara na at kumain na tayo." Huli kong tugon at lumabas na ako ng kwarto.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain.

Unexpected Love (Freenbeck - Fanfic Story)Where stories live. Discover now