Chapter #4: The Encounter

186 8 0
                                    

Unexpected Love (FreenBeck - Fanfic)

By: Samantha Marie 💕

Casts:

FREEN SAROCHA as Samantha Cruz "Sam"

BECKY ARMSTRONG as Monica Flores-Javier "Mon"

CHARLOTTE AUSTIN as Charmaine Flores "Char"

ENGFA WARAHA as Ingrid Chavez "Iggy"
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sabado ng umaga, maagang nagising si Mon. Inaabangan niya ang araw na ito dahil ito ang unang araw ng kanilang bakasyon matapos ang unang sem ng kanilang huling taon sa kolehiyo, kaunting buwan na lamang ay magtatapos na sila. Dahil ito na rin ang kanilang huling bakasyon bilang mga estudyante, napagpasyahan nila na sulitin na ito.

"Sam, nakaready ka na ba?" Sambit ni Mon.

"Sobrang aga mo naman ata magising." Pahikab-hikab pang sagot ni Sam.

"Syempre, excited na ako sa bakasyon natin eh. Halika umupo ka na rito at kumain." Masayang sagot ni Mon habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Sam.

"Oh heto, kain na." Nakangiting sabi ni Mon sabay lapit kay Sam ng kutsarang may lamang pagkain.

Nabigla man ng kaunti ay natuwa si Sam sa ginawa ni Mon. Hindi talaga ito nagbabago, sa kanilang dalawa siya ang mas malambing at mas maalaga.

"Masarap ba yan?" Kunwaring pagtataray ni Sam, sabay subo sa hawak na kutsara ni Mon.

"Ano, masarap ba?" Si Mon na nag-aabang sa isasagot ni Sam.

"Hmmm. Pwede na, pwede ng mag-asawa." Sabay kindat kay Mon.

Tila kinilig si Mon sa sinabi at ginawa ni Sam, hindi nya napigilang hampasin ito ng mahina sa balikat.

"Ano ka ba, maliit na bagay." Si Mon, sabay tawa ng mahina.

"Oh sige na, kumilos ka na ha para hindi tayo mahuli sa flight natin." Dagdag ni Mon sabay tumayo na at naghanda para sa kanilang pag-alis.
.
.
.
.
.
(Sa parking lot - - - sa Airport)

Nagmamadaling bumaba si Mon ng sasakyan, naipit sila sa traffic kaya huli na rin silang nakarating sa paliparan, nangangamba siya na mahuli sila sa kanilang flight. Sumunod naman na bumaba rin si Sam bitbit ang kanilang mga bag.

"Uy Mon, huwag ka ngang tumakbo hindi naman siguro tayo mahuhuli nasa airport na tayo oh." Sambit ni Sam.

"Nasa labas pa lang Sam, kailangan na natin makapasok sa loob kasi pipila pa tayo." Sagot ni Mon na ngayon ay naauuna na sa paglalakad.

Sa kanyang pagmamadali ay hindi niya napansin ang isang babae sa kanyang pagtawid at sila'y nagkabanggaan. Sa sobrang lakas ng kanilang pagkakabangga ay halos nagkaharapan na silang dalawa, humingi sila ng paumanhin sa isa't isa. Subalit hindi pa nila natatapos ang kanilang sasabihin ay bigla silang nagulat sa liwanag at malakas na busina na tumambad sa kanila, huli na ng kanilang mapansin ang kotseng mabilis ang takbo patungo sa kanilang direksyon.

Nakita ni Sam ang nangyari, nabigla man ay agad siyang tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Mon. Subalit masyadong mabilis ang lahat, at alam niyang hindi siya aabot sa kinaroroonan ni Mon. Nang makita nya na malapit na ang sasakyan, agad na lamang niyang hinatak ang babaeng nabangga ni Mon kanina dahil sa eto lamang ang kaya niyang mailigtas at hindi silang dalawa.

"Beeeep! Tsug!" Eto na lamang ang narinig ni Sam matapos mahatak ang babae patungo sa kanyang mga bisig.

"Ayos ka lang ba miss? Miss, miss?!." Sambit ni Sam habang ginigising ang diwa ng dalagang kanyang iniligtas dahil tila ito ay natulala sa nangyari.

Unexpected Love (Freenbeck - Fanfic Story)Where stories live. Discover now