Kabanata 16

118 5 0
                                    

Kalahating oras ay tsaka lang siya bumalik. Ang sinabi niyang magbibihis siya ay hindi naman totoo. Nakaligo na siya nang lumabas siya sa silid na pinasukan niya kanina.

Mas naguluhan lang ako. Kailangan pa ba talagang maligo? Hindi na ba siya matutulog ulit pagkaalis ko?

"So? Uhm? Water? Juice? Coffee?"

Umiling na ako. Inulit na naman niya.

Umupo ulit siya sa kung nasaan man siya kanina nakaupo. He look at me as if he don't want to tear his eyes away from me.

Maingat na huminga ako ng napakalalim dahil kung hindi ko man yun gagawin baka mahihimatay lang ako dahil sa klase ng titig niya..

Ayaw ba niyang kumurap man lang?

"I am here to discuss something," I then cleared my throat.

Yun naman talaga ang ipinunta ko dito. We are going to talk about what my dad wants. Kung ayaw niya edi aalis ako. Gusto ko lang ipaalam sa kanya ang gusto ni Daddy at para may maisasagot ako sa ama kapag tatanungin niya ako sa kanyang gustong mangyari.

"Good morning, Ash."

Napatitig ako sa mukha niya nang sabihin niya 'yun. Nakalimutan ko din yatang batiin siya dahil sa pagmamadali.

"Good morning.." wala na akong maidagdag pa. Gusto ko nang bumalik sa kung ano talaga ang ipinunta ko dito. Hindi ko na gustong tumagal pa. I feel suffocated around him especially in this kind of place.

"As what I have said–"

"How have you been?"

Laglag ang panga na nakatingin ako sa kanya.

Alam na niyang hindi kamustahan ang ipinunta ko dito. Ibang bagay ang ipinunta ko dito pero gusto lang talaga yata niyang isingit ang pagtanong sa personal na bagay.

"Ayos lang," kaswal kong sagot. "Then, can I continue?"

Namungay ang mga mata niya. Mukhang may iba siyang gustong pag usapan at hindi niya gusto ang klase ng usapan na gusto kong pag usapan namin.

Is he expecting me to ask about his personal life? That's why I am here.

"Yes, continue," he said as if he's disappointed.

Bumuntong hininga ulit ako. "I'm sorry I barge into your house unannounced."

Yun dapat ang una kong sabihin. It looks like I don't have manners to just go directly to the point.

"Ayos lang. It's okay."

Tumango ako. Good.

"Hindi ba bawal tayong magkita? Your mother will kill me, remember?"

Namilog ang mga mata na tumayo ako. The hell! Oo nga pala!

"I'm sorry–"

"Biro lang," he chuckled after he said those words.

"You look cute."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman. Pagkatapos niya akong iwan dito para lang makaligo siya ay bibiruin niya ako. Tsaka bakit kung maka-react siya ay parang wala man lang nangyari noon? But I don't want to remember that day.

"Upo ka. Binibiro lang kita."

Tsk!

Umupo ulit ako. Isang beses lang naman ako dito kaya hindi na naman siguro malalaman ni Mommy 'yun. At saka si Daddy naman ang nagsabing kakausapin ko si Anthony.

"So, why are you here? Biyernes pala ngayon, busy ka."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Paano niya nalaman na busy ako tuwing Biyernes? Katulad ko ay inaalam din ba niya ang schedules ko? Oh, come on, Ash, you're delusional thinking like that.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now