Kabanata 2

133 3 0
                                    

"Ito na ang assignment mo."

Nakangiting tinanggap ko ang notebook kahit na hindi ko naman makitaan ng tuwa ang mukha ni Anthony.

Kakapasok ko pa lang at ito na ang sasalubong sa akin. What a good morning, huh? Gwapo agad ang bumungad sa akin.

"Thank you, Anton!"

"You're not going to give me a name, Perez. It's Anthony!"

"Grabe naman. Istrikto mo naman. Gusto ko lang naman maging kaibigan mo—"

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumapit sa akin. Lumayo ako sa kanya kaagad pero hindi yun sapat para makalayo ako sa kanya. Malaki ang hakbang niya kesa sa pag atras ko. Matangkad pala siya.

"I don't want to be your friend, so fuck off," he firmly said.

Kahit na gulat at kinakabahan ay hindi ko napigilan ang sariling mapangiti.

Damn! He looks so damn sexy!

Kuya!

"Why?" I asked in a small voice.

He shake his head and step back. "Hindi ka na magagamot. Malala na 'yang sakit mo. Kailangan mo nang i-rehab."

Tinalikuran niya ako pagkatapos niyang sabihin 'yun.

The hell?! Rehab? Do I look like an addict to him?

He's really something, huh?

Naiiling na tiningnan ko ang notebook na hawak at siya na naglakad palayo sa akin.

Ang sarap niyang pukpukin ng notebook na ito. Malala na ang sakit ko? Malala talaga kung mas pag iigihan ko pa ang pambubwesit sa kanya.

"Romeo and Juliet," I rolled my eyes while reading the script I was holding.

We are given a task by our teacher to do a roleplay based on the novel Romeo and Juliet.

Sana makakatulong ang roleplay na ito sa hinaharap kasi kung wala naman, susunugin ko talaga ang lahat ng English books na nandito sa paaralan.

"Ikaw si Juliet–"

Binato ko na ng masamang tingin ang kaklaseng gusto akong gawin na si Juliet.

Excuse lang! Hindi ako si Juliet. Hindi ako iibig sa iisang lalaki katulad niya. Maraming lalaki at hindi ako magpapakamatay dahil sa isa. Sayang ang iba.

"Ikaw na Irish," pag iiba nito ng gustong gawing Juliet.

Yun naman pala.

Ako na tuloy ang narrator, which I really want. I don't want to act when in reality, I am actually acting. I hide my true self just to fit in to where I am.

Hindi na ako natutuwa dahil nasa ibang grupo ang mga kaibigan ko. Hindi ko sila kasama kaya halos kada minuto akong naiinis.

"Bakit ba ngiti ka ng ngiti, Irish? Hindi mo ba kitang namatay 'yang si Romeo sa harapan mo?!"

Muntikan ko nang mahampas ng script ang kaklase kong ayaw man lang makinig. Mukhang kinikilig pa habang nagpa-practice kami.

Practisin ko kayang paghampasin ang ulo niya para kapag role playing na ay magtino siya.

Nakakainis nang ayaw man lang nilang sundin kung ano ang nasa script. Puro tawa lang ang nagagawa nila. Saang banda naman sa Romeo and Juliet na tawa pa rin ng tawa?

"Ano ba?! Kung ganyan kayo edi magkanya kanya na tayo! Tatanggapin pa ako ng ibang group—"

"Oh, Romeo!"

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now