Kabanata 3

136 5 0
                                    

Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinakinggan kaya sumuko na ako. Sumakay na lamang ako sa sasakyan. Hanggang lingon nalang ang nagawa ko nang madaanan namin siya.

Saan naman kaya yun galing? Hindi naman dito ang daan sa kanilang bahay. Doon naman sa kabila.

"Good morning!" I greeted him enthusiastically when he arrived at the gate.

Sinadya ko siyang iwanan doon kanina pero plano ko naman talagang hintayin at harangin siya dito.

"Ano na naman ang problema mo?" Inis niyang tanong.

"You saw me?" I asked him. Now my voice is in a serious tone.

Tiningnan niya ang mukha ko. Kunot-noo. Iniisip sigurong magsisinungaling ba siya o hindi.

"Wala kang nakita! Hindi mo ako nakita doon."

"That's easy. Wala din naman akong pakialam sa'yo. Hindi ko ipagsabi."

"Good— hey!"

Mariin akong pumikit nang iwanan na lamang niya ako. Alan kasing hindi na ako makakapasok dahil sa junior high pa lang ako.

Junior high talaga kung aakyatin ko ang bakod para lang makapunta ako sa campus nila! Varsity yata ako sa pag-akyat ng bakod para lang makatakas sa paaralan. Baka gusto niyang makita kung saan talaga ako magaling.

Suplado naman niya parang hindi man lang nahuhumaling sa kagandahan ko. Sus!

"Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon, Ash? Minsan talaga ay hindi ko alam kung saan ka pumupunta kapag wala nang klase pero hindi pa open ang gate. Sino na naman 'yang ginagapang mo?"

Napangiwi ako dahil sa narinig. Ang harsh naman yata ng sinabi niya. Di ba pwedeng nagustuhan lang? O di kaya ay bagong jowa?

"Ano ba ang palaging pumasok sa kukote mo, Ash? Kung sino-sino na lang 'yang sinasaktan mo, ha. Sino na naman ngayon?"

"Gusto ko lang iparamdam sa kanila kung gaano ako ka-mapagmahal. Sino-sino na nga lang ang minamahal ko, 'di ba?"

Sinamaan ako ng tingin ni Aubrielle at muntikan pa akong batuhin ng isang box na paper clips kaya natatawa na hinawakan ko ang kamay niya para pigilan ko siya sa kung ano ang gusto niyang gawin.

"Alam ba yan ng parents mo?" Betane asked.

Umiling ako. Baka palayasin ako sa bahay kung malaman nila ang mga kagagawan ko dito sa paaralan.

"Bakit mo ba ginagawa 'yan, Ash? God! You're just fifteen–"

"Laro lang itong ginagawa ko, okay?!"

Totoo namang laro lang itong ginagawa ko. Kapag may nagkagusto sa akin edi sasagutin ko kung pasok naman siya sa standards ko.

Maputi, matangkad, hindi masyadong mabait pero hindi din demonyo, yung sakto lang. Matalino, of course that's already given. I won't fall if he's not genius. Tsaka higit sa lahat ay kitang he's head over heels in me. Dapat mas gusto ko ako kesa sa gusto ko siya. Pero hindi ko naman kasalanang ang bilis kong mawalan ng excitement. Gusto ko ngayon, sa susunod na Linggo ay wala na. Ganu'n naman talaga, ang damdamin ng tao ay walang nakakaintindi.

Masaya naman ako sa ginagawa ko at hindi pa naman ako nasaktan. Sumasaya akong sa tuwing ginagawa ko ito. Siguro dahil sa isip ko ay yun ang gusto kong gawin. Nakatatak na sa isip ko bata pa lang ako na dapat ay iiyak ang kung sino mang lalaki na dadaan sa buhay ko. Matutuwa ako ng sobra kung iiyak sila at magmamakaawa.

"What if darating ang panahon na iiyak ka?"

Natahimik ako. Nilingon ko ang malawak na field kung saan may maraming mga estudyante. Nasa third floor kaming tatlo ngayon at nag uusap ng kung ano-ano. Wala ang mga guro dahil may meeting silang lahat kaya nagkaroon kami ng oras na pumunta dito sa third floor.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now