Kabanata 8

118 5 0
                                    

Ang mga sumunod na araw ay naging busy na naman ako dahil sa paparating na examination at sa kampanya na din ng mga magulang. Kailangan ay present ako palagi sa kampanya nila dahil ako lang naman ang nag iisang anak nila. Kailangan kong ipakita sa lahat ang suporta ko sa mga magulang.

"Please vote Natasha Perez po. Mayor po ulit," Nakangiting sabi ko sa isang Ali at binigay ko ang isang pamaypay at flyers.

"Please vote Joseph Juancho Perez po for Governor po."

Nakasuot ako ng puting tshirt na may mga mukha ng mga kandidato na sinusuportahan ko. Marami kaming namimigay ng mga flyers at pamaypay. May mga mas matanda sa akin at may mga kaedad ko rin. Volunteer na din kasi ito.

Sa tuwing Sabado at Linggo ay ganito ang mga ginagawa ko, sa Lunes hanggang Biyernes ay tutok ako sa pag aaral.

"Please vote—"

"Mga walang hiya kayong lahat! Pati ang mga magulang mo!"

Nanlaki ang mga mata ko at bago pa ako makaiwas at natamaan na ako ng putik. Hindi lang yun kaonting putik. Isang planggana 'yun na parang pinaghandaan talaga yun para lang maibato sa akin.

Nagkagulo na tuloy ang lahat. Agad na nilapitan ako ng mga kasamahan at ang guwardiya na nagbabantay doon sa medyo malayo ay mabilis ang kilos hanggang sa makapunta sa harapan ko at hulihin ang nagtapon sa akin ng putik.

"Ayos ka lang ba?"

Sunod-sunod ang tanong sa akin pero hindi pa rin ako makasagot dahil sa gulat. Hindi ko inasahan na may gagawa sa akin ng ganito.

Ang puting tshirt na suot ay puno ngayon ng putik. Kahit ang mukha ko ay may putik din.

"Ashanta, anak."

Tulala kong nilingon si Mommy. Gusto kong umiyak sa takot at gulat pero hindi ko magawa. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak dahil ayaw kong magmukhang kawawa sa harapan ng marami.

Ayaw ko ding ipakita kay Mommy na umiyak ako dahil lang sa pagtapon ng putik sa akin. Pagagalitan niya lang ako at sasabihing mahina ako.

"You should go home, Rodrigo, call Manuel."

Tinawagan ng isang guwardiya si Nung Manuel at ilang minuto ay dumating din naman si Manong. Sumama ang isang guard sa amin at habang bumabiyahe kami ay palaging tumitingin si Manong sa rear view mirror. Puno ng pag aalala ang mukha.

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari doon sa lalaking nagtapon sa akin ng putik. Wala akong balita kung ano na ang nangyari sa kanya.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit siya galit sa pamilya ko? Hindi basta-basta ang galit niya dahil kita ko sa mga mata niya kanina ang nag uumapaw na galit. Galit na galit siya habang nakatingin sa akin.

Natakot lang ako nang maalala ang nagawa ni Daddy. Hindi kaya ay pamilya yun sa napatay ni Daddy? Sana ay hindi naman. Wala naman yatang alam ang pamilya ng namatay dahil sa wala namang naghain ng kaso para kay Daddy. Iba kaya yun? May iba pa kayang may galit sa pamilya ko?

Mommy ordered the people who witnessed what happened to me to keep their mouths shut and I am thankful that she did that. I don't want to become the topic of the whole province. Ayaw kong pag chismisan.

"Tumutulong ka pala sa kampanya ng mga magulang mo, Ashanta?"

"Yes, Ma'am. That is the least I can do to support my parents," I answered the teacher.

"Mabuti 'yang ginagawa mo. Hindi magtatagal ay ikaw na naman ang tatakbo."

Tatakbo ako, oo. Kung may hahabol sa akin.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now