Kabanata 14

121 7 0
                                    

"Walang sikreto sa akin kapag tungkol na sa lungsod na ito, Ash. Alam ko, matagal na. Wala lang akong sinabi dahil pribadong buhay mo naman 'yan."

"At talagang kinaibigan mo ang anak ko?"

"Of course. I'm very interested in you. Kamukha mo siya kaya ganu'n na din 'yun."

Inilingan ko siya at sinundan lamang ng tingin ang anak na masayang naglalakad papasok sa simbahan kasama sina Manang.

Malaki na talaga siya.

"Ilang taon ka ng pabalik-balik dito. Hindi private plane ang sinasakyan mo, do you think tatahimik lang ako sa tabi-tabi at hayaan ka? Ako ang namamahala sa lugar na 'to at may ibang alkalde na pabalik-balik dito? Hindi pwede yun."

Sus! Para namang aagawan ko siya sa posisyon niya.

"Wala ka naman sanang pinagsabihan tungkol dito, 'no?"

Sinabi niyang ligtas ang sekreto ko dito kaya malakas ang loob kong tanungin siya. At wala naman talaga akong planong itago ang anak sadyang hindi lang talaga pabor sa amin ang panahon.

"Unfortunately, no..."

"What?!"

Nakaya ko pa rin na hinaan ang boses dahil marami ang tao sa paligid na nakatingin sa amin ngayon. Baka kuyugin ako ng mga tao kung sisigawan ko ang pinakamamahal nilang alkalde.

"O! Sorry na, nilasing ako ni Ethan, e. Alam kasi niyang sasabihin ko talaga ang totoo kapag lasing ako."

Oh my God!

"But he's not going to tell anyone about your secret. Gusto pa nga niyang makilala si Matthew."

The hell!

Si Ethan ay gustong makilala si Matthew? Bakit? Ano bang iniisip niya?

"Ilang taon na kayong hindi nagkikita pero interesado pa rin sa'yo ang pinsan kong 'yon. Pero mas interesado talaga ako sa'yo-huy! Hintayin mo naman ako."

Talaga lang, ha? May mga nakakaalam na tungkol sa anak ko?

Hindi ko pwedeng ilayo si Matt dito dahil nandito ang kabuhayan nina Nung Manuel. Alangan namang ilalagay ko na naman sila sa hindi magandang sitwasyon dahil sa akin. Tama na 'yung noon. Hindi ko na uulitin ang nagawa ko.

"Nangako naman siyang wala siyang pagsasabihan. Wala talaga yung pagsasabihan. Takot lang nun sa akin."

Proud pa talaga siya doon?

"Ash,..."

"Oo na. Sige na. Wala na naman tayong magagawa. Kung alam na niya, edi, okay. Wala naman akong planong i-deny."

Hinarang niya ako sa pagpasok sa loob kaya natigilan ako.

"I am single and well-off, Ash."

"O, tapos?" Nakataas ang kilay ko na tanong.

"Pwedeng ako ang ama-"

"Tigilan mo ako, Clide."

Umalis din naman siya sa harapan ko kaya nagpatuloy na ako sa pagpasok. Tinungo ko kaagad kung nasaan sina Matt nakaupo.

"Ayaw mo ba? I can give you anything you need and you wanted, Ash-"

"Akala ko ba ay gusto ako ng pinsan mo? Bakit ikaw itong nandito sa harapan ko at may kung ano-anong sinabi."

Umupo ako sa upuan, doon ako pumwesto sa likuran nina Matt. Hindi na ako pwedeng tumabi sa kanila dahil sa may iba na silang katabi.

"Mama," nilingon ako ni Matt.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now