Kabanata 12

105 4 0
                                    

May mga dumating na mga sasakyan. Lima 'yun at agad na tinutukan ng baril ang mga guards na dala ni Daddy ng mga lalaking nagsilabasan sa sasakyan kaya takot na hinawakan ko ang kamay ng ama.

"Dad?"

"Sinasabi ko na nga ba!" Galit na bulong ni Daddy.

Ngayon ay parehong nagka tutukan ng baril ang mga lalaking dumating at ang mga guards ni Daddy.

What are they up to? Are they going to kill us all? Who are they?

"Gov," galing sa isang itim na Lamborghini ay lumabas ang isang lalaki na kilalang kilala naming lahat.

Mukhang hindi na nagulat si Daddy sa nakita niya. Mukhang inasahan na talaga niya ang ganitong pangyayari.

"Hindi na sana ako makikialam sa bagay na 'to dahil gusto kong malinis ang pangalan ko hanggang sa dumating ang eleksyon pero anong magagawa ko? Sinaktan mo ang panganay ko."

Anong ibig sabihin nito?

Panganay ni Antonilo Tan si Anthony?

Gulat ba nilingon ko kung nasaan si Anthony at nakita ko na lang na tinutulungan na siyang makatayo ng mga kalalakihan na kasama sa mga dumating.

Anthony James Jimenez is the older son of Mr Tan?

"Let's talk, Antonilo!"

Ang pagdating ni Mama ay ang hindi ko lalo inasahan. And Antonilo? She calls him by his name?

"Ang mga anak natin ang nagkamali–"

"But look at my son, Natasha. Do you think I am just going to sit and watch my son like that?"

"Palipasin na lang natin muna 'to—oh my God! Not my daughter, please."

Habang nakatutok sa noo ko ang baril ay nakita ko ang ekspresyon ni Mommy na gayang-gaya sa akin na kapag nagmamakaawa ako.

Ngayon ko pa talaga makikita ang ganitong bagay, na kita kong puno ng pagsusumamo ang mukha ng ina, na nandito kami sa ganitong sitwasyon? Isang galaw ay paniguradong mamamatay ako.

"Nagsimula naman ang lahat sa anak mo, 'di ba? Ang anak mo ang pumunta dito–"

"One wrong move, Antonilo, I am going to kill your clan. Wala akong ititira," galit na banta ni Daddy.

"Dad," I whispered when he hid me in his back and replaced my place.

The gun is already pointing at his head now.

"Please, I am begging you. Huwag ang pamilya ko…"

Mr. Tan grinned like he has some brilliant ideas in his head.

"Isa lang ang pwedeng mangyari. Gaya ng plano…papasok ang anak ko sa inyo. Lure your daughter and look at this. Perfect!"

What? Lure me?

"Umatras ka sa kandidatura mo sa eleksyon ngayon, Natasha."

"I thought you're not going to cross in my way again–"

"Naniwala ka pa rin sa pangako kong 'yan? Ilang taon na ba? Pinanghahawakan mo pa rin? Sorry, Natasha, nagawa nga kitang lokohin noon, tutuparin ko pa kaya ang pangako ko?"

What?!

"Let's just stop this. Choose, Natasha. Mag ama mo o ang kandidatura?"

Matagal bago sumagot si Mommy pero hindi ko akalain na ipagpapalit niya ang posisyon niya sa gobyerno dahil sa amin ni Daddy.

Simula bata pa ako ay naglilingkod na si Mommy sa mamamayan. Masaya siya sa ginagawa niya pero ngayon ay basta-basta na lang niyang isusuko ang trabaho niya para lang sa amin.

Neglecting the Consequences (HRS#6)Where stories live. Discover now