Chapter 24

572 23 0
                                    

CHAPTER 24

ALYESHIA P.O.V.

Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong tumunog ang aking tiyan. Napapikit pa ako ng maramdaman ko ang sinag ng araw na sumampal sa mukha ko. Napakunot nalang ang noo ko at tamad na sumubsob sa aking unan.

Kanina ko pa din napapansin na parang iba ang amoy ng unan ko kaya mas inamoy ko ng ayos.  Matigas din ito kaya hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin kung unan nga ba ang aking kayakap.

Para ngang  pamilyar yung amoy. Kanino ko nga ba ulit yun naamoy??

Isinawalang bahala ko nalang ang naiisip ko at bumalik na sa pagkakatulog ng ma-realized ko kung nasaan nga ba ulit ako. Dahil sa pagkakataranta ay hindi ko na pinansin ang nagpatak na unan at dali daling bumangon at kinalkal ang laguage ko upang kumuha ng towel. Hindi ko naman napapansin si Veighn kaya malaya akong natataranta sa kwarto niya.

"Aish! Ang tanga ko. Bakit kase ako nakatulog kagabi." bulong ko at nagmamadaling nagkuskos ng katawan. Sabon lang ang nakuha ko at walang shampoo kaya pinakelman ko gamit ni Veighn kahit alam kong magagalit sya. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang isang tao na nakaupobsa kama paglabas ko ng banyo at mapanuring nakatitig sa akin.

Kelan pa siya nandiyan?? Bakit hindi ko napansin na nandito siya. Nakita niya ba ang pagmamadali ko kanina?Aish, puro nalang kahihiyan ang dala mo sa buhay Ashleigh kainis ka!

Napakamot nalang ako ng ulo dahil nakatapis lang ako ng tuwalya at nakalaylay pa ang tumutulong buhok. Hindi na kasi ako nakapagdala ng damit dahil sa aking pagmamadali kaya naman ganto ang hitsura ko...

"A-ahmm...." nahihiya kong saad at di malaman ang gagawin ng tumikhim ito at tumayo mula sa pagkakaupo. Napahawak nalang ang dalwa kong kamay at nilarolaro ito. Lumapit ito sa akin at pinagkatitigan akong mabuti. Umangat pa ang sulok ng labi nito kaya napayuko ako.

"G-good morning"  nakangiti kong saad at lalampasan na sana siya ng hawakan ako sa braso at kumuha ng tela sa nasa aking likod. Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman kong inilapat nito sa aking buhok ang kinuha at marahang iikinuskos sa basa kong buhok.

"Don't run again like earlier. You might slip yourself"  seryosong saad nito kaya napatango-tango ako.

Nagmumukha tuloy kaming magkapatid nito dahil pinapagalitan niya ako habang inaasikaso, hihi.

Really Ashleigh? Magkapatid talaga!

Pagkatapos niyang kuskusin ang buhok ko ay siya naman ang pumasok ng banyo upang maligo. Kaya ko naman nasabing maligo ay dahil nainig ako ang pagpatak ng tubig galing sa shower.

Dito na rin pala ako sa kwarto niya nagmadaling magbihis. Noong una nga ay kakatukin ko sana siya pero nahihiya naman ako kaya nagmadali na akong magbihis habang ppatingin tingin sa paligid.

Simpleng dress lang ang sinuot ko na above the knee, it's color white na may design na flower. Pinaresan ko nalang ito ng white na sandals tsaka ko inayos ang aking buhok.

Mahigit isang oras din si Veighn sa loob ng cr niya kaya naman tulala akong nakaupo sa kama niya. Inayos ko na nga din yung pinaghigaan namin dahil nagusot pero matapos na ako't lahat ay hindi pa rin siya lumalabas ng cr.

Napalingon ako sa may pinto ng makarinig ako ng mahinang katok kaya naman tumayo ako para sana pagbuksan. Total nasa loob naman si Veighn so ako na lang ang bubukas.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto at inaakalang isang katulong lang ang kumatok pero ng tingnan ko ito ay dalawang bata ang bumungad sa akin habang may mga maaliwalas na hitsura.

Napaawang ang labi ko dahil ngayon ko lang naalala na may dalwang bunsong kapatid pa nga pala ang male lead. And worse hindi ako makapaniwala na nasa harap ko sila.

Ang alam ko sa bunsong kapatid ni Veighn ay mas mailap pa sila sa pusa. Ang kanyang mga kapatid ay super ilap na kahit nga ang female kead ay hindi malapitan ang mga to, tanging ang magulang lang at ang kapatid niya ang nakakausap ng tino ang bunsong kapatid eh.

"Hi!? Young master Veighn is still in the bathroom. Do you want to get inside young lady and young master?"  saad ko sa malambing na boses at iminuwestra pa ang aking likod upang magbigay ng paggalang.

Inangat ko rin naman agad ang mukha ko. Nakita ko ang manghang reaction nung batang babae at sa batang lalaki naman ay normal lang. Kagaya ng kapatid niya, wala ka ring mababasang reaction sa bunsong kapatid ng Male lead.

"Pasok kayo" saad ko at iminuwestra ang pagpasok sa kanila. Tahimik lang naman silang pumasok at dahang dahang nagtungo sa higaan ni Veighn.

"Who is she? Is she's kuya's girlfriend?"

"I don't know. Ask kuya."

"Hmp." rinig kong bulungan nung dalwa habang nila-lock ko yung pinto.

Girlfriend? Uy ene be!

"I bet your kuya is still in shower so, Young lady and Young Master....you guys need to wait for him a minute, i guess a little more minute" nakangiti kong saad bago sila lapitan. Tiningnan lang nila ako at tumango.

Umupo nalang ako sa sofa na nasa kwarto at tahimik na tinatap ang tuhod habang malalim na nag-iisip.

Ngayong nasa poder naman ako ng Male lead tiyak na mas mahihirapan ako. Imbis na mapalayo ay mas napalapit pa ang putik!

Ano nalang ang gagawin ko? Really! Kung bakit kase nag awakening awakening power pang kineme nayan eh! Pahamak.


"Hi. Are you my kuya's girlfriend?" natigil ang pag momonologue ko nang isang malambing at mahinang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.


Nanlalaki naman ang aking mata sa narinig na tanong dito. Seriously, bakit lahat ata ay gusto kaming magkaroon ng relasyon ng male lead? Amba, kung alam lang nila na ito ang papatay sa akin baka mahimatay na sila.


Ngumiti lang ako dito  " No. But I can be his girlfriend if he want" humagikhik ako pagkatapos kong sabihin iyon. Wala naman dito ang male lead kaya for sure di ako mahuhuli noon Wahahahah.


"Really?" Andreiia, young master Veighn little sister ask me. I just nod at her because i was just joking pero hindi ko napaghandaan ang biglaang sinabi nito.

"Did you hear it Kuya? She can be your girlfriend daw" nakangiti pa ito habang nilingon ang pinto ng cr na doon mo matatanaw ang seryosong male lead na nakatingin ng matalim sa akin.


Napangiwi nalang ako pero mas lalong nalukot ang mukha ko sa narinig kong sagot dito.


"Yeah, i heard it."



Hi, sorry for long long long update WHAHAHAHAHA but surprise, I published the chapter 24 because i received right now a big achievement. So that's why I think that I'll need to ud. So I continue what i am writing currently and i remember this. And ito lang ang aking masasabi? Just enjoy reading nalang sa inyo, i love you.

UNNOTICED.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon