Chapter 2

2.2K 72 1
                                    

CHAPTER 2 - Im lost.

A/N: Desidido na akong mag update<3 Enjoy reading.

Alyeshia P.O.V.

Anong ginagawa nya dito sa tapat ng kwarto ko??

Mukhang sya nga ang nagpatak dahil kanina nya pang hinihimas ang kanyang braso.

Tinitingnan ko lang sya at mahigit kinse minutos atang tinitingnan ko ito bago ito magumpisang maglakad papalayo dahil may mga lalaking nakaitim ang papalapit sa kaniya.

Hangang ngayon ay nagiisip parin ako kung bakit sya na sa tapat ng kwarto ko pero wala na akong pake dahil kusang pumikit na ang mga mata ko.

Nagising nalang ako dahil nakaramdam ako ng uhaw. Napatingin naman ako sa bintana ng makita ko itong sara pero masisilayan mo parin ang labas. Gabi na pala anong oras na kaya?Napahaba ata ang tulog ko hihi.

Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto dahil nagugutom nadin ako. Naglalakad lang ako pababa ng hagdan ng marinig ko ang boses na nanggagaling sa kabilang kwarto na ikalwa bago sa kwarto ni Alyeshia. Dinahan dahan ko ang aking paglalakad upang marinig ng maayos ang sinasabi nito. Nakalimutan nya atang isara ang pinto ng kwarto nya.

Napantig ang tenga ko ng marinig ko ng malinaw ang sinasabi nito.

"I want you to kill her" galit na sabi ni Maddie. Kaya ko naman nalaman kung sino ito dahil sa kanyang boses, boses na napakaarte.

Sino ang tinutukoy nya? Ako ba yan? Wow, special treatment.

"Tss, I don't care about her naman and wala akong pake if she's my sister, kaya gusto ko syang mamatay dahil sagabal lang sya sa lahat ng plano ko" napatigil na ako sa paglalakad dahil sa pakikinig.

Tss, why killing me?Ganon ba talaga sya ka-insecure kay Alyeshia?

"Bubuksan ko mamaya ang bintana nya para makapasok ka, tulog pa naman ang luka" ako ba yung tinutukoy nya?ay kung ganon ang bobo nya naman magpaplano na nga lang sya ay rinig pa.

Napangisi ako, may naisip kase akong gawin ngayon eh. Napagisipan kung umalis ngayong gabi upang mamasyal. Mas maganda daw kase pag gabi dito sabi ni Lourda kaya aalis ako.

Hindi ko na tinuloy ang pagpunta sa kusina at bumalik nalang ng kwarto upang maligo.

Nakasuot ako ng oversized crop top na Color black at pinaresan ito ng skirt na kulay black rin. Rubber shoes na white ang isinuot ko para makakatakbo pagkinakailangan char.

Kinuha ko yung Wallet ni Alyeshia dahil wala akong pera dito, mahirap na at baka ako'y mawala. Buti nalang at tinuro ni Lourda kung nasaan yung wallet edi problem solved ako.

Lumapit muna ako sa aking kama ng makaisip ako ng kalokohan. Napatawa muna ako bago inipon ang aking unan at stuff toys para i-form na tao bago takluban ng kumot. Napangisi naman ako ng maghugis natutog na tao nga ang nagawa ko.

Huh, akala mo ha! HAHAHAH.

Dahan dahan akong naglakad pababa upang di makagawa ng ingay. Daig ko pa ang magnanakaw sa aking ginagawa dahil sa takot mahuli ng kung sinong pashnea.

Naglakad nalang ako papuntang labasan ng pinto ng maabutan ko yung Mama ni Alyeshia na nakaupo sa sofa habang may hinihigop na tsaa.

"Oh, Shia. We're are you going?" malambing na sabi nito kaya napakamot ako sa ulo.

"Diyan lang po mamamasyal" saktong pagsabi ko ay may nagsalita sa gilid.

Ano ba bakit ang hilig nilang umepal!.

Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroWhere stories live. Discover now