Chapter 16

837 14 3
                                    

A/N:Late update because of busyness and mahina po ang net namin!! and bare my kajejehan, thank you. Enjoy reading.


CHAPTER 16: Her thoughts.

ASHLEIGH P.O.V.


Nakarating narin ako sa wakas sa clinic. Kasama ko parin pala ang lintik na Vien. Hindi ko nga alam kung ano ang trip ng isang to at bakit sya sumama eh.


"Hi po Nurse Gia, si Mira po?" tanong ko kay Nurse Gia. Siya kase ang nagaasikaso dito sa clinic kasama si Doc Jash. Pansin ko rin namang wala ang doctor kaya kay Ate Gia nalang ako magtatanong.


"Oh ikaw pala, Ashleigh. Si Mira? Ayon nandon sya nagpapahinga" mabait na turan ni Nurse Gia at tinuro ang may taklob na kurtina. Nagpasalamat nalang ako at pumasok na sa loob.


Hinawi ko ang kurtina ng makarating ako at nakita ko agad ang isang babaeng natutulog ng mahimbing. Si Mira.

"Hoy, Mira. Ano na namang trip to?" pagkausap ko dito at hinawakan ng mahigpit ang kamay. Nangingilid naman ang luha ko habang nakatingin dito.


"Bibili lang ako ng lunch. I'll be right back" biglang sabi ni Vien kaya nilingon ko ito. Ngumiti lang ako at tumango. Namula naman ang pisngi nito at nagiwas ng tingin bago umalis. Nagtataka naman ako kaya sinulyapan ko siya hanggang umalis.


Nabalik naman ang tingin ko kay Mira at naupo sa tabi nito.


"Mira naman! Walang gantohan! Gising kana diyan, para tong timang eh" pagmamaktol ko at niyugyog si Mira.

"Pag dika gumising sasabihin ko kay Azeil na crush mo siy- Tangina mo lang, subukan mo" nanlalaki ang mata ko ng biglang sumabat si Mira kaya napatayo ako ng wala sa oras.


"WAHHHHHH insan, buhay ka nga" madramang wika ko kaya napairap si Mira. Nagkusot kusot pato ng mata at humikab.



"Hayop ka, Shasha daig mo pang nacomatose ako ng limang taon ah. Ang drama naman" reklamong sabi nito. Napakamot naman ako ng batok at saka dinaganan si Mira.


"Syempre naman Mira. Ayoko kayang mawala ka, pano naman ako? May ikwekwento pa nga ako sayo eh" mahinang sabi ko at nakaramdam ng iyak. Gumalaw naman ito at hinaplos ako sa ulo.



"Insan. Ayan ang hindi pedeng mangyayari okay? At saka hoy teh, yari ka kay Maam HAHHAHAHA minus ka daw sa kanya" pananakot nito kaya napaangat ako ng tingin.


"Wehh? Di ngaaa?"




"Oo ah." maikling sabi nito. Niyugyog ko naman siya at madramang nagiiyak.



"Pano na ang grades ko? Bababa na ba sya? Wahh yari ako kay Mama! Mabibigo ko sila! Hala, paano kung ipatawag nila si Mama at papa sa school? Nakuu, makukurot ako sa singit non!" hysterical kong saad at nagpagilong gilong sa hinihigan ni Mira. Naiikutan ko pa ang paa at tiyan nito kaya nakakarinig ako ng reklamo pero diko sya pinansin.


"Aray ko Ashleigh! Tatamaan ka sakin gago ka. Ang sakit hoy! Joke lang kina mo, napaka oa mo talaga" reklamo nito kaya tumigil ako pero hinihigan ko parin ang hita nito.



"Insan, alam mo may sasabihin ako sayo." seryosong saad ko at napapikit ako.



"Ano yon?" tanong nito.


"I don't know lang or baka totoo to pero yung napapanaginipan ko kase parang totoo eh. Like napunta daw ako sa katawan ng babae tapos nagtatagal ako don ng weeks then matutulog lang ako tapos paggising ko Ashleigh na ulit ako. Parang ewan nga eh or baka nag hahallucinations lang ako? O napapraning nako? Ay ewan" mahaba kung sabi bago lumingon sa kanya. Seryoso ang mukha nito kaya nagtaka ako. Bihira lang kase magseryoso si Mira eh.



Transmigrated as a weakest daughter of duke FormenteroWhere stories live. Discover now